Hinabol mo siya at sinubukang patigilin pero hindi mo siya mahawakan..
Kaya humabol ka lang ng humabol sa kanya.. Napatigil ka nang makita mo kung saan siya pumasok..
Simbahan..
Pumasok siya sa simbahan..
Dahan dahan kang naglakad papunta doon..
Hindi mo alam kung bakit..
Pero malayo ang loob mo sa Diyos.. Simula noong..
Noong..
Nagtaka ka..
Naroon na e.. Alam mong may dahilan.. Alam mo yung dahilan.. Pero hindi mo alam.. Iyong tipong nasa isipin mo na iyon pero biglang nawala.. Na parang tinangay ng kung ano man..
Ipiniling mo ang iyong ulo.. Ang bata.. Siya dapat ang isipin mo..
Nang makapasok ka, pinagmasdan mo ang kabuuan niyon para hanapin siya..
At nakita mo siya..
Sa dulo at gilid ng simbahan..
Nakaupo at tahimik na umiiyak..
Habang nakatingin sa altar..
Lumapit ka sa kanya..
At umupo sa tabi niya..
Sandali siyang tumingin sa iyo bago tumingin ulit sa altar.. Napatingin ka rin doon..
Pero para sayo, wala namang kakaiba..
"N-naalala ko po ang sinabi ni Tatay.." narinig mong sabi niya sa pagitan ng iyak.. "K-kapag daw po malungkot ako.. U-umiiyak.. At w-wala na siya para samahan ako.. P-puntahan ko raw po si Papa God sa Simbahan.. T-tatay ko rin daw po siya.. P-pakikinggan.. daw po n-niya ako.. K-kasama daw po S-Siya n-ni Tatay sa Langit.. K-kung kailangan ko daw po ng kamay na hahawak s-sa akin k-kapag natakot ako.. H-hawakan ko lang daw po ang i-isa kong kamay.. A-at manalangin.." nakita mong hinawakan niya ang kamay niya at pumikit..
"H-hello po.. P-papa God.. N-naririnig niyo po ba ako?.. S-sabi po ni T-tatay, Tatay ko rin daw po kayo.. K-kahit ano raw pong mangyari.. Hindi niyo raw po kami pababayaan.. Babantayan niyo raw po kami lagi.. H-hindi niyo raw po kami iiwan.. K-kahit ano raw pong sabihin namin.. P-pakikinggan niyo raw po k-kami.. T-totoo po ba iyon..?"
Habang pinagmamasdan mo ang bata, nakaramdam ka ng habag.. Wala siyang naiintindihan sa mga nangyayari.. Pero alam mong inosenteng inosente siya.. Mabuting tao.. Kagaya ng ama niya o ama amahan dahil hindi ito tunay na anak.. Ang ama niya na minahal siya higit kanino man at itinuring na parang tunay na anak.. Ang amang dating nagtuturo at gumagabay sa kanya.. Pero wala na siya.. Paano na ang bata ngayon?
"H-hindi ko po alam kung ano po yung s-sasabihin ko.. N-Ngayon ko lang po t-tayo nagkausap talaga.. N-ngayon ko lang po kayo nakausap ng g-ganito.. N-na ako po mismo ang bumubuo ng mga salita.. G-gusto ko po k-kasi na iparating ito sa inyo talaga.. Diba po.. w-wala po kayong pinapabayaan? Na lahat kami inaalagaan Nyo? S-sana po.. B-bantayan niyo po si Tatay.. Kasi.. A-ako po.. Binabantayan po niya ako.. P-pati po kayo.. D-dalawa po kayong nagbabantay sakin.. Pero si Tatay.. Wala po.. D-di ba, kasama niyo po siya? Papa God.. B-bantayan niyo po siya para sa akin, ha? S-sabihin niyo po na mahal na mahal na mahal k-ko po siya.. Mahal na mahal ko din po kayo.. At m-masaya po ako na may isa pa akong Tatay.. S-salamat po, Papa God.. Amen.."
Nakita mong nagmulat siya ng mata at pinunasan ang mga luha niya bago tumingin sayo..
"B-bakit po kayo umiiyak?"
