At muli, nakita mo na lamang ang iyong sarili na bumalik sa purong itim na paligid na siyang unang namulatan mo kanina na parang walang nangyari.. Na tila ba imahinasyon mo lamang ang lahat ng nangyari kanina.. Ang play ground.. Ang bata.. Ang simbahan.. Ang pananalangin.. Lahat ng iyon.. Biglang nawala at bumalik ka sa madilim na lugar na una mong namulatan.. Nawala ang lahat.. Ang batang iyon.. Ang pakikipag usap niya sa dalawang.. dalawang..
Hindi mo na natuloy pa..
Natigilan ka..
Imposible..
Nakita mo ang mukha nila..
At hindi ka maaaring magkamali..
Iyon ang mga magulang mo.
Napahawak ka sa ulo mo nang biglang sumisid ang sakit doon. Na parang pinupukpok ng martilyo.. Lalo iyong sumakit nang marinig mo ang ibat ibang tinig na nagsasalita..
"Aampunin ka namin. Kami nalang ang magiging magulang mo."
"Ano po yung aampunin?"
"Pag aaralin ka namin."
"Namatay ang anak namin sa aksidente."
"Simula ngayon, kami na ang Mama at Papa mo."
"O, wag kang tumakbo, Anak! Baka madapa ka."
"Mahal na mahal ko po kayo."
"Anak, kumain ka na ba?"
"Maraming Salamat po.. Mama!"
"Napakaswerte namin sayo, Anak.. Regalo ka ng Diyos sa amin."
"Daddy! Ang ganda nitong kotse!"
"Mag iingat ka sa school ha? I love you, nak! O, kiss mo muna sina Mama at Papa."
"Kamusta na pakiramdam mo, nak? Bumaba na ba lagnat mo?"
"Kapag nakakuha na ng mataas na grade, bibigay namin yung wish mo."
"Mahal na mahal ka ni Papa, Anak."
Nang mawala iyon, napaluhod ka..
Humihingal..
Hinahabol mo ang hininga mo..
Ano ang nangyari?
Ang mga boses na iyon..
Ibig sabihin..
Ikaw ang batang iyon?
Pero.. Paano.. Anong nangyari.. Bakit.. Hindi mo alam kung ano ang iisipin..
Hindi ka makapaniwala..
Bigla ay muling sumisid ang sakit at kirot sa ulo mo. Muli kang napahawak doon. Muli kang nakarinig ng mga tinig. Pero hindi iyon tinig ng mga magulang mo.
"Ampon!"
"Ampon! Bhelat! Ampon ka lang pala!"
"Kawawa! Hahaha! Wala siyang tunay na magulang!"
"Ampon~ Ampon~ Ampon~"
"Pekeng magulang! Walang tunay na magulang si Ampon!"
"HAHAHAHA! AMPON! AMPON! HAHA!"
"AMPON LANG PALA SiYA! AMPON LANG!"
Napasigaw ka sa sobrang sakit. Napakaraming boses. Mga nanlalait. Nang aasar. Nagtatawanan. Lahat ng mga iyon, sabay sabay mong naririnig sa isipan mo. Paulit ulit. Tila isang bangungot.
Biglang nawala ang lahat ng iyon at pinalitan ng mga ibat ibang eksenang nagplay sa utak mo. Simula noon bata ka, sa mga pang aasar nga mga tao sa eskwelahan hanggang sa nagbago ka.. Kitang kita mo lahat sa isipan mo ni tila nanonood ka sa isang malaking telebisyon. Mula sa isang mabait at may takot sa diyos na bata, naging rebelde ka.. Nagsimula kang maging masama.. Gumawa ng masama.. Sumama sa mga batang naliligaw ang landas.. Umuwi ng dis oras ng gabi.. Sumuway sa mga magulang na umampon sayo.. Sagut-sagutin sila.. Lahat ng iyon.. Nangyari dahil nagpaapekto ka sa mga pang aasar nila sa iyo.. Nagalit ka sa totoo mong ina na umabandona sayo.. Kinalimutan mo ang mga itinuro sayo ng mga totoo mong magulang at pati narin ang mga umampon sayo.. Nagbago ka.. Naligaw ang landas.. Napabayaan.. At ang mga kinalakihan mong magulang, kahit anong pakiusap nila sayo ay hindi mo pinakikinggan.. Kahit ilang beses nilang sabihin na mahal na mahal ka nila bilang isang tunay na anak, hindi ka naniniwala.. Hindi mo pinapakinggan ang mga sinasabi nila.. Ang pag aalaga.. Ang pag aalala.. Lahat iyon, binabalewala mo na.. Dahil lamang sa pagpapa apekto sa mga pambubully sayo.. Kinalimutan mo lahat ng kabuting ipinakita nila sa iyo.. Kinalumutan ang pagmamahal na bibinibigay sayo..
Kitang kita mo lahat ng iyon parang kahapon lang nangyari..
Lahat ng pagbabago..