Chapter Six
King Je's POV
"Hahahaha! Ano bang nangyayari sayo King? Sa dami ng babae mo sa Louise na 'yun ka lang 'ata pumalpak." Natatawang sabi ni Dom ng ikwento ko sa kanila lahat ng nangyari kanina.
Break time namin ngayon. Nakatamabay kami at kinukwento ko sakanila lahat ng ginawa sakin kanina ng mistisang hilaw na yun.
Oo nga? Ano bang nangyayari sakin? Ako ang player dito dapat ako ang naglalaro hindi ako yung pinaglalaruan. Damn! Curse you King.
"Astig niya. I like her." Sumama ang tingin ko kay Ralph ng marinig ko ang sinabi niya.
"Hindi mo siya pwedeng magustuhan." Inis kong sabi. Teka? Bakit ako naiinis?
"Bakit pre? Type mo na ba yung Louise na 'yun?" Natatawang tanong ni Dom.
"Wag kang magalala pre sayong-sayo na siya. Hinahangaan ko lang naman siya kasi ang astig niya. Tingnan mo sa dami ng babae dito sa school siya pa lang ang unang babae na nakagawa 'nun sayo." Mahabang paliwanag ni Ralph.
"Aywan ko sainyo! Mga nababaliw na kayo. Ako? Ang prinsepeng tulad ko? Magkakagusto sa Louise na 'yun? Napaka imposible namang mangyari nun." Natatawa kong sabi sakanila. "All of this is just a GAME. Makikita ng Louise na 'yun at makikita niyo na ako ang mananalo sa larong 'to." Dugtong ko pa.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at sumunod naman sakin yung dalawa, sakto namang tumunog na yung bell.
Pumasok na ako ng room, nakita ko naman si Louise na nakaupo doon sa dulo habang nakasalpak nanaman yung earphone niya sa tainga niya at nakapikit.
"Pagkapasok ng room si Louise agad ang hinahanap? Inlove ka nanaman talaga hahaha!" Pangaasar ni Dom.
"Galawang King JERK, hahaha!" Gatong naman ni Ralph saka nag apir yung dalawa.
"Fck you the both of you!" Nagbadfinger ako sakanila saka nagsimula ng maglakad papasok sa loob.
Lumapit ako sa kinauupuan ni Louise. Tiningnan ko ng masama yung katabi niya, umalis naman agad 'to.
Umupo na ako sa tabi niya, hindi man lang ako napansin ng mistisang hilaw na 'to. Tinanggal ko yung earphone niya ng mapansin niya naman ako.
"Fuck! Ano bang problema mo?" Sigaw sakin ni Louise pero nginitian ko lang siya. Oh ayan! Napansin narin niya ako sa wakas.
"Wala lang." Maikli kong sagot.
"Wala naman pala e!" Inis niyang sabi saka sinalpak ulit yung earphone niya.
Magkasalubong na yung kilay niya habang nakasimangot. Ang cuute niyang tingnan! Huh? Ano bang lumalabas sa bibig ko? Nababaliw na 'ata ako. Ilang minuto na ang lumipas tinanggal ko ulit yung earphone niya.
"Ano ba talagang problema mo?!" Sigaw niya ulit sakin pero this time napatayo na siya sa sobrang inis. Ang cute niya talagang tingnan. Heh! Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko.
"Ms. Palma! What's your problem? Why are you shouting?" Tanong ni Maam kay Louise. Sigaw pa mowr.
"Nothing maam." Inis siyang umupo saka tinanggal yung earphone niya at nilagay ito sa bag niya.
"Tinanggal ko yung earphone mo para sabihin na nandiyan na si maam." Mahina kong sabi sakanya. Tinitigan niya lang ako saka inirapan.
"Pake ko!" Pabulong niyang sabi.
*Lecture Lecture Lecture
Isang oras ng nagle-lecture si maam hanggang ngayon hindi parin siya natatapos. As if naman may nakikinig pa sakanya diba? Sinasayang niya lang yung laway niya kadadaldal.
BINABASA MO ANG
Play The Game Called LOVE (On-hold)
Cerita PendekMinsan ko ng binigay ang buong tiwala at pagmamahal ko sa dalawang tao. At anong napala ko? Ginamit at sinaktan lang ako. Since that day, I promise to my self na kailan man hinding-hindi na ako ulit magmamahal at magtitiwala ng hindi na ulit ako mas...