CHAPTER 9 : Horrid Truth!

203 1 0
                                    

HERSHEY'S POV

"Hershey, binilhan ka namin ng pag kain. Kumain ka muna. Sabi ng mommy mo di ka pa daw kumakain ng breakfast which is something weird because wala ka naman g pinapalampas." -Tine

"Wala akong gana. Kayo nalang. At kung makasabi lang na walang pinapalampas wagas wagas. Minsan tinatanong ko yung sarili ko kung paano kita naging kaibigan.""

"Bakit? Diba dati, pag depressed ka, kain ka lang ng kain, kaya tumataba ka? Naku, di pwedeng mangayayat ka. Paano nalang ako. Wala na akong kakagatin. Atsaka hindi naman wagas wagas. Wagas lang. Naging kaibigan mo ako dahil itinadhana yun ni Lord. Charot!" -Tine

Lord, salamat at binigyan mo ako ng mga kaibigan na gagawin ang lahat para mapasaya ako.

"Naman eh! Kita mong nagddrama ako dito. Tssss."

"Bakit! Totoo naman ah. Hay nako. Alam naman namin na gutom ka na. Ikain mo nalang yan." -Ainj

Sa totoo lang. Gutom na nga ako eh. Sarap pamandin ng niluto ni mommy kanina. Hindi lang ako kumain kasi hindi maganda gising ko. Atsaka nalate ako ng gising kaya nagmamadali ako.

Pakunwaring ayaw ko, pero kinuha ko yung slice nung pizza at sinabayan ng soft drinks.

Wala pang 5 minutes, ubos ko na yung mga binili nila.

"Wala palang gana ha?" -Ainj

"Tara kain ramyun. Libre ko." walang emosyon kong sabi sakanila

"Huwaw! Libre! Gusto ko yan!" sabi ni Tine sabay hila saakin

Pagkatapos mag ramyun, bumili pa kami ng french fries sabayan ng coke float at ice cream. Hala! We're eating carbs on carbs on carbs! It's a good thing I don't gain weight.

Busog na mga alaga ko, nawala na din pansamantala mga dinadamdam ko. Hayy. Pero naisip ko nanaman. Ansakit talaga. Hindi ko maimagine na ganun yung kalalabasan ng plano ko. That was really unexpected. It hurts too much.

"Nakapagdecide na ako." sabi ko sakanila habang naglalakad kami pabalik sa campus.

"Tungkol sa?" -Tine

"Napag isip isip ko, parang di ko kayang nakikita si Ash araw araw kasama si Kestrel. Iiwasan ko muna si Ash."

"Bakit? Di naman kelangan ng ganun Hershey." -Ainj

"Alam ko. Pero di ko kaya na araw araw, makita sila at sa tuwing masaya sila unti unting nadudurog ang puso ko. Ikaw ba naman araw-araw makita yung taong mahal mo na masaya kasama yung taong mahal niya. Ayaw ko naman na ganito nalang yung laging mafefeel ko. Ayaw ko magpaka-plastic sa harapan nila."

"Hershey, alam naming masakit ang makita yung taong mahal mo na may kasamang iba pero tignan mo kung ikakabuti mo at ikabubuti ni Ash. Take note. Hindi alam ni Ash yung nararamdaman mo. Ano nalang iisipin niya? Dapat may valid reason kang ibibigay sakanya." -Tine

"Hindi na niya kailangan pang malaman ang rason."

"Anong gagawin mo? Bigla mo nalang iiwasan? Bigla mo nalang kakalimutan yung tao? Paano naman yung pinagsamahan niyo?" -Tine

"Kung kinakailangan, gagawin ko. Alam niyo naman kung gaano ko siya kamahal at hindi ko kayang makita siya na masaya kasama ng iba. Alam kong napaka selfish pero kailangan ko muna ng space."

"Feeler! Di naman kayo! Anung space space ka diyan! Kung makahingin ka ng space wagas!" -Ainj

"Ahy, sorry naman. Anu bang tama?"

"You need time to heal." -Tine

"Ahy, yun nga! I need time to heal."

Tinginan kaming tatlo sabay tawa.

TINE'S POV

Tatlong linggo nang iniiwasan ni Hershey si Ash. At dahil kaibigan din namin si Ash at madalas kasama ng barkada, lagi siyang nagtatanong. Di ko tuloy alam kung anong isasagot ko sa mga tanong ni Ash.

"Tine! Nasan si Hershey?" tanong sakin Ash nang makita niya ako

"Ah, ewan ko eh. Di ko pa siya nakikita. Pasensya ka na Ash, nagmamadali kasi ako ee. Maiwan muna kita."

Sa totoo lang, kasama lang namin si Hershey kanina. Ito na ang normal response ko kay Ash sa tuwing nagtatanong siya tungkol kay Hershey. Syempre, kaibigan ko si Hershey, at nasa krisis ang kanyang puso. Pagbigyan nalang natin siya mga kaibigan. May pinagdadaanan ee.

"Tine, please. Sabihin mo sakin kung anong nangyari? Bakit hindi na niya ako kinakausap?" pagpipigil ni Ash sakin, akmang aalis na ako

"Ash, wala kasi ako sa lugar para sabihin sayo. Mas maganda na kayo ni Hershey ang mag usap tungkol sa bagay na yan."

"Kaya ko nga siya gusto makausap. Kailangan kong kausapin ang best friend ko. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako iniiwasan. May ginawa ba akong mali? Gusto ko maging okay kami ng best friend ko. Please Caitlin. Maawa ka." pagmamaka-awa niya

"Di ko alam kung paano kita matutulungan Ash. Hintayin nalang natin na maging ready si Hershey. Tsaka mo na siya kausapin. Mas mahirap pag mag uusap kayo na bumubugso pa ang damdamin. Baka may masabi pa kayo na hindi nyo naman sinasadya. Baka lalo pa kayong di mag ka-ayos"

Tahimik lang si Ash.

Pasensya ka na Ash. Malilito at magkakasakitan lang kayong dalawa kung ngayon kayo mag uusap. Intindihin mo muna si Hershey.

Naramdaman kong nagv-vibrate yung phone ko. Pagtingin ko si Hershey tumatawag. Tinignan ko si Ash.

"Hello?"

"Tine! Importante! Puntahan mo ko sa kiosk! Now na!" -Hershey

"Ha?! Bakit?!"

"Basta! Punta ka na! Ngayon na!" -Hershey

Pinatay na niya phone.

"Ash! Alis na muna ako!"

Hindi ko na hinitay na sumagot pa si Ash. Tumakbo na ko papuntang kiosk.

Pagdating ko, nakita kong galit na galit si Hershey. Minsan ko nang nakita na galit ito. Hindi mababaw ang reason kung bakit nagkakaganito ito.

"Bakit? Anong problema?"

"Niloloko lang ni Kestrel si Ash!"

EH HINDI NAMAN TALAGA EH! (JanellaSalvador&MarloMortel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon