CHAPTER 22 : Dugudugs.

122 1 1
                                    

ENZO'S POV

*DUGDUGS, DUGDUGS, DUGDUGS*

Hala! Narinig nyo yun? Grabe. Ang lakas noh? Ngayon lang ulit tumibok ng ganito yung puso ko. Nakakapanibago. Sa tingin ko dahil yun sa babaeng nakapatong sa akin ngayon.

Woi! Wag masyadong green minded! Bwahahaha! Nagkabanggaan kasi kami kanina at natumba. Kaya nakapatong siya ngayon. Sorry. Shushunga shunga lang kasi hindi tumitingin sa dinadaanan.

Takot ako eh! Feeling komay sumusunod sakin.

"Hindi naman porket sinabi ko kanina na hindi mo matitikman ahy susunggab ka kaagad Hershey! At kung gagawin nyo man yan. Wag naman dito sa labas! May mga batang readers oh! Mga bata! Wag nyong gagayahin to ha?" biglang litaw ni Ainj out of no where

Kung minamalas ka nga naman oh! Ang ganda na nga ng moment tapos masisira pa.

"Okay ka lang?" nag aalalang tanong ko sakanya

"Ahh, ehhh, uhm, oo." sabi niya nang hindi makatingin ng diretso sakin

Tumayo siya mula sa pagkakaibabaw sakin. Inilahad niya yung kamay niya sakin para tulungan ako at kahit nahihiya man, inabot ko ang malambot niyang palad at hinila ako patayo.

At dahil hindi ko natancha yung kontrol sa bigat ko, na out of balance nanaman kami at ngayon ako naman ang naka paibabaw sa kanya.

"Ohy! Balak pang gawan ng round two! Tumayo nga kayo dyan! Mga pasaway. Tsk!" -Ainj

Nangmakatayo, kinaladkad siya ni Ainj palayo.

Naiwan ako mag isa. Pweeeeeewww! Bakit kaya ganun yung tibok ng puso ko? Grabe ano? Tssss. Inlababo na yata ako! Woooooooooo! Nakakahiya! She really had the "effect" on me!

May maliit na ngiti sa aking labi. Naglakad ako papunta sa cottage para maligo. Pagod na ako kaya hindi na ako babalik para lumangoy sa dagat.

Pagkatapos ko maligo, nagpalit na ako ng damit. Hindi pa naman ako inaantok kaya napagdesisyunan ko na maglakadlakad muna sa tabing dagat.

Ang sarap talaga sa tenga ang tunog ng paghampas ng alon at ang "crunch" ng buhangin. Kaya nung nasa States pa ako, madalas ako sa tabing dagat. Malapit kasi yung village namin sa dagat. Ganito ang ginagawa ko kapag kailangan ko mag isip isip at mapag isa.

Hayyy. So far, masaya naman kahit paano na nalayo ako sa problema ko. Masaya kasama si Kuya at ang mga kaibigan niya. Namiss ko rin siya ee. Namiss ko yung bonding naming dalawa.

Bago pa kasi kami mag migrate ng America, si Kuya ang lagi kong kasama. Malamang dahil dalawa lang naman kaming magkapatid. Buntot ako ng kuya ko noon. Kung saan siya pumunta, kasama niya ako.

Bago siya mag high school, dun kami nagmigrate ni Mama. Ayaw sumama ni Kuya kaya nagpaiwan siya kasama si Ate Tess, yung kasambahay namin na nagpalaki sa amin ni Kuya. Pero minsan minsan, pumupunta siya dun para magbakasyon.

Sa states ko na pinagpatuloy yung pag aaral ko simula 5th grade. Doon ko nakilala si Michaela. Isa siyang half-pinay, half-american. Ipinagbuntis siya ng mama niya ng wala ang tatay niya, na iniwan sila, sa tabi ng mama niya ng nasa America siya. Hindi alam ng tatay niya ang existence ni Chami (Michaela).

Kahit na dun siya pinanganak, pinoy na pinoy parin siya dahil iniuwi siya ng mama niya sa Tita Tonet niya dito sa Pilipinas para maalagan ng mabuti dahil hindi magawa ng mama niya dahil may trabaho siya doon.

Grade 5 si Chami ng makapag-asawa ang mama niya ng Amerikano (hindi yung tunay na tatay ni Chami) at napagpasyahan na kunin siya mula sa Tita niya ngunit ayaw niya iwan ang Tita at pinsan niya kaya pati sila kinuha na rin ng Mama niya.

EH HINDI NAMAN TALAGA EH! (JanellaSalvador&MarloMortel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon