Part 6

58 2 0
                                    

Wala sa loob na napahawak ka sa pisngi mo.. At basa nga iyon..

Hindi mo na namalayan.. Umiiyak ka na pala..

Pinunasan mo ang mga iyon..

"W-wala to.."

"Malungkot ka rin po ba?"

Natigilan ka..

Ano ba ang nararamdaman mo?

Malungkot ka nga ba?

Napahawak ka sa may puso mo..

Kinapa mo ang nararamdaman mo..

At..

At..

Masakit.

Iyon ang nakapa mo..

Nasasaktan ka..

Parang kinukurot ang puso mo..

Pero bakit?

"P-pwede niyo pong kausapin si Papa God.. Diba sabi po ni Tatay, pakikinggan niya lahat ng sasabihin natin kahit ano pa iyon?"

Tumingin ka sa altar.

Kausapin siya?

Kailan ba noong huli mo siyang kinausap?

Wala kang maalala..

Ganoon katagal..

Hindi mo na maalala..

Kaya paano mo siya kakausapin?

"H-hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko."

Matagal na tumitig sayo ang bata bago nagsalita.

"Alam niyo po ba yung ABCD?"

"ABCD? Alphabet?" nagtatakang tanong mo. Bakit napasok sa usapan ang Alphabet?

"Opo! Yun! Dati po kasi, hindi ko rin po alam kung pano kausapin si Papa God.. Kaya tinuruan po ako ng ABCD ni Tatay.. Sabihin ko lang daw po iyon ng maraming beses hanggang gusto ko.. Maiintindihan daw po ako ni Papa God.. Kasi.. Alam daw po Niya ang nasa loob nito." itinuro niya ang puso niya. "Siya na daw po ang bubuo ng mga salitang gusto kong sabihin pero hindi ko alam kung paano.. Pwede niyo rin pong gawin iyon.. Si Papa God na rin po ang bubuo ng mga salitang gusto mong sabihin.. Alam po niya ang laman nito.. " at itinuro niya ang puso mo.

Napatitig ka sa kanya.. Hindi ka makapaniwala..

Nakakatawang isipin.. na mas bata pa siya sayo pero.. may mga bagay na siya pa ang nagtuturo sa iyo..

Ginawa mo ang sinabi niya.. Pumikit ka.. At..

"A.. B.. C.. D.. E.. F.. G.. H....~" Kakaibang pakinggan ang ginagawa mo.. Nag mumukha ka na ngang tanga eh. Pero itinuloy mo parin.. Dahil pakiramdam mo, tama siya.. Alam Niya ang mga salitang hindi mo alam kung paano sasabihin.. Kaya Siya na ang bubuo para sayo..

Ilang beses mo pang inulit ang mga iyon.. Pa ulit ulit.. Maraming beses.. Hanggang sa naramdaman mo na tama na.. Na.. nasabi mo na lahat sa Kanya at naiintindihan ka na Niya..

Nang imulat mo ang mga mata mo, ang altar ang namulatan mo. Napangiti ka. Hindi mo alam kung bakit pero gumaan ang pakiramdam mo. Pagtingin mo sa tabi mo, wala na ang bata. Inilibot mo ang tingin sa Simbahan.

At nakita mo siya. May kausap na dalawang may edad na Babae at Lalaki na nakatalikod sayo. Masaya ang mukha ng bata. Tila ba nasisiyahan sa sinasabi ng dalawa. Nakita mo pang niyakap niya ang dalawa.

Dahan dahan kang lumapit sa kanila.

Unti unti ring naging malinaw sa pandinig mo ang pag uusap nila.

"Natutuwa talaga kami sayo. Parang naaalala namin ang namatay naming anak. Katulad na katulad mo siya." boses iyon ng babae.

"Talaga po?"

"Oo, magkasing talino at bait kayo. Salamat sa pagtulong sa asawa ko nang mahilo siya. Kakagaling lang kasi niya sa sakit." tinig iyon ng lalaki.

"Walang anuman po iyon. Ayos na po ba kayo ngayon? Halina po kayo."

Unti unting humarap ang dalawa kasama ang bata para lumabas ng simbahan.

Nagulat ka.. Natigilan..

Nahigit mo ang iyong hininga.

Para kang ipinako sa kinatatayuan mo..

At..

At..

Dilim.

Biglang nagdilim ang lahat..

One Last BreathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon