Chapter Three

51 4 5
                                    

Chapter Three

Louise's POV

*Kriiing Kriing

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at hinanap kung saan nanggagaling ang ingay na naririnig ko. Istorbo sa pagtulog. Pagod pa ako sa biyahe.

Napadako ang mata ko sa bedside table ko at nakita ko na sa alarm clock ko nanggagaling ang pesteng tunog na naririnig ko.

Kinuha ko 'to at binato. Diba nanahimik? Babalik na sana ulit ako sa pagkakatulog ko kaya lang hindi ko pa nga naipipikit ang mga mata ko nag ring naman ang cellphone ko.

"Mga deputa! Istorbo sa pagtulog ko." Sigaw ko at dinampot ang cellphone ko saka sinagot ang tumatawag.

"F*ck! Ano na naman ba kailangan niyo?" Sigaw ko sa kabilang linya.

"Relax little princess, I just want to sure na gising ka na para pumasok sa school." Kuya said.

"Gising na ako." Inaantok kong sagot.

"Very good little princess. By the way, I just want to remind you na iwas iwasan mo ng maglaro ng feelings ng iba. Hindi porket nasaktan ka, gagawin mo na rin yun sa iba." Blah blah blah daming sinasabi.

"Drama mo! Sige na mag-gagayak na ako. Bye!" Then I ended the call.

Kahit na lagi kong ginaganyan si Kuya at si Dad mahal na mahal ko yan. Dahil alam kong sila lang yung lalaki sa mundo na kailan man hindi ako sasaktan. Corny ko.

Tumayo na ako sa higaan ko at pumasok sa CR para maligo. Ilang minuto lang ang nakalipas lumabas na rin ako, dumiretso ako sa kusina para maghain ng almusal ko.

Wala akong katulong sa bahay na tinitirhan ko para daw matuto ako. Tss! Masyado nila akong pinapahirapan. Pati driver wala. Mga deputa.

Pagkatapos ko kumain lumabas na ako ng bahay para maghintay ng taxi na masasakyan.Nag-antay ako ng ilang minuto pero walang dumadaan na taxi kaya I decided na maglakad na ako palabas ng subdivision baka malate ako sa first subject ko.

Pagdating ko sa labas ng subdivison namin may nakita naman ako agad na nakapila na taxi doon. Nagmadali na akong sumakay ang init, masakit sa balat.

"Miss saan po tayo?" Manong driver asked.

"Sa SOGO." Sambit ko. Tiningnan ako ng masama ng driver. "Whuut?!" Mataray kong tanong.

Tinitigan lang ako ni manong driver, saka ko lang narealize yung sinabi ko.

"I mean SOGO University. State Of Great Olympus University." Napairap na lang ako. "Magdrive ka na nga lang, dami pang dama."

Kinuha ko na lang yung earphone ko sa bag at sinalpak sa tainga ko saka nagpatugtog.

NP: What the hell - Avril Lavigne

All my life I've been good♪♬

But now, Oohh~♪♬

Thinking what the hell ♪♬

Nage-enjoy talaga akong pakinggan 'tong 'What the hell' ni Avril. Feeling ko sinulat 'tong kantang 'to para sakin e.

"Miss andito na po tayo." Tinanggal ko yung earphone ko at nagbayad na sa driver saka bumaba.

Naglalakad ako na nakachin up papasok ng school. Syempre dapat pinapakita ko yung gorgeous kong mukha hindi dapat tinatago.

Hindi maiiwasan na hindi ako pagtinginan ng mga students sa school na 'to.

Makakita ba sila ng diwata na tulad ko na naglalakad sa school ewan ko na lang kundi malaglag yung panga nila at tumulo ang laway.

Nagdire-deretso lang ako hanggang sa makarating ako sa business building saka hinanap yung room ko.

Nang makita ko na yung room ko pumasok na ako sa loob at umupo sa pinakadulo na malapit sa bintana.

Kinakausap ako ng seatmate ko pero wala akong pakialam sakanya. Daldal niya. Sinalpak ko na lang yung earphone ko sa tainga ko dahil wala pa namang prof. at napakadaldal ng katabi ko. As if naman may pakialam ako sa mga pinagsasabi niya. Boriiiing! Pinikit ko na lang yung mga mata ko.

Ilang minuto lang ang nakalipas nakarinig ako ng tilian ng mga malalandi kong classmate, kahit naka earphone ako sa lakas ng tilian nila rinig na rinig ko parin.

"Aaaahhh! I love yoouuu talaga King Je." Tili ng malandi kong classmate.

"Bagay na bagay talaga sayo yung pangalan na King kasi mukha ka talagang Hari. Waaaaah!" Tili pa ng isa kong malanding classmate.

Minulat ko ang mga mata ko at hinanap yung lalaking tinitilian nila na nagngangalang King Je.

"Makatili ang lalandi. Sino ba yung tinitilian nila?" Iritado kong tanong kay daldalera.

"He's King Je Ebrion, heartrob dito sa University. Lahat ng babae dito sa school patay na patay sakanya. Sino ba kasing hindi mafa-fall sa malafictional character niyang mukha?" Nagheart shape na yung mata ni Daldal habang nagkukwento.

Tinitigan ko mula ulo mukhang paa yung tinitilian ng mga malalandi kong mga classmates. May itsura naman siya, mukha siyang palaka. Nyahahaha!

I smirked before ako magsalita. "Kala ko naman kung sinong napakagwapong nilalang ang tinitilian nila, mukha naman palang palaka." Napalakas yung pagkakasabi ko kaya napatawa si Daldal. Biglang tumahimik at lahat na ng tingin ng mga tao sa room ay napunta sakin.

"Whuut? I know I'm too gorgeous but please don't stare me like that." Iritado kong sabi. "Totoo naman na mukha talaga siyang palaka." Dugtong ko pa. This time mas malakas na yung pagkakasabi ko kaya I'm sure narinig niya na. Nasa pinto kasi siya nakatayo, pa COOL. Tss.

Ngumiti siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Yung mga tao sa paligid namin talagang sinusubaybayan kung anong sunod na mangyayari.

Habang palapit siya ng palapit sakin yung ibang nasa paligid kong mga babae nagtitilian nanaman. Mga malalandi talaga. Ugh!

Nakalapit na siya sakin sabay hahaplusin sana yung buhok ko, pero bago niya pa mahawakan ang buhok ko tinabig ko na agad yung kamay niya. Balak niya pa akong manyakin.

"Bago ka dito miss no? Hindi mo ba ako kilala?" Pagtatanong niya, ang lapit na niya sakin. Gwapo na sana kaya lang ang yabang, teka? Anong gwapo pinagsasabi ko? Palaka siya! Mukha siyang palaka.

"Dapat ka bang makilala?" I rolled my eyes.

Hindi niya pinansin yung sinabi ko. Lumapit pa siya lalo sa akin, pati mukha niya malapit na rin.

Hinawakan niya ako sa may baba, yung pwestong hahalikan tapos ngumiti nanaman siya. Mas lalong naglakasan yung tilian sa paligid.

Ngumiti din ako saka tinanggal yung kamay niya na nakahawak sa baba ko. Then nilapit ko naman yung bibig ko sa tainga niya.

I smirked bago nagsalita.

"Don't play a game with a girl who can play better, Mr. King Je or it's better kung tatawagin kitang KING JERK." Then I kissed him on his cheeks saka ko siya iniwan na nakatulala.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Play The Game Called LOVE (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon