A/n: Hello :')
This is the first chapter. Sana magustuhan niyo. Comment? Drop it now para malaman ko mga thoughts niyo :')-
Mark
"Kuya, pakibaba nalang po kami sa Kalye Tiktik." Psh. Ang weird ng pangalan ng lugar nila Lola Cora. Nakakatakot. Yung parang pugad ng mga engkanto at masasamang elemento 'yung name ng baryo nila. Nakakaduda kasi yung pinangalan sa lugar.
Well, pers taym ko palang makabisita sa lugar ni Lola Cora. Never kasi naisipan nila mama at papa na dalawin ang lola naming tisay. Huling punta daw namin dito, mga months palang ang edad ko kaya hindi ko pa napipicture sa isip ko kung anong itsura ng Kalye Tiktik. Nakakaduda talaga.
Dapat pala talaga nagdala ako ng asin, vetsin at magic sarap para pangontra sa mga aswang kung sakali mang may masasamang elemento ang umaaligid sa kalyeng iyon. Malay natin diba?
Kasama ko sa byahe si Bambam, ang feelengera kong pinsan. Bakasyon naman kasi namin ngayon. And since gusto naming makita si Lola Cora, madalas kasing ang lola namin ang bumibisita sa bahay, kaya kami na mismo ang dadalaw sa kanya.
Hindi naman kami maliligaw nito no? May binigay kasing mapa si Dora kay Bambam para may guide kami papunta dito, bakit ba? Close sila eh. LOL. Pero, seryoso? Instructions at directions lang ang binigay samin para makapunta sa pugad ni Lola Cora.
"Magkano Koya yung pamasahe don?" Tanong ni Bambam na katabi ko sa loob ng tricycle. Grabe! Ang dami niyang bitbit. May dalawang maleta lang naman tapos may bagpack pa siya sa likod.
"250 lang." Walang tinging sagot samin ng driver. Sinimulan niya nang paandarin yung trucycle. Yung totoo? OA nang pagkakatuos niya sa pamasahe namin wah? Gagantyuhin pa kami nito.
"Pwera biro?" Tanong ni Bambam.
"250 nga!" Sigaw nung driver.
"Luh? High blood? Nagtatanong lang eh! Gusto mo dagdagan ko pa yang 250 para may pambili ka pa ng pang-napkin mo! Yung whisper with wings yung piliin mo ha? Yun kasi ang gamit ko eh. Sarap sa pakiramdam. Heaven! A-raaay!" Binatukan ko nga. Dinadala kasi pati dito yung kakirihan. Hay, maaga atang papanaw yung mga uban ko sa ulo dahil sa baklang to.
Napa-'tss' nalang sa amin si Koyang Driver. Napatingin ako sa bawat kanto na dinadaanan namin. Puro bahay tapos medyo crowded din. May mga foodstand at sugalan sa gilid tapos ang daming iba't ibang uri ng pokemon na nakakalat. Huehue!
Ang daming mga batang nakahubad na naglalaro sa gitna ng daan. Sari-saring patutoy at budayday ang nakikita ko! Fishti. Mukha namang hindi sila inaasikaso ng mga magulang nila. Hay, jusme. Nagpakeme-keme tapos hindi aalagaan yung mga inere!
Napapreno tuloy si Koyang Driver nang biglang may tumakbong bata patawid sa kalsada kaya napasubsob si Bambam sa may parang windshield ng tricycle.
"Anak ng echoserang froggie aguilar naman oh!" Sigaw ni Koyang Driver. Cardiac! Confirm.
"Ouchness! Yung pimple ko, pumutok! Achuchu. Magli-leave to ng mark eh! Waaah! Ayokong magka-creater sa mukha. Heyep na mga pokemon to! Sa gitna pa talaga naglalaro! Haaay. Okay, Bambam. Easyhan mo lang. Baka magka-wrinkles ka kagad. Inhale, exhale. Inhale, exhale." Napanganga nalang ako. Wala akong masabi. Ang landi!
"Eskinol, teh. Effective yon." Sabat ni Koyang driver.
Napangiwi nalang kami ni Bambam sa suggestion niya. Yung totoo?
Umandar ulit ang sinasakyan namin. Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinignan kung may nagtext na sa akin pero nadisappoint lang ako kasi hanggang ngayon wala pa ding nagresponse sa GM ko. Leshe. Alin lang sa dalawa yon, Mark. Either tinubuan na naman sila ng kakunatan sa mukha o ayaw ka nilang i-text. Ang chaket.
BINABASA MO ANG
My Neighbor Is A Jerk! [MarkSon]
عاطفيةBumisita sila Mark at Bambam sa bahay ng kanilang mahal na lola para magbakasyon. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala nila ang grupo ng mga kalalakihan na siyang makikigulo sa buhay-bakasyonista nila. Makakayanan kaya nilang makasama ang...