Chapter 8

101 7 1
                                    

Chapter8:

Panibagong umaga para sa panibagong araw! Nabadtrip nga lang ako kahapon kasi naman iniwan ako ni Jackson sa kinakainan namin kaya ako pa ang nagbayad! Nyemas. Ang mahal pa naman ng kinaen namin! Huhu. Akala ko ba ililibre niya ako. Tss! Masakit po pala talaga ang umasa.

Bumaba na ako sa higaan ko at ginawa ang madalas kong ginagawa sa umaga. Ang mag-cr! Walang berde ha? Saka ako bumaba sa kusina. Naabutan ko sila Lola at Bambam na naghahain. Hindi lang basta pang-umagahan ang nasa mesa. Mga putaheng pam-bonggang okasyon.

"Sino may birthday?" Tanong ko.

"Si Dora." Sagot ni Bambam. Komedyante eh. Binatukan ko nga!

"Ang funny mo! Funny-ra ng araw." Sabi ko habang binibigyan ng matalim na titig si BB.

"Hoy, ano ba? Wag mo nga akong titignan ng ganyan! Baka mamaya may sored eyes ka, mahawa pa ako!" Sagot niya naman. Nagkunwari pang nagtakip ng mata.

"OA alert! OA alert!" Nilagpasan ko nalang siya at lumapit kay Lola. Nagluluto pa pala siya. Inamoy ko naman ang niluluto niya.

"La, sinong may birthday?" Tanong ko habang naglalaway. Napalingon naman ako sa isa pang putahe na nakalagay na sa lalagyan. Sinubukan ko iyong papakin kaso napaso ako. Napasipsip naman ako sa daliri ko. "Anshaket!"

"Timawa alert! Timawa alert!" Sigaw ni Bambam. Tinitigan ko ulit siya saka inirapan.

"Dadating kasi ang Tita Minerva mo. Birthday niya kasi." Mahinang sagot ni Lola.

"Talaga?" Bigla naman akong binuhusan ng tubig nung marinig ko iyon.

Si Tita Minerva, ang panganay sa magkakapatid na anak ni Lola. Sumunod sa kaniya si Mama at bunso si Tata Helen na nanay ni Bambam. May nag-iisa siyang anak, si Suzy. Matagal ko ng hindi nakikita sila Tita simula noong mag-birthday si Papa noong mga 11 ako or 12. Nag-away ata sila ni Mama pero si mama na ang nagpakumbaba dahil magkapatid sila at ayaw ni rin mama na nagkakatampuhan sila.

Hindi ko alam ang tungkol sa nangyaring iyon noon. Pero ang alam ko, hindi nagpakababa ng pride si Tita at hanggang ngayon siguro ay galit pa ito kay mama. Siguro, galit din siya sakin.

Ano kaya ang mangyayari mamaya? Hindi ko ma-predict. Sa hinaba-haba kasi ng panahong hindi ko siya nakikita, hindi ko malaman kung ano na ang itsura niya at ang ugali niya. Sana naman, magbati na sila ni Mama.

"Oo? Bakit apo?" Tanong ni Lola.

"Wala naman po. Hindi po ba parang awkward?" Tanong ko din dito.

"Matagal na iyon, Mark. Siguro naman may magbabago na sa pakikitungo ng Tita mo sa iyo at sa atin." Mahinahong sagot ni Lola.

"Bakit? Anong meron?" Sabad ni Bambam.

Naalala ko bigla noong nakita ko ang itsura ni Tita Minerva na nagagalit. Kamukha siya ni Majin Boo! Afraid. Sinigawan niya ako nang dahil lang sa natapunan ko siya ng kape sa suot niyang black dress. Ang sabi niya, namantsyahan daw yung damit niya. As if namang kukulay ang kape sa blusang itim niya no? Pinag-initan niya ako nun. O sabihin na nating matagal niya na akong pinag-iinitan. Gusto niya akong saktan noon. Kitang-kita ko sa mata niya. Nakakatakot. Na-wiwi pa nga ako nun eh. Huehue! Buti nalang nandoon lagi si Suzy, yung anak niya para iligtas ako sa mommy niya.

Hindi iyon ang unang pagsusungit ni Tita sa akin. Madalas ko nalang isipin na baka malapit ng mag-menopause si Tita kaya ganyan. Lul. Hindi ko nalang ito ikunukwento kay mama. Baka mas lalong lumawak yung gap sa pagitan nilang dalawa, eh.

My Neighbor Is A Jerk! [MarkSon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon