Little Christmas Tree
(Christmas Special)
Karamihan sa mga kabataan tuwing sasapit ang kapaskuhan ay sabik silang makatanggap ng regalo, hindi galing kay Santa Claus kung 'di ay galing sa kanilang; mga ninong at ninang, ate't, kuya, tita at tito pero higit sa lahat ay sa magulang nila. Ganoon ka importante ang pasko para sa mga bata.
Ibahin niyo si Christian, ang binatilyo na tanging hiling lamang ay magkasama sila ng kapatid niyang si Ericka sa araw ng kapaskuhan.
"Kuya gising na!" Pangungulit ni Ericka sa kuya Christian niyang natutulog. "Kuya, mamaya ay pasko na kaya bumangon kana. Tulungan mo akong gumawa ng Christmas tree." Sabay yugyog ni Ericka sa nakatatandang kapatid.
Bahagya itong gumalaw mula sa pagkakahiga. "Eckang mamaya kana mangulit. Inaantok pa si Kuya." Sagot sa kanya nito saka ito bumaling patalikod sa kanya.
Napaabuntong hininga na lamang saka umalis, hahayaan na lamang niya itong magpahinga.
Maliit lang ang kanilang tirahan, mga pinagtagpi-tagping yero na makalawang pa kaya naman tuwing tag-init ay grabeng init sa loob ng kanilang bahay.
Ang kanila namang sahig ay trapal lamang. Kung tutuusin kasing laki lang ng isang kwartong paupahan ang kanilang bahay---- kung bahay nga bang maitatawag? Pero kahit na gano'n ang kanilang antas sa buhay ay ni minsan wala silang na-agrabyadong tao bagkus sila pa itong tinatapak-tapakan dahil na rin sa kahirapan nila.
Agad na ring bumangon si Christian dahil naalala niyang ngayon niya makukuha ang bonus niya sa pinagta-trabahuang pabrika na siyang naging dahilan para may pang tawid gutom silang magkapatid. Bata pa lamang ay iniwan na sila ng kanilang magulang. Dise-syete anyos pa lamang siya no'n at ang maliit na bahay nilang 'to ang kanilang namana.
Naligo na siya't nag-ayos ng sarili para maagang makaalis pero ng napatingin siya sa orasan, mag-aalas dose na pala ng tanghali. Agad niyang naalala ang kapatid, naisip niya na gutom na ito kaya siya ginigising kanina.
"Eckang!" Sigaw niyang tawag sa kapatid. Eckang ang tawag niya dito, siya mismo ang gumawa ng palayaw nito.
"Po?"
Agad na sagot nito saka niya narinig ang mga yabag at pagtingin niya sa kanyang likuran ay nandoon na ito. Napakunot siya ng noo nang mapansin niya ang madungis na kapatid. Pawis ito at may maliit na gasgas sa braso.
"Anong nangyari sa 'yo?" Agad niyang tanong sa kapatid na kibit-balikat lamang ang sinagot. "Ikaw talaga, kung saan-saan ka siguro nagsusuot kaya ang dungis mo." Panenermon niya dito pero pagtawa lang naman ang sinagot nito sa kanya. Nang tignan niya ang mukha nito ay napansin niya ang kasiyahan do'n.
" 'Wag mo 'kong tignan ng ganyan kuya. Wala akong ginawang masama." Agad na sabi nito sa kanya.
"Oh? Bakit ang saya mo kung wala ka naman palang ginawang kabalbalan?"
Makulit kasi si Ericka kaya naman hindi na siya magtataka kung may kapitbahay silang isisigaw ang pangalan ng kapatid niya.
"Kuya may ipapakita ako sa 'yo!" Masiglang sabi nito saka siya hinila.
Nang huminto ito ay napansin niya ang isang maliit na Christmas tree. Wala pa itong ayos at halata na ang kalumaan.
"Saan mo 'yan kinuha?" Agad niyang tanong sa bunso niyang kapatid.
BINABASA MO ANG
Compilation of Short Stories
SpiritualIba't-ibang kwento ng buhay. Mga karanasan ng kwentong pag-ibig, buhay ay inyong mababasa sa bawat pahina ng librong 'to. "Compilation of Short Stories" is now available (sa account ko lang po hane?) ------ ©Copyright 2015 by Yhanna_Princess All Rig...