Part 1

255 3 0
                                    

Dilim.

Ito ang unang sumalubong sa iyo nang imulat mo ang iyong mga mata. Muli kang napapikit. Nang imulat mo uli ang iyong mga mata, dilim pa rin ang sumalubong sa iyo.

Madilim.

Iyong tipong wala ka nang nakikita. Purong itim ang paligid.

Lihim kang napamura. Nasaan ka? At bakit puro itim ang paligid?

Bago pa masagot ang iyong mga katanungan ay bigla parang nagbago ang paligid. Nang pagmasdan mo iyon, napagtanto mo na iyon ang silid mo. Nakita mo roon ang iyong sarili na.. umiiyak? Nagulat ka. ANO?! UMIIYAK?!

Pagkatapos ay nakita mong tumayo ka at nagwala habang nagsisisigaw. Pinagbabato mo ang mga gamit sa iyong kwarto. Upuan.. Mga Unan.. Kumot.. Cellphone.. Laptop.. Mga Figurines.. Picture frames..

Nakita mong napatigil ka.. At saka pinulot ang isang piraso ng isang basag na frame. Matagal mong pinagmasdan iyon bago umupo sa kama..

Tila napakalalim ng iyong iniisip..

Ilang sandali pa, itinutok mo ang piraso ng basag na frame sa iyong pulsuhan at.. at..

Dilim.

Biglang nagdilim ang lahat..

At muli, nakita mo na lamang ang iyong sarili na bumalik sa purong itim na paligid na siyang unang namulatan mo kanina na parang walang nangyari. Na tila ba imahinasyon mo lamang ang lahat ng nangyari kanina..

Biglang sumabog ang liwanag sa madilim na lugar na iyon.

Napapikit ka.

At nang imulat mo ang iyong mga mata, nasa isang playground ka na..

Maraming batang naglalaro. Lahat sila, nagtatawanan.. Lahat sila, masaya.

Sinamaan mo sila ng tingin. Dahil para sayo, walang dapat ipagsaya. Walang dahilan para tumawa.

Dumako ang tingin mo sa swing. Nakuha ng isang batang musmos ang atensyon mo.

Dahan dahan kang lumapit at pinagmasdan siya..

Hindi kagaya ng ibang batang naroon, ang batang ito ay may malungkot na expresyon sa mukha.. Malungkot na malungkot na tila ba pagod na pagod na sa kaiiyak..

Ang damit na suot niya, na sa tingin mo ay purong puti, ay madumi.. Butas butas.. Ganoon din ang short na suot niya.. At wala siyang suot na sapin sa paa..

Malungkot na nakatingin lang siya sa mga batang naglalaro..

Habang nakaupo siya sa swing na iyon, parang nararamdaman mo ang kung ano mang nararamdaman niya.. Nalulungkot ka..

Dumako ang tingin mo sa mga maliliit niyang mga braso..

At muli kang napatingin sa mukha niya..

Nagulat ka..

Kasi..

Puno siya ng mga bugbog at sugat..

Napakaraming itim na pasa sa parte ng katawan niya na kung sa malayo ay aakalain mong dumi lamang..

Ano nga ba ang edad niya sa tingin mo?

5 years old? 6?

Napakabata para matamo ang mga bugbog at pasa sa musmos niyang katawan..

Hindi mo napigilan ang iyong sarili..

Tuluyan kang lumapit..

Itinaas mo ang iyong kamay para hawakan ang gilid ng labi niya na may pasa..

Pero lumagpas ang kamay mo sa mukha niya.

Sinubukan mo ulit..

Pero kagaya noong una, lumagpas lang ang kamay mo sa mukha niya.. O sa katawan niya..

Muli kang napaatras..

Napatingin ka sa mga kamay mo..

Ano ang nangyari?

Sinubukan mong hawakan ang hawakan ang swing na kinauupuan niya..

Pero hindi mo iyon nahawakan..

Ginawa mo pa ng ilang beses..

Pero wala parin. Lumalagpas lang ang kamay mo..

Hindi ka makapaniwala..

Ano ang nangyayari?

Para kang kaluluwa na hindi mahawakan ang mga bagay na gusto mong hawakan..

Tila isa kang kaluluwa..

Ito ba ang kapalit ng pagpapakamatay mo?

At dun lang pumasok sayo ang lahat..

Pagpapakamatay..

Nagpakamatay ka nga pala..

Muli mong pinagmasdan ang paligid. Ang playground.. Ang mga batang naglalaro.. Nagtatawanan.. Ang mga sasakyan sa paligid.. At pati narin ang batang nasa harapan mo..

Nakita mong nakatingin siya sayo..

Ang mga mata niya.. Ang expression ng mukha niya..

Gulat na gulat siyang nakatingin sayo..

One Last BreathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon