Chapter Eight
King Je's POV
Takteng mistisang hilaw na yun! Grr! Pagpasok ko ng CR syempre as expected pinagtitinginan ako ng ibang mga lalaki doon.
Pagkatapos kong hugasan yung make up sa mukha ko lumabas na rin ako ng CR, may pupuntahan pa kami ni mistisang hilaw.
"Ang tagal mo namang lumabas, kanina pa ako naghihintay!" Badtrip na sabi ni mistisang hilaw sakin.
"Bakit nung naghintay ba ako kanina nagreklamo ako? Hindi naman diba!" Balik na sabi ko sakanya at kinaladkad na siya papuntang parking lot.
Sumakay na ako ng kotse ko at sumakay na rin siya. Pagkasakay niya as usual sinalpak na naman niya yung pinakamamahal niyang earphone sa tainga niya.
Nagsimula na kaming bumiyahe, walang nagsasalita saaming dalawa habang umaandar yung kotse ko.
Tahimik lang akong nagmamaneho at nakatingin sa daanan habang siya naman pakakasalan na 'ata yung cellphone niya.
Habang nagmamaneho ako napasulyap ako kay mistisang hilaw na nakapikit at nakikinig sa earphone niya.
Napagmasdan ko tuloy yung physical appearance niya. Hindi sa nababading ako ah? Hindi rin sa nagkakagusto ako sakanya, dahil imposibleng mangyari 'yun.
She's one of my toy kaya imposible talagang magkagusto ako sakanya. The heck! Hinding-hindi na ulit ako magpapakatanga sa isang babae.
Habang pinagmamasdan ko yung mukha niya, kung isa akong babae maiinggit ako sa physical appearance niya.
Ang tangos ng ilong niya, pinkish yung labi niya, yung pilkmata niya ang hahaba, yung kilay niya ang kapal.
Kakatitig ko sakanya hindi ko na napansin na nakatingin na pala siya sakin, dali-dali kong iniwas yung tingin ko at itinuon na lang sa daan.
"Bakit ganyan ka makatitig? Sarap na sarap kang titigan ako ah? Gandang-ganda ka ba sakin? Sorry ka na lang, hindi ako pumapatol sa playboy." Panga-asar niya na nakangisi saka tinanggal yung earphone niya.
"Kapal! Ikaw tititigan ko? Tumitungin lang ako sa side mirror baka may sasakyan sa likod." Palusot ko. Sana lumusot, sana lumusot!
"Blah blah blah! Palusot pa more parang hindi ko naman nakita." Inilagay niya ulit yung earphone niya sa tainga niya at pumikit ulit.
"Hindi na--." Natigil ako sa sinasabi ko ng ilahad niya sa mukha ko yung palad niya na parang nagsign siya ng stop.
Hindi ko na tinuloy yung sinasabi ko at nagdrive na lang ako ulit, siya naman ayun nakapikit nanaman.
Sa sobrang tagal ng biyahe namin nakatulog na si mistisang hilaw, tulo laway na e.
Ilang minuto pa ang lumipas bago kami nakarating sa pupuntahan namin.
Ginising ko na siya hindi ko namalayan na napalapit pala ako masyado sa kanya.
"Ano ba yan? Balak mo ba akong halikan habang natutulog? Mandiri ka nga!" Natulak niya ako ng kaunti kaya napalayo ako saka siya nagpunas ng gilid ng bibig niya, tulo laway kasi matulog.
"Baliw! Wala akong balak na halikan ka! Bumaba ka na nandito na tayo." Utos ko sakanya saka tinalikuran ko na siya.
"Nasaan ba kasi tay--." Naputol yung sasabihin niya ng mapatingin siya sa paligid.
"Wow!" Nasabi na lang niya at makikita mo sa mga mata niya na amaze na amaze siya. "Ang ganda dito! Wow! Nasaan ba tayo?"
"In my place." Sagot ko sakanya habang kinukuha yung sapin sa compartment ng kotse ko.
BINABASA MO ANG
Play The Game Called LOVE (On-hold)
Short StoryMinsan ko ng binigay ang buong tiwala at pagmamahal ko sa dalawang tao. At anong napala ko? Ginamit at sinaktan lang ako. Since that day, I promise to my self na kailan man hinding-hindi na ako ulit magmamahal at magtitiwala ng hindi na ulit ako mas...