CHAPTER 20 : Ang drama ni Mael.

137 0 4
                                    

ISHMAEL'S POV

"Everytime I see you falling I'll get down on my knees and pray. I'm waiting for that final moment you say the words that I can't say.."

I really love this song. Lagi itong kinakanta ni Shey ko dati pag tumatambay kami sa park malapit sa bahay nila. Sa tuwing kinakanta niya ito, lalo akong naiinlove sakanya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero, ganun talaga siguro pag sobrang mahal mo yung tao na para bang sasabog na yung puso mo kasi nagkukulang na ang espasyo para sa pag mamahal sakanya.

Tinext ko siya gamit yung roaming number ni Mama nung isang araw bago ang flight ko. Namimiss ko na kasi siya. Hayy. Hindi na nga siya nagreply. Bakit kaya?

Bakit kailangan pang mangyari sa amin ni Shey ang mga bagay bagay. Kinailangan ko lang siyang iwan para protektahan. Ayaw kong may mangyari sakanya dahil saakin. Tsaka ko na ikkwento sainyo. May tamang oras para dun.

Napabuntong hininga nalang ako sabay tingin sa bintana ng eroplanong sinasakyan ko.

Pabalik nanaman ako ngayon ng Pilipinas. Pangalawang beses ko ito. Ung una, nung 5 years old ako, nang napagdesisyunan ni Mama na umuwi ng Pilipinas.

Ipinanganak ako sa Canada dahil dun nagkakilala si Mama at si Papa. Nagtrabaho si Mama sa Canada after niya magraduate. That was I think, 4 years before ako ipinanganak. Si Papa naman, isa siyang Engineer sa isang company dun. Nagkakilala daw sila ni Papa ng maging magkapit bahay sila.

Laging napapansin ni Papa si Mama kapag nag j-jogging siya tuwing madaling araw. Minsan, nagkasabay sila na nag-jogging. Linapitan ni Papa si Mama at nagpakilala. Simula nun, lagi na silang mag kasabay na mag jogging at naging malapit na magkaibigan, lalo na't magkapit-bahay pa sila.

Nainolve sila sa isa't isa at nagtagal ng dalawang taon ang kanilang pagiging mag-boyfriend-girlfreind. Nagpakasal sila at ako ang unang bunga ng kanilang pagmamahalan.

Nang nag 5 years old ako, napagdesisyunan ni Mama at Papa na bisitahin sila Lolo't Lola sa Pilipinas. Siyam na taon na kasi simula ng magtrabaho si Mama sa Canada, hindi pa siya nakaka-uwi.

Pag dating sa Pilipinas, nalaman ni Mama na buntis siya sa pangalawa kong kapatid, si Irianah Ilai. Dahil sa pagbubuntis ni Mama, nagdecide si Papa na magstay muna kami sa Pinas para magkaroon kami nila Lola at Lolo ng bonding at ayaw irisk ni Papa na maulit nanaman yung nangyari kay Mama dati ng ipinag bubuntis niya ako. Maselan kasi sa pagbubuntis si Mama. Muntik na kaming mawala sa mundong ibabaw nung pinagbubuntis niya ako.

A year after namin umuwi ng Pilipinas, mula Pampanga, bumili sila Lolo ng bahay at Lupa sa Baguio City at doon na kami nanirahan. Nang mag papasukan na, inenroll ako ni Lola sa Grade 1.

Doon ko nakilala Maher Sheyline, si Shey ko, ang nag-iisang bestfriend ko at ang taong minahal ko ng buong puso.

Isang araw, habang break time namin, mag-isa lang ako noon kasi nahihiya pa ako makipag kaibigan. Syempre andun parin yung feeling na isolated ka kasi bagong dayo lang yung pamilya namin dito. Halos lahat ng bata dito, magkakakilala, magkakasamang lumaki.

"Alam mo, hindi maganda yung nag sosolo. Baka mamaya, mabaliw ka niyan. Masyadong tahimik ang buhay mo." sabi ng isang cute na batang babae

Classmate ko siya, napapansin ko siya kasi isa siya sa pinaka active sa klase namin. Lagi ko din siya nakikita.

Matipid na ngiti lang ang ibinigay ko sakanya kasi nahihiya pa ako. Hindi ko din alam sasabihin ko sakanya. Pa-mysterious effect ang peg ng lolo mo.

EH HINDI NAMAN TALAGA EH! (JanellaSalvador&MarloMortel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon