Chapter Nine
King Je's POV
It's been a year simula ng makilala ko si Louise.
One year had passed, at mas nakilala ko pa si Louise, mas nalaman ko pa kung sino nga ba talaga siya, and that's the reason why I love her that much.
I was very careful... I was very careful na hindi ma-fall sakanya and yet this is happening to me AGAIN?! I always deny it to myself... This feeling, I have denied it so many times.
Pinipilit kong lokohin at paniwalain ang sarili ko na hindi ko nga siya mahal. Lahat na ginawa ko para mawala 'tong nararamdaman ko para sakanya.
But I can't help myself. The way she smile, she laugh, and how her eyes twinkled.
I fell inlove with her, EVERYDAY. I don't know how, I don't know why, I just did.
Pero hindi ko pa magawang sabihin sakanya. I wanna say to her "I LOVE YOU" right now but I don't want to be unfair to her. I want to tell it to her once I'm completely over with Ella. Meron pa kasing some part of me na apektado parin niya.
Sabi kasi nila, The stronger the anger feels in his heart, the harder it is for him to fall in love.
Kaya naman hangga't may galit parin akong nararamdaman kay Ella, hindi ko pa siya magagawang mahalin ng buo, pero para kay Louise ita-try kong patawarin siya. Ita-try ko kasi ayokong mawala sakin si Louise.
To: +639696969696
Can we talk Ella? Meet me at 3pm.
message sent.
Tinago ko na yung cellphone ko at pumasok na sa kotse ko saka nag-umpisa na magdrive papunta sa meeting place namin.
Wala pa siya pagdating ko kaya sumandal na lang muna ako sa kotse ko para hintayin siya.
Ilang minuto lang ang lumipas dumating na rin siya. Pagdating niya agad siyang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.
Hinayaan ko lang siyang yakapin ako, bumitaw narin naman siya agad saka nagsalita.
"Patatawarin mo na ba ako? Babalikan mo na ba ako Je? Babalik ka na ba sakin?" Tanong niya habang hawak hawak yung magkabilang pisnge ko.
Tahimik lang ako at hindi nagsasalita saka tinanggal ko yung kamay niya sa pisnge ko.
Nang makita ko siya ulit bumalik lahat ng sakit na iniwan niya sakin tatlong taon na ang nakakalipas.
"No." Maikli kong sagot na may galit sa boses.
"I'm sorry Je, ang tanga-tanga ko para saktan ka. I'm really sorry sana mapatawad mo ako. Mahal kita..
mahal na mahal." Lumuhod siya sa harapan ko habang umiiyak.
Hindi ko magawang makapagsalita dahil baka kung ano lang ang masabi ko na masakit sakanya.
Mahal? Tangna pala e. Kung mahal niya ako bakit niya ako niloko at sinaktan? Nakakagago lang sheyt.
Napayukom na lang ang kamao ko sa sobrang galit. Paano niya nasasabi na mahal niya ako? Sinaktan niya ako at niloko tapos mahal niya ako?
"I'm sorry Je, I'm really sorry." Humihikbi siya habang sinasabi yan.
Napapikit na lang ako dahil sa sobrang galit. Sa pagpikit ko, nakita ko si Louise na nakangiti sakin saka ko naalala kung bakit gusto kong makausap si Ella. Huminga muna ako ng malalalim bago nagsalita.
"It's alright, stop what your doing." Itinayo ko siya mula sa pagkakaluhod niya saka pinunasan yung mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya.
"Mapapatawad mo pa ba ako?" Humihikbi parin siya dahil galing siya sa iyak.
BINABASA MO ANG
Play The Game Called LOVE (On-hold)
Short StoryMinsan ko ng binigay ang buong tiwala at pagmamahal ko sa dalawang tao. At anong napala ko? Ginamit at sinaktan lang ako. Since that day, I promise to my self na kailan man hinding-hindi na ako ulit magmamahal at magtitiwala ng hindi na ulit ako mas...