A/n: Sorry guys sa chapter na ito :(
Sige po, ingat kayo! Babawi na lang ako sa ibang chapter.Mark
".. kaya mas lalo kitang nagugustuhan eh."
Dugdug. Dugdug.
Nakakainis! Yung dibdib ko, kumakabog na naman. Bakit ba ang lakas ng tama ng kurimaw na to sakin eh ang obvious namang pinagtitripan lang niya ako!
Kapag ako bumigay sa mga ginagawa niya sa akin, siguraduhin niya lang na panindigan itong nararamdaman ko dahil kung hindi... itatapon ko sa ilog Pasig ang bra at panty ni Bambam. Roar!
"Ulol!" Tinulak ko siya palayo pero heto parin siya, nakangisi! Pinagtitripan talaga ako ng kurimaw na ito eh! May araw ka rin. Wag lang ngayon, gutom ako.
"Ha-ha! Ayiie! Namumula ka na naman." Pang-aasar pa niya. Tss! Feeling close. Kahapon lang kami nagkakilala pero kung maka-asar,wagas. Sabagay, kahapon ko lang din naman siya nakilala pero chinuchuwariwap na agad siya ng puso ko. O diba? Ang landi.
"Oo nalang, Jackson. Pwede bang 'wag ako? Baka makain lang kita. Gutom pa naman ako!" Pang-babanta ko. Nakikisabay kasi sa tawag ng sikmura ko. Psh!
Maya-maya, bigla siyang dumikit sakin habang naka-lipbite. JuiceColored! Bakit ba ang sexy niyang tignan? Tapos, pinaniningkitan niya pa ako ng mata na parang nang-aakit! Tss. Leshe!
"Sige lang. Hindi ka magsisisi pag natikman mo na ako." Luh! Bastos. Di niya ba alam na inosente ako sa mga ganyan? Hindi ko nga alam ang ibig sabihin ng 'yadong' at 'byuntae', eh. Nakakain ba yon? Huehue!
Minsan, nawi-wierd-uhan ako sa taong ito. Di ko alam kung bakit ang hilig niyang dumikit at ikiskis yang balat niya sa balat ko. Tine-test niya kaya kung kinikilig ako sa mga ginagawa niya? As if naman no! Pano kung hindi pa siya naliligo? Edi dumikit sakin yung libag niya? Kikiligin ka ba 'pag nahawaan ka ng germs? De, joke lang. Kahit papaano, kinikilig ako sa pag-dikit niya sakin. Hindi lang ako nagpapahalata. Maria Clara ata to. Pwe!
Ginantihan ko naman siya ng matatalim na titig nung sinabi niya 'yon. Kaines eh! Double meaning yung sinabi niya, kung ano-ano tuloy pumasok sa isip ko.
"Bugok! May panis na laway ka pa sa bibig, puro na kahalayan yang pinagsasasabi mo!" Tinulak ko ulit siya palayo pero tinawanan niya lang ako.
"Ah, e-excuse me? May tao pa po dito, oh. Tinubuan na ako ng ugat sa paa kakapanuod sa landian niyo!" Biglang singit ni Bambam. Nakalimutan kong kasama ko pala itong kabute na to. Pati gutom ko, nalimutan ko na rin. Bwisit kasi si kurimaw, ang aga-agang mang-bismud ng tao.
"Ay! Sorry na, BB. Ha-ha!" Sagot ni Jackson. Napalingon naman ako sa kaniya. Nakita ko siyang nakahawak pa sa batok habang tumatawa. Napadako naman ang mata ko sa armpit at biceps niya. Tss! Erase! Erase! Ito ba ang dahilan kung bakit nawala ang gutom ko? Erase ulit! Kainis na isip to. Pero kasabay nun ay ang paglingon niya naman sa akin kaya agad akong umiwas.
Sheet! Nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. Nakakahiya, aasarin niya na naman ako for sure. Pero napansin ko namang umiwas din siya ng tingin sa akin.
"Okay lang. Sige, tuloy niyo lang. Kunwari wala ako dito." Sagot ni Bambam sabay talikod. Luh? Nagtampo? Di po bagay.
"Oy, si Yugyeom oh!" Sigaw ko kahit wala naman. Ha-ha!
"Ha? Saan, saan! Sabihin mo kung nasaan!" Humarap siya samin sabay lingon sa tabi-tabi. Hala? Ang bilis ng response pag kay Yugyeom, wah! Kalandi.
"Joke lang. Tara na nga! Sa ibang tindahan nalang tayo bumili." Hinila ko agad si Bambam sa ibang direksiyon palayo kay Jackson. Wala lang? Naiilang kasi akong kasama siya eh. Tss! "Di ba bibili pa tayo ng agahan at ng load? Diba, diba?"
BINABASA MO ANG
My Neighbor Is A Jerk! [MarkSon]
RomanceBumisita sila Mark at Bambam sa bahay ng kanilang mahal na lola para magbakasyon. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala nila ang grupo ng mga kalalakihan na siyang makikigulo sa buhay-bakasyonista nila. Makakayanan kaya nilang makasama ang...