CHAPTER 7 : Rejected. Hope. I need hope! T.T

270 3 0
                                    

HERSHEY'S POV

Prom night.

Every girl's dream night come true.

Pero bakit para sa akin parang walang pinagkaiba ang gabing 'to sa ibang gabi ng buhay ko.

Kung tutuusin parang isinusumpa ko pa tong gabing to.

Alam ko kasi, masasaktan at masasaktan lang ako.

Sino ba namang hindi magsasaktan pag makita mo na may kasamang iba ang minamahal mong best friend.

Yup! Tama kayo. Si Kestrel na nga ang partner ni Ash.

Ako? Well im stuck with Louie for the whole night. Hehe. Peace. Mabait naman po si Louie. Gwapo rin naman siya. Hearthrob din. Pero ang problema. Hindi siya si Ash. Ansakit. My heart. It hurts. Haist.

"Eh kesa naman nagmumukmok ka dyan, mag ayos ka na kaya para naman mukha kang presentable tignan!" sita ni Ainj na may kasamang batok

"Aray! Pwede namang hindi ako batukan diba?"

"Eh binatukan lang naman kita para marealize mo na ang shunga mo. Haha. Kung sinabi mo na kasi yang nararamdaman mo para kay Ash edi sana hindi ka nagkakaganyan!" sermon ni Ainj

"Hay.. Ayaw ko lang naman kasi masira yung pagkakaibigan namin. Ayaw ko magaya kami sa mga nababasa ko. Halos lahat ng magkaibigan na nag aaminan either they end up together or they become strangers. Ayaw kong i-risk yung meron samin ni Ash..

Alam ko namang si Kestrel yung gusto niya. Hindi ako.. Alam kong di ko pa nattry. Sa totoo lang gusto ko na ring sabihin, gustong gusto ko pero sa tuwing ibubuka ko yung bibig ko, dinidikta ng isip ko na hindi pwede dahil best friend lang turing nya sakin. Best friend lang. Minsan winiwish ko na sana ako nalang.. Ako nalang.

Hindi naman na niya kailangang tumingin sa iba kasi kaya ko naman siyang mahalin, higit pa sa kayang ibigay ni Kestrel na pag mamahal sakanya. Pero hindi ko naman kasi pwedeng palitan yung nararamdaman niya.. Ang magagawa ko nalang ay ang suportahan siya. Yun nalang kasi ang magagawa ng isang hamak na best friend."

Pagtingin ko kay Tine at Ainj, para silang nakakita ng multo. With mouths open at bulging eyes pa.

Sabay tawa ng malakas na parang nakalunon ng sampung mikropono na naka maximum volume pa!

"Ang emo lang? Hahaha. Nosebleed ako dun aa! nyahohoho! Parang yan na yata pinakamahabang statement na binitawan mo sa tanan ng buhay mo!" -Ainj

Ahy. Oo nga noh? Hahaha. Pinaka mahaba na nga yun. Bwahahaha. Ito yata ang side effect ng lihim na nagmamahal! Ang lihim na nasasaktan.

"Hershey. Alam mo? Kesa nag papaka nega ka dyan, bakit hindi mo subukan? Pinapangunahan mo kasi eh. Sa pagkakakilala ko naman kay Ash hindi niya rin kaya mawala ka kasi walang kapalit yung dami ng pinagsamahan niyo." -Tine

"Tama. Alam mo? Di nalang ako magtataka kung aaminin din ni Ash na mahal ka din niya. Parehas lang kayong natatakot na baka iba yung nararamdaman ng isa well infact parehas lang pala kayo ng nararamdaman. Naghihintyan lang pala kayo." -Ainj

"Sa tingin ko nga, ginagawa niya lang reason na si Kestrel yung gusto niya para magselos ka at mapansin mo na may feelings din siya sayo." -Tine

"Natatakot kasi ako."

"Ganyan talaga kasi nagmamahal ka. Takot kang masaktan kasi all your life, si Ash ang naging kasama mo at natatakot kang mawala siya pag hindi nagwork sa way na gusto mo magwork ang isang bagay." -Ainj

"Ano dapat ko gawin?"

Nagkibit balikat lang si Tine at Ainj. Alam ko kung ano nasa isip ng mga 'to so I didn't ask.

Hahayaan nila akong gumawa ng paraan at mag desisyon dahil gusto nila matutunan kong paghirapan ang isang bagay na ikasasaya at ikabubuti ko at kung saan matututo ako.

"I might as well let him know. Right? But how should I start?"

"Think about it. and think fast. Baka mapag-iwanan ka. How about later? Don't waste time." -Tine

I was pondering through what I have to do to let my best friend know that I love him.

"Sundan mo ang isinisigaw ng puso mo." -Tine

"Tama. Ah basta ako! Sigaw ng tiyan ko? Gutom na!" -Ainj

"Ito naman! Napakaseryoso ng usapan, tas pag kain nanaman ang iniisip!" -Tine

"Eh sa gutom ako ee! Kumakalam na tiyan ko. Pasensya naman! Rawr!" -Ainj

"Tara na nga. Gutom na din ako. Anung oras na din pala! Nako! baka malate na tayo nito! Dun ka na kumain Ainj at marami namang pagkain. Hershey bilisan mo sa pag aayos at naghihintay na yung mga date namin." -Tine

Tumayo na ko sa kinauupuan ko at inayos ang gamit ko. Habang nag aayos, nag iisip ako kung ano gagawin ko.

Paano kaya yung habang nag uusap kami, babanat ako ng "Sana ulan ka nalang." Pagsinabi niyang "Bakit?" Sasabihin ko, "para kahit anong gawin mo, sakin parin ang bagsak mo.."

Waaaaaaa! Ang korny! Baka isipin niya na ginugood time ko lang siya. Haistt. Paano nga ba? Work brain! Please work!

Aha!!!!!!!!!!! BRAIN BLAST!

EH HINDI NAMAN TALAGA EH! (JanellaSalvador&MarloMortel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon