CHAPTER 10 : Hide and Seek.

208 3 6
                                    

HERSHEY'S POV

"Niloloko lang ni Kestrel si Ash!"

"What ! Paano mo nasabi ?" -Tine

*Flashback*

Naglalakad ako papuntang library para mag research tungkol sa buhay ni Shakespeare. Related kasi sa assignment namin sa Literature na ipapass namin sa susunod na linggi pero dahil ako'y mabait na estudyante, sisimulan ko na para maaga akong matapos.

Hindi ko alam kung bakit pero parang may naguudyok sakin na dumaan sa hagdan kaysa gamitin ang mahiwagang elevator. Pwew! Nakakapagod po kaya!

Hamakin mo ba namang nasa 10th floor ang library ng school namin. Baliw na siguro ako pero nageenjoy ako maglakad at mapagod kaya sa hagdan ako dumaan. Masaya naman ee! Naka exercise ka na, hindi ka pa nagsayang ng kuryente. Haha!

Nang nasa 8th floor na ko nang may narinig akong ingay sa isang bakante classroom malapit sa hagdan. Dahil ako naman 'tong si etchoserang froglet (charot!) tinignan ko kung sinong tao dun. Okay lang tignan kasi yung library, nasa building namin. Ganito talaga ang mga building dito sa Baguio. Matataas. Kaya matatag ang maskels (muscles) ng legs mo pag nag kataon.

Malapit na ko sa naka bukas na pinto ng narinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa ganda ko ba namang ito? Hindi ako pag-aagawan ? Excuse me! Nasa angkan yata namin ang habulin!"

"Eh Kes, kung papipiliin ka, sino sa kanila ?"

Sila?! OMY! There's more?!! Hindi man lang marunong mag share! Gahaman!

"Well.. Mayaman si Dirk, anak naman ng congressman si Keith, gwapo at mabait si Ash. Pero sa lahat ng boyfriend ko ngayon, si Louie lang ang mahal ko. Hindi pa nila nalalaman ang ginagawa ko, the truth wont hurt any of them as long as its kept a secret. Right?"

OM! Niloloko ni Kestrel si Ash. Two timer siya! Ahy mali! Four-timer! Teka! May ganun bang salita? Wahahahaha! Teka lang! Hoy Hershey! Best friend mo involved! Oo nga pala!!

"Paano mo sasabihin kay Louie kung dumating ang araw na siya ang pipiliin mo?"

Si Louie? Yung dapat pakner ko nung prom?!

"Alam ko namang hindi seryoso si Louie sakin ngayon pero darating ang panahon na ipapakita ko sakanya na kami ang para sa isa't-isa. Meant to be kaya kami."

"Paano si Dirk. Si Keith. Si Ash?"

"Hindi ko naman kasalanan na mabighani sila sa aking akin na kagandahan. Pero di nila kayang mabighani ang puso ko dahil para kay Louie lang 'to (sabay turo sa kinaroroonan ng puso niya). Wala ng iba."

End of Flashback

"Napakasama talaga ng ugali ng Kestrel na yan! Sa simula't sapol ayaw ko na talaga sakanya! Dapat sakanya ibinabaon sa lupa! Ahy hindi. Dapat siyang ibaon sa hukay sa loob ng isang hukay. Ha? Anung sabi ko? Ah basta! Ganun na yun!" -Tine

Hindi ako mapakali. Alam kong ipinangako sa sarili ko na hindi ako mangingealam sa buhay pag ibig ng best friend ko pero ibang usapan 'to! Sasaktan lang ni Kes si Ash. Yung taong pinangangahalagahan ko, pag lalaruan lang ng iba? Aba! Hindi naman iyon makatarungan!

"Anung balak mong gawin?"

Ano nga ba dapat?!

"Sasabihin ko sa kanya dahil bestfriend niya ako. Ang magkaibigan, nagtutulungan. At pag napahamak ang isa, aagaypay ang isa."

"Paano pag hindi siya naniwala sayo?" -Tine

"Hindi ganun si Ash. Maniniwala siya sa akin dahil ako ang best friend niya." sabi ko kay Tine sabay ayos ng gamit ko at nagpaalam sakanya

Iniwan ko si Tine tumakbo palayo para hanapin si Ash.

Hindi ka na sisikatan ng araw bukas Kestrel! Malamang! Malapit na kayang mag gabi. Tsk. Kala nyo may gagawin akong masama noh? Hindi ako ganun.

Inilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Ash. Hindi naman ako ganun kasamang best friend para burahin ang number niya. Actually, memorize ko pa nga ee. Hahahaha! Pero sa ngayon focus muna tayo sa paghahanap kay Ishmael.

Nag riring yung phone niya pero hindi niya sinasagot. Ano ba naman! Hindi man lang tignan yung cell niya. Tsk. Tapon na kaya yung phone niya! Sang lupalop ko naman po hahanapin 'tong taong to!

Pero kung sineswerte ka nga naman! Nakita ko siya papunta ng university park. Naglalakad. Bahagyang nakayuko, parang problemado.

"Ash!"

Lingon kaagad best friend ko! Seeing him, gosh, I just realized how much I missed him.

"Shey?!"

Nang makita niya ako tumakbo siya papunta sakin. Parang slo-mo lang.

"Ano bang problema mo! Bakit ngayon ka lang nagpakita?! Nakakainis ka! Hindi mo naisip na nag-aalala ako sayo!? Bakit mo ko iniiwasan!" singhal niya sabay yakap sakin

"Hindi na mahalaga yun! Ang mahalaga ay yung sasabin ko sayo ngayon." sabi ko sakanya

Bumitaw siya. Nag iba ang expresyon ng mukha niya. Naguguluhan.

"Pakinggan mo muna ako bago ka mag salita. Importante 'to. Uhm. Kasi.. Alam kong kayo na ni Kestrel and you know best friend, I'm happy for you kasi alam kong mahal na mahal mo siya. Simula ng makilala mo siya, siya na bukambibig mo. And alam mo naman na wala akong gagawin na ikakasira ng kaligayahan mo pero.. I'm here to tell you that.. Kestrel is cheating on you."

Ngayon mukhang galit na siya.

"Maher Sheyline, alam mong mahal kita. Best friend kita pero ngayon naman na masaya na kami ni Kestrel ngayon mo pa siya sisiraan sakin. Hindi mo alam kung gaano ako kami kasaya pag magkasama kami. Hahaha. How would you know? You spent three weeks ignoring and hiding from me. What did I do wrong?" -Ash *note the sarcasm*

"Pero.."

"Shey, tama na please. Wala kang alam kung ano ang meron sa amin. Hindi ko nga nakita anino mo para lang sabihin sa akin na masaya ka para sa akin. Ikaw pamandin yung unang taong gusto ko pagsabihan pero ikaw pa yung wala. Anong klaseng best friend yun?!" -Ash

Hindi ako nagpakita sayo kasi masakit para sa akin! Masakit dahil mahal kita!!!! Pero hindi ko kasi kayang sabihin.

"Sorry. Busy lang ako. Tsaka may pinagdadaanan ako. At mas makakatulong sa akin na pag daanan ko yun ng mag isa kaya hindi ako nag pakita sayo. Sa totoo lang masaya ako para sayo. Sainyo ni Kes at wala akong balak sirain yun pero best friend mo ako. Diba dapat sa akin ka maniwala kasi mas matagal yung pinagsamahan natin?"

"Best friend nga ba talaga kita? Parang hindi mo ako itinuring na best friend dahil hindi mo na nga ako sinuportahan sa ikaliligaya ko, hindi mo pa ko pinagkatiwalaan dahil hindi mo manlang ako idinamay sa pinagdadaanan mo. Diba ganun ang magbest friend? Nagdadamayan! Nagkamali ako." -Ash

Hindi na ako nakahirit pa dahil bigla nalang akong nilayasan ng bali-baliw kong best friend.

Anong gagawin ko? Hindi siya naniniwala sa akin?

HEEEEEEEEEEEELLLLLLLLLPPPPPPP!!

EH HINDI NAMAN TALAGA EH! (JanellaSalvador&MarloMortel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon