Chapter Five

33 4 1
                                    

Chapter Five

King Je's POV

Ugh! Hindi parin ako makamove on sa nangyari kahapon. Fuck! Napahiya ako dahil sa isang babae. ISANG BABAE. Fuck lang talaga.

I swear I gonna get my revenge. Hindi ako makakapayag na mapapahiya lang ang prinsipeng tulad ko.

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at pumasok na sa CR para maligo.

Habang nasa CR ako at naliligo tinitigan ko yung mukha ko sa salamin.

"Gwapo ka naman. Bakit hindi tumalab yung charms mo sa Louise na yun?" Kausap ko sa sarili ko habang hawak hawak yung mukha ko.

Yeah! Alam ko na pangalan niya at ang lahat lahat sakanya. Full name, birthday, kung saan siya galing at kung saan siya nakatira.

Malaki ang share ng magulang ko sa school na pinapasukan ko kaya madali kong nakuha ang background ng Louise na 'yun.

Habang nagsho-shower ako, naalala ko yung mukha nung Louise pamilyar talaga siya sakin hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita noon.

Pagkatapos kong maligo at magayos ng sarili bumaba na ako.

Kinuha ko yung susi ng kotse ko at umikot sa likod para hindi nila ako makita.

Nagsimula na ako magdrive papuntang school. Makikita ko nanaman yung mga malalanding babae na nagkakandarapa sa kagwapuhan ko.

Haaaay! Buhay nga naman. Bakit pa kasi ako pinanganak na gwapo nahihirapan tuloy ako.

Nakarating na ako ng school and as usual nandiyan nanaman yung mga babae na tili ng tili.

"Be mine King Je! Acccckkk!" Tili ng malanding babae.

"King Je! Tanggapin mo 'to! Chocolate from London." May babaeng nagaabot sakin ng chocolate pero hindi ko kinuha baka mamaya may gayuma pa 'yun.

Nilagpasan ko na lang lahat ng mga malalanding babaeng 'yun at nagsimula ng maglakad.

Habang naglalakad ako papuntang bussiness building napadaan ako sa mga babae na nagkukumpulan.

"You slut! How dare you to kiss my prince!" Sigaw ng isang babae, sa accent niya alam ko na kung sino siya. Si Charlie. May napagtripan nanaman sila.

"Tama! Anong karapatan mo!" Sabay sabay na sabi ng mga alalay ni Charlie.

"Ano ba? Ang pa-panget niyo na nga, ang bobo niyo pa!" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko yung boses na 'yun. "At isa pa wala akong pakialam sa palaka na 'yun, kung gusto niyo inyong-inyo na 'yun ipit niyo sa panty niyo ng hindi mawala. Tse! Makaalis na nga, ayoko makakita ng mga panget na tulad niyo!"

"How dare you!" Sasampalin na sana ni Charlie si Louise pero agad kong napigilan yung kamay ni Charlie. "Ki-king Je?" Nagulat silang lahat ng bigla akong sumulpot, napatingin ako kay Louise gulat din siya pero nakita kong napangiti siya.

Bakit siya nakangiti? Nafa-fall na ba siya sakin? Ayos! Hindi ako mahihirapan na pafallin siya kasi isang araw pa lang nafafall na siya.

Naalala ko kasi sa mga anime na pinapanood ko, pinagtatanggol ng guy yung girl tapos mafa-fall na yung babae. Kaya ipagtatanggol ko si Louise ng mafall siya sakin.

"How dare you na saktan siya?" Matalim kong sabi.

"Bakit? Ano mo ba siya?" Balik na tanong ni Charlie.

"Oo nga! Ano mo ba siya?" Sabay-sabay nanaman na sabi ng mga alalay ni Charlie.

Lumapit ako kay Louise at inakbayan siya. "She's MY GIRLFRIEND." Ngumiti pa ako.

Play The Game Called LOVE (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon