Part 8

83 3 2
                                    

At ang huli, kitang kita mo na lumaban ka sa kanila.. Nagsalita masama.. Nawalan ng galang.. Kung paano ka sinampal.. Ang galit sa mukha mo.. Ang muling pagbitiw ng mga masasamang salita sakanila.. Ang pagtakbo papaalis.. Ang iyong pag iyak.. Kung paano ka nagwala.. Ang pagbabato mo ng mga gamit.. Ang pagpulot sa basag na piraso ng frame.. Ang paglalaslas.. At.. At..

Dilim.

Biglang nagdilim ang lahat. Blanko. Nawala ang mga eksenang kanina ay parang sine na bumalik sa isipan mo..

Naramdaman mo ang pagtulo ng mga luha mo..

Masakit..

Mahapdi..

Isa kang mabuting tao..

Pero pinili mong maging masama..

Sinayang mo ang buhay mo dahil lamang sa pangaasar sayo na ampon ka..

E ano naman?

Minahal ka naman ng mga taong umampon sayo.. Inalagaan na parang tunay na anak.. Minahal na parang tunay na kadugo.. Itinuring na hindi iba..

Pero nagawa mong kalimutan ang lahat ng iyon..

Mas pinili mo pang maglaslas..

Ang magpakamatay kesa magbago..

Magpakamatay..

Oo nga pala..

Nagpakamatay ka..

Pero..

Patay ka na nga ba?

Huli na nga ba para marealize mo ang dapat?

Huli na ba para magbago?

Huli na ba para bumangon ulit?

Huli na ba ang lahat?

"A-anak.. K-kamusta ka na? I-ilang buwan ka nang tulog.. Gusto ko na ulit makita yung ngiti mo.. Pati marinig yun tawa mo.. Gusto ko na ulit mayakap mo ako anak.. M-miss na miss ka na ni Mama.. K-kailan ka ba gigising? I-iiwan mo na ba kami ng Papa mo? *sobs* Please anak.. H-huwag naman oh.. Alam mo naman na mahal na mahal ka namin diba? L-lagi naming sinasabi iyon sayo.. Kahit na hindi kami ang tunay mong mga magulang, h-huwag mo sanang isipin na hindi ka namin mahal dahil mahal na mahal na mahal ka namin ng Papa mo, Anak.. *sobs* S-sorry kung nasampal ka ni Mama, ha? S-sorry talaga kung nasaktan kita, anak.. Hindi ko sinasadya iyon.. P-pangako.. Kahit na pagsalitaan mo pa kami ulit ng masama, k-kahit pa sigaw sigawan mo pa kami ulit ng Papa mo, k-kahit na gawin mo pa ulit yung mga ginagawa mo dati, pangako talaga, h-hindi na kami magsasalita.. Basta gumising ka lang, Anak.. Basta wag mo lang kaming iwan.. Basta makasama ka lang namin.. Lumaban ka para samin.. Come back to us.. Gumising ka na, Anak.. Hinihintay namin ang paggising mo.. Nandito lang kami lagi.. Gumising ka lang, masaya na kami.. Mahal na mahal kita anak.."

Siguro nga hindi pa ito ang huli..

At kapag handa ka ng imulat ang iyong mga mata..

Ikaw lang ang nakaka alam ng susunod na mangyayari..

Ikaw lang ang nakaka alam kung ano ang iyong gagawin..

Ikaw lang ang nakaka alam kung ano ang iyong pipiliin..

Mabuti?

O masama?

Decide now..

Or regret later..

THE END.

One Last BreathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon