Chapter 6

122 8 0
                                    

Mark

"Ano kaya yung kinuwento ni Jackson kay Junior?" Pisti kasi, kanina pa ako binabagabag ng lamang loob ko sa narinig ko kanina. Inabot na ako ng gabi dito sa terrace kakaisip sa kung ano ba talaga iyon.

Pinilit kong alamin kay Junior kung ano iyon pero tanging 'secret' lang ang isinagot niya sakin. Diba, ang lapit ng sagot? Pwe.

Di kaya may sinabi si Jackson kay Junior na masama tungkol sakin? Baka, siguro? Pero pag nalaman kong kabugukan iyang pinagsasabi niya tungkol sakin, babalatan ko ang ano niya, yung ano... yung kalyo niya sa mukha. I swear!

"Eh baka sinabi ni Jackson na type ka niya?" Huh? Ako. Malabo!

Ang tyansya na magustuhan ako ni Jackson ay parang boobs ni Bambam... maliit. Lol!

Oo, masyadong madikit si Jackson sakin nitong mga nakaraang araw at madalas niya akong sabihan ng mga kabugukan pero alam ko namang kalokohan ang mga iyon. Trip lang? Ganern.

"Ulol. Wag ka ngang magsabi ng ganyan, baka umasa ako." Tama naman diba? Wait! Ano yung sinabi ko? Nadulas ako kay Bambam!

Napatakip ako ng bibig. Tss! Buking na ata ako ng lola niyo.

"Aha! Sabi na nga ba eh! Chinuchuwariwap mo si Jackson! Ha-ha. Confirmed! Sirena ka. Pa-canton ka na-" Tinakpan ko nga ang bibig ng baklang ito. Ang ingay! Baka makabulabog kami ng mga natutulog na mga taong-pokemon sa labas. Ang mas malala, baka nasa tabi-tabi lang si Jackson at baka marinig niya yung pinuputok ni Bambam. Alam mo naman, may pagka-kabute si Jackson. Kung saan-saan lumilitaw. Baka mabuking ako pag nagkataon.

"Huwag ka ngang maingay! Baka marinig ako ng kurimaw na iyon." Sabi ko kay Bambam. Kumawala naman siya sa pagkakatakip ko sa bibig niya saka niya ako tinaasan ng kila sabay punas sa bunganga niya. Taray!

"Pwe! Oh, ano? Edi sinabi mo na ring type mo si Jackson. Wag kang mag-alala, secret lang natin iyan." Hayy. Wala na, nadulas na ako. Wala akong tiwala sa baklang ito pero sa tingin ko, hindi niya naman ako bibiguin. "Saka sa susunod punasan mo muna iyang mga kamay mo bago mo takpan ang bibig ko! Pasmado ka kasi te! Ang alat sa panlasa. Baka iyan pa pinaghuhugas mo sa pwet mo? It's so ewee! Ya know?" Hayop ka foe.

"Edi wow."

"Peace. Pero, ano bang nagustuhan mo sa lalaking iyon kaya nagustuhan mo siya agad? And take note, isang araw palang kayong nagkikita. Ang landi mo naman kung ganon." Biglang nag-seryoso ang hangin dito sa labas. Naiihi tuloy ako sa sinasabi ni Bambam. Actually, hindi ako komportableng ikwento ito lalo na sa madaldal kong pinsan ko pa ito sasabihin.

"Heh! Parang ikaw hindi! Mas malala ka pa nga dyan. Kung makalingkis ka kay Yugyeom, parang anaconda! So, sinong mas malandi?" Totoo naman eh? Sila na ba, sila na ba? Ha, ha!? Daig niya pa kulangot sa sobrang dikit niya kay tangkad. Sakit sa bangs. Huehue!

"Oo ako na. Eh mutual naman ang nararamdaman namin eh? Kumontra, paslang! Saka nape-predict kong malapit nang maging kami! Eh ikaw, nahulog ka sa taong hindi mo alam kung magkakagusto ba sayo o ano!? At sa lalaki pa! Ha-ha." Nang-iinsulto ba siya? Tss. Gusto ata ng war eh. I-straight-in ko to sa panga pag nakita niya. Huehue! Kung makapagsalita, parang siya hindi pumatol sa lalaki! Pwe!

Saka, ano namang masama kung magkagusto ka sa kapawa mo? Ibig sabihin ba non, bakla ka na? Lesbian ka na? Di rin. Sinunod mo lang kung ano yang nararamdaman mo at iyon ang ibig sabihin ng 'totoong pagmamahal'. Charot!

"Ang tabil ng dila mong bakla ka! Parang ikaw, hindi ka nagkagusto sa kapwa mo!"

"Excuse me, babae po ako. Hi-hi!" Sagot niya, sabay hawi ng buhok. Sakit sa mata. Magkaka-guliti pa yata ako. Achuchu!

My Neighbor Is A Jerk! [MarkSon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon