Part 4

71 1 0
                                    

"Gusto niyo po bang sumama sa akin? May pupuntahan po ako."

Natigil ka sa pag iisip nang magsalita ulit ang bata..

"Sige."

Habang naglalakad, nagsimula siyang magkwento sa iyo..

"Ako nga po pala si-" pero hindi mo narinig ang pangalang sinabi niya dahil sa busina ng sasakyan na malapit sa inyo. Magtatanong ka sana pero hindi mo na nagawa dahil nagpatuloy siya sa pagsasalita..

"Alam niyo po ba, mahal na mahal ko po sina Nanay at Tatay. Lalo na po si Tatay.." narinig mo ang paglungkot ng tinig niya. "Pero wala na raw po si Tatay eh.. Iniwan na raw po niya ako.. Patay na raw po siya.. Pero imposible po yon. Nakita ko pa nga po siya sa bahay e. Natutulog po siya dun sa maganda at puting kahon.. May mga bulaklak pa nga po sa gilid e. Nagtataka nga po ako kung bakit madaming tao na pinapanuod siya matulog.. Saka ang tagal po niya magising.. Pero.. Di na raw po siya magigising sabi ni Nanay.." nakita mong pinunasan niya ang mga luhang naglandas sa pisngi niya..

Dahil sa ginawa niya, nawala ang pansin mo sa mga sinabi niya.. Dumako iyon sa mga bugbog at galos sa katawan niya..

"Anong nangyari sa mga iyan? Bakit may bugbog ka?"

"Ah.. Ito po ba?" tinuro niya ang bugbog sa kamay niya.. "Wala po ito.. Pinalo lang po ako ni Nanay.. Matigas daw po kasi ang ulo ko.. A-ayaw ko daw po maniwala sa kanya.." muling tumulo ang mga luha sa mga mata niya pero hindi na ito nag abalang punasan pa ang mga iyon. "Pero siguro po, mas matigas ang ulo ni Tatay.. Lagi po kasi siyang pinapalo ni Nanay dati.."

Muli ay nagulat ka.. Hindi ka makapaniwala.. Kaswal na kaswal ang pagkakasabi niya sa mga iyon.. Na tila hindi alam kung gaano kabigat ang mga sinasabi niya.. Kung gaano kalalim..

"Pero sabi po ni Tatay, okey lang daw po yon.. Mahal na mahal daw po kasi niya si Nanay.. Kaya okay na din po sakin pag pinapalo ako ni Nanay. Mahal na mahal ko din po kasi siya.. Sabi pa nga po ni Tatay, darating din daw po yung tamang panahon na hindi na po ganun si Nanay.. Sino po ba si tamang panahon? Kakaiba po ang pangalan niya.. Pero sana dumating na po siya.. Pagod po kasi lagi sa trabaho si Tatay.. Tapos lagi pa siyang pinapalo ni Nanay.. Masakit po yun.. Kaya po siguro ang tagal matulog ni Tatay.. Gusto ko na po siyang makita ulit.. Namimiss ko na po yung paglalaro namin.. Pati po yung mga oras na sinasabi niya sakin na mahal na mahal na mahal po daw niya ako.. Gusto ko po marinig ulit yun.. Sana po gumising na siya.."

Nanikip ang iyong dibdib.. Hindi mo alam kung bakit.. Pero nasasaktan ka para sa kanya.. Patay na ang ama niya.. Napakabata pa niya.. Ni hindi nga niya maintindihan ang mga nangyayari..

Tumigil ka sa paglalakad.. Nakita mong ganoon din ang ginawa niya..

Humarap ka sa kanya..

"Alam kong hindi mo ito pinaniniwalaan.. Pero.." paano mo nga ba sasabihin? Bahala na.. Kailangan niyang malaman ang totoo. Ayaw mo nang umasa pa siya na babalik ang ama niya.. Ayaw mo nang masaktan pa siya lalo..

"P-patay na ang Tatay mo.."

Nakita mong napa atras siya. Ang ekspresyon niya, gulat na gulat..

"H-hindi po totoo yan.. T-tulog lang po siya sa bahay.. B-buhay po siya.."

"H-hindi na siya magigising pa.. Maniwala ka sakin.. P-patay na siya.." alam mong hindi iyon ang tamang paraan ng pagsasabi sa kanya ng totoo.. Pero hindi mo na alam.. Hindi mo alam kung paano sasabihin.. Ang mahalaga, kailangan niyang malaman..

"P-pero-"

"Nagkita kami." pinutol mo ang anu mang sasabihin niya. "P-patay na ako diba? Nagkita kami.. Tinuro ka niya sakin.. May gusto siyang ipasabi bago siya tuluyang nawala.. Sabi niya.. S-sabihin ko raw sayo na.. na.. na mahal na mahal ka niya! Oo, mahal na mahal ka raw niya at lagi mo raw tatandaan yon.. Kahit pa raw patay na siya, hindi iyon magbabago.. Babantayan ka pa rin daw niya kasama Siya." tumingin ka sa langit. At mariin na napapikit.. Alam mong mali ang magsinungaling.. Pero kailangan..

"A-ang T-tatay.. S-si T-t-tatay? P-pa-patay n-n-na?" halos bulong nalang iyon pero dinig na dinig mo parin. Pagtingin mo sa kanya, parang gusto mong makonsensya.. Ang itsura niya.. Nasasaktan.. Kitang kita sa mukha niya ang lungkot.. Ang sakit.. Tuloy tuloy sa pag agos ang mga luha niya..

Nagulat ka ng bigla siyang tumakbo..

One Last BreathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon