CHAPTER 19: Bitter Heart? or Change of Heart?

157 2 2
                                    

ENZO'S POV

Pagkatapos kong magbihis, pumunta na ako sa kusina para tumulong sa kung ano pang pwedeng gawin.

"Enzo, nakapag ayus ka na ba ng gamit mo?" -Tita

"Opo tita. Yung ibang gamit na kailangan pa po namin, binalikan na po ni Kuya sa bahay. May maitutulong pa po ba ako sainyo?" sabi ko na todo ngiti pa

"Wala na anak. Magpahinga ka nalang diyan. Sha nga pala, kamusta naman tulog ninyo kagabi?" -Tita

"Mabuti naman po tita. Hindi lang po ako agad nakatulog."

"Ahy bakit? Maingay ba sila Rocky? Oh baka naman malakas hilik ng mga kasama mo sa kwarto?" -Tita

"Hehe. Hindi naman po tita, medjo nag aadapt pa po kasi ako sa oras dito sa Pinas."

"Ahy. Oo nga naman. So kamusta naman so far bakasyon mo?" -Tita

"Mabuti naman po tita. Kakaiba sa kinalakhan ko sa States ang kultura dito. Walang ganito. Mas masaya parin pala dito."

"Oo naman! Iba parin talaga ang laking Pinas." pagmamalaki ni Tita

"Oo nga po ee. Tita, gaano po ba kayo ka close ng family nila Ainj at Tine?"

"Actually business partners kami. Nagimula kami ng maging magkakaibigan ang mga anak namin, kaya pati rin kaming mga magulang close na din. Well actually there are 4 families in our company. Pero umalis na yung family ni Ash papuntang states, sila na yung naghahandle ng branch namin dun." -Tita.

"Ash? Sino po yun?"

"Ahh. Siya yung kaibigan nila Hershey, well actually best friend ni Hershey. Silang dalawa yung unang naging magkaibigan bago pa nila naging kaibigan si Tine at Ainj. Hindi mo sila mapaghiwalay dati. Akala nga namin, silang dalawa na ang magkakatuluyan. Pero since umalis na siya, silang tatlo nalang ang magkakasama ngayon." paliwanag ni Tita

"Mom! Nandito na po sila Tito Peter at Tito Ezra." sigaw ni Eron mula sa Sala

"Osha, ayusin na natin ang kailangan pang ayusin para maka alis na tayo." aya sakin ni Tita sa garahe kung saan naabutan namin sila Ainj na nag lalagay ng mga bagahe nila sa likod ng van

"Tulungan ko na kayo." sabi ko kuha ng maletang pilit binubuhat ni Ainj

"Salamat ha?" sabi ni Ainj with batting eye lashes pa

"Ainj!" sigaw ni Hershey mula sa loob ng bahay

"Teka lang ha?" paalam sakin ni Ainj na tumakbo sa loob ng bahay kung san naroon ang bespren niya

Tinulungan ko na din si Tine sa kanyang mga gamit. Maya maya lang dumating na din si Eron at Chanry para ilagay yung gamit nila at syempre, tinulungan ko na din.

Nakalagay na sa sasakyan lahat ng gamit. Dalawang van ang gagamitin namin. Yung isang van, van ng family ni Ainj, para sa mga matanda at sa mga bata at yung isa naman, van nila Kuya Rocky, ay para sa lahat ng teens. Parehas na mini van gamit namim.

"Okay, mukhang ready na tayong lahat, I guess its time to let you guys know kung san tayo mauna pupunta. We were planning na we'd go to various places dito sa norte kaya sana enough ang na i-pack ninyong gamit. First, magbebeach hopping tayo diyan sa La Union. Hindi namin sasabihin kung saan tayo pupunta susunod. Basta magugulat nalang kayo kapag naandun na tayo. Alright! Let's go!" sabi ni Tita sa aming lahat at infairness,may future sa pagiging show host si Tita

EH HINDI NAMAN TALAGA EH! (JanellaSalvador&MarloMortel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon