Chapter 7

113 8 9
                                    

A/n: Sorry po sa isang buwan na hindi pag-update.
Sisipagan ko na po sa susunod. Promise! Haha.
Btw, eto na yung next chapter :')
Enjoy ^^.

Mark

"Jackson! Hindi... Jackson!" Naramdaman kong tumulo ang luha ko sa aking mga pisngi. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Siguro, mas lalo ng lumalalim ang pagtingin ko kay Jackson at ang makita siyang duguan at walang malay ay isa na sa masakit na nangyari sa akin. Hindi ko na nakayanan ang nakikita ko kaya nagsimula nang mangatog ang mga tuhod ko dahilan para matumba ako sa sahig. Halo-halo na ang nararamdaman ko. Para bang sakit na may halong kalungkutan. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sakin pero mas lalong hindi ko alam kung paano iti nangyari kay Jackson.

Lumapit ako sa kaniya para lamang mabuhat ang katawan ni Jackson. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak sa mga sunod-sunod na nangyayari na hindi ko naman alam kung paano nagsimula. Pinasan ko siya ng buo kong makakaya palabas ng kung ano mang lugar na nasaan kami. Kailangan kong humingi ng tulong mula sa labas. Nagbabakasaling may milagro pang sasalba sa kaniya. Alam kong buhay pa siya.

"Jackson... Kung naririnig mo ako, sumagot ka. Ayokong mag-isa." Bulong ko kahit na alam ko namang walang sasagot sa sinabi ko. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad palabas.

Nakaramdam ako ng pagkangawit pero kinakaya ko pa rin. Actually, hindi ko nararamdaman ang bawat hakbang ko. Hanggang sa makapasok ako sa isang madilim na kwarto na pasan-pasan pa rin si Jackson sa aking likuran.

"Dumating rin kayo sa wakas. Kanina ko pa kayo hinihintay... Mark." Nagulat nalang ako ng marinig ko ang boses na iyon. Boses ng isang lalaki. Inikot ko ang paningin ko nang makita ko ang lalaking nakatalikod mula sa direksyon namin ni Jackson. Hindi ko siya kilala, maging ang boses at postura nito. Ngunit papaano niya nalaman ang pangalan ko gayong hindi ko man lang ma-recognize ang boses niya?

"S-sino ka?" Masama ang kutob ko sa mangyayari. Humarap ito sa amin pero sobrang malayo ito kaya hindi ko maaninag ang mukha niya isama mo pa na madilim ang kwarto. Maya-maya, naramdaman ko na namang tumulo ang luha ko sa di ko alam na dahilan. Pero bumilis ang kabog ng dibdib ko ng may itutok ito sa amin. At alam kong isa yung baril. Pero bakit? Ano bang atraso namin sa kaniya?

"Shhh. You're too tired. I should give you a rest. Ba-bye, Mark." Rinig kong sagot nung lalaki kasabay ng isang malakas na tunog na parang isang putok ng baril. Matapos noon ay biglang nagdilim ang paligid kasabay ng pagkawala ng misteryosong lalaking kanina'y nasa harap ko lamang.

***

Napahinga ako ng malalim matapos kong magising. Panaginip lang pala. Masyadong na-tense yung boobs ko dahil sa mga nakita sa panaginip ko. Lol, joke lang yung 'boobs', wala ako nun eh. Masyado lang siguro akong pagod kaya kung ano-anong lumalabas ng image sa isip ko. Ni halos napaka-imposible ng napanaginipan ko at napaka layong mangyari ngayon. Pero, si Jackson... iniiyakan ko sa panaginip? Ramdam kong nalungkot ako nung makita kong wala na siyang buhay. Isa pang nakapagtataka, sino yung lalaking nasa panaginip ko? Alam niya ang pangalan ko, samantalang hindi ko siya kilala. Nevermind. Panaginip lang naman yun! Hindi mangyayari iyon. Sana~

Tumingin ako sa orasan sa may mini table sa gilid ng kama ko. Alas-dos palang pala. Pumunta muna ako sa CR sa may baba. Bigla akong naje-jebs, eh. Ganito pala talaga ang epekto pag nagdadalaga ka na. Huehue! Pagpasok ko sa CR ay napatingin ako sa salamin. May napansin kasi akong kakaiba sa itsura ko, eh.

"Ang gwapo mo talaga, Mark. Kakai-babe ka! Tsk. Tsk! Tatampalin ko ng napkin kapag may kumontra. I swear!"

Wala namang masamang pumuri sa sarili wah? Nyenye! Maya-maya may narinig akong yabag ng paa. Ramdam kong papalapit to sa CR. Taena! Ang aga-aga palang kaya, imposibleng gising na sila Lola at Bambam niyan kaya kanino naman nanggagaling iyon? Haaay! Kinikilabutan ako.

My Neighbor Is A Jerk! [MarkSon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon