A/n: Hi! Sorry po sa hindi pag-update agad. Busy po kasi nitong mga nakaraang araw eh. Psh! Gesge, ito na po yung second chapter.
Mark
"Najebs ata ako, este- INLOVE na yata ako, pinsan."
Luh. Ano daw? Nakakabingi. Don't tell me, nahulog agad siya kay Yugyeom? Pambihira. Pero, first time ko lang siyang narinig na gumanyan. Hmm~
Kadalasan kasi, sinasabi niya lang sakin na crush niya lang yung isang tao. Pero ngayon, nasabi niya saking inlove na daw siya. Ano yun? Love at first sight. Well, hindi ako naniniwala dyan dahil never ko pang naramdaman yan.
Ako kaya? Kailan ako magkakaroon ng lovelife? Hindi ko pa nararanasan na maging commited o pumasok sa isang relasyon. Masarap kaya? Oyy~ wag berde. I mean, masarap kaya sa pakiramdam ang ma-inlove? Pwe. Tama na nga. Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip ko.
"Silent treatment? Sabi ko inlove na ako!" Sigaw ni Bambam kaya napabalik ako sa ulirat ko. Napalingon naman sa amin si Yugyeom na nauuna sa aming maglakad. Ngumiti ito kay Bambam. Ayii~
Napatakip naman ng bibig si Bambam. Tapos, hinawi niya yung buhok niya. Haba ng hair. Saka nagpabebe wave dito.
Nagpabebe wave din si Yugyeom. Ayii~
Ang lalandi. Sakit sa mata.
"Oo. Narinig ko! Ingay? Paulit-ulit. Huwag ka na ngang magsasalita. Tumatalsik laway mo. Ang bantot."
"Inggit ka lang kasi may lovelife na ako. Ang gwapo ni Fafa Yugyeom no? Nakaka-inlove yung height niya. Ayii~ Type na type ko talaga yung mga matatangkad. Gusto ko kasi may taga-sungkit ako ng mga fanty at vra ko sa sampayan pag nag-live in na kami. Di ba, ang sweet?" Assume pa more, Bambam.
Inirapan ko na lang siya. Pagbalik ko ng tingin sa daan, nakita kong naglalakad pabalik sa amin si Jackson. Lumapit ito sa akin kaya napahinto ako.
Napatitig ako sa mata niya, at ganon din siya sa akin pero binawi niya yung tingin niya na para bang umiiwas. Saka siya nag-lipbite.
Ako lang ba o talagang na-attract ako sa pag-lipbite niya? Psh. Init lang to. Dala lang ng panahon. Wag malisyoso.
Pero, aaminin ko. Ang sexy niyang tignan. Pwe! Ano bang mga pinagsasabi ko.
Pero may naramdaman talaga akong kakaiba nung mag-meet yung mga mata namin. Strange feeling. Hindi ko pa to nararamdaman sa buong tana ng buhay ko. Choss. Hmm~ Baka ganito lang talaga pag gutom.
"Ako na magdadala ng bag mo." Emotionless niyang pagkakasabi. Ni hindi siya tumingin sa mga mata ko.
Kahit pala ang wierd nitong mag-isip, may pagka-gentleman side din pala siya.
Inabot ko nalang sa kaniya yung bitbit kong mga pinamili namin ni Bambam.
"Thank you." Bulong ko.
"May bayad to, uy!" Abay, anak ng tofu. Kala ko kawanggawa na to! May fee pa pala. Ako na nga lang ang magdadala. "Raket ko kasi to. Hirap kayang kumita ng pera ngayong bakasyon."
"Akina na nga yan. Mapapagastos pa ako sayo eh." Kukuhanin ko sana yung pinabitbit ko kaso iniwas niya sa akin yung pinadala ko sa kanya.
"Kung ayaw mo magbayad, si Lola Cora nalang sisingilin ko. Kuripot!" Abay, leshe! Meron bang trabahong pinipilit yung mga costumer.
Hinayaan ko nalang siya. Saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Tumabi siya sa akin. Para tuloy kaming mag-syota. I mean, dikit na dikit kasi siya sa akin. Ewan? Nag-aassume na ba ako? Psh. Pero hindi niya ako kinakausap habang naglalakad.
BINABASA MO ANG
My Neighbor Is A Jerk! [MarkSon]
RomanceBumisita sila Mark at Bambam sa bahay ng kanilang mahal na lola para magbakasyon. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala nila ang grupo ng mga kalalakihan na siyang makikigulo sa buhay-bakasyonista nila. Makakayanan kaya nilang makasama ang...