Part 3

87 2 0
                                    

Natigil ka sa pag iisip nang may marinig kang kakaibang tunog..

Nakita mong namula ang bata at napahawak sa tiyan niya.. Ibinuka ang bibig na tila may gustong sabihin pero itinikom din iyon at yumuko na parang nahihiya..

Ikaw na ang nagtanong.

"Gusto mo bang kumain? Heto oh, pambili.." iniabot mo sa kanya ang isang daang pisong papel..

Gulat na napatingin siya sayo.. At sa perang inaabot mo.

"T-talaga po?" tanong niya sa iyo.

"Oo."

"Salamat po!" tuwang tuwang inabot niya ang pera..

Naalarma ka nang makita mong yayakapin ka niya kaya napa atras ka ng ilang beses. Nakita mo siyang natigilan. At unti unting bumaba ang mga munting kamay na yayakap sana sa iyo..

Nakonsensya ka nang makita mo ang pagbakas ng lungkot sa mga mata niya.. Pero ginawa mo iyon hindi dahil sa ayaw mo o nandidiri ka sa kanya..

Kundi dahil natatakot ka na lumusot lang siya sa iyo.. Kagaya ng pagtatangkang paghawak mo sa kanya kanina..

Lumuhod ka sa harap niya..

At ikaw na mismo ang nagtangkang yumakap sa kanya.

Pero nabigo ka.. Nangyari ang inaasahan mo.. Lumusot ka lang..

Bumuntong hininga ka..

"P-patay na po ba k-kayo?"

Natigilan ka sa tanong niya.

Patay ka na nga ba?

Naalala mo ang mga nangyari kani kanina lang.. At ang pagpapakamatay na ginawa mo..

Siguro.. Oo.. Marahil..

Dahan dahang tumango ka..

"Kaya po ba wala kang mahawakan?" nagulat ka ng hindi siya magpakita ng takot pagkatapos malaman iyon.

"Hindi ka ba natatakot sa akin?"

Nakita mong ngumiti lang siya at kumislap ang mga mata niya na parang may naalala..

"Hindi po." nakita mong sinubukang niyang hawakan ang mukha mo pero hindi niya nagawa. Kaya hinaplos nalang niya ang hangin na parang mukha mo ang hinahawakan niya. "Ang sabi po ni Tatay, mas dapat daw po akong matakot sa mga buhay.. Kaya raw po nila akong saktan.. Pero ang mga patay po, hindi po nila ako mahahawakan.. Katulad niyo po. Saka mabait naman po kayo kaya wala po dapat akong ikatakot.. Binigyan niyo nga po ako ng pambili ng pagkain. Pero paano niyo po nagawa iyon? Na bigyan ako ng pera?"

Napa isip ka..

Paano nga ba?

Pero katulad kanina, hindi mo mahanap ang sagot..

"Hindi ko alam.."

"Ganoon po ba? Hmm.. Hindi ko rin masabe eh.. Pero tara po.. Samahan mo po ako. Kaen tayo.."

"Busog pa ako kaya ikaw nalang ang kumain. Pero sasamahan parin kita."

Tumango tango lang ito.. Sumunod ka sa kanya nang magsimula siyang maglakad papunta sa kainan.. Hindi ka nagsalita hanggang sa makabili siya.. Umupo siya sa isa sa mga mesa. Ganoon din ang ginawa mo..

Walang nagsalita sa inyo.. Pinanuod mo lang ang maganang pagkain niya hanggang sa matapos.

"Maraming salamat po.. Pasensya na po, ha? Dalawang araw na po kasi akong di nakakakain ng maayos.." malungkot na sabi niya sa iyo pagkatapos.

"Bakit?"

Nakita mong tumingin siya sa malayo..

Sa playground na malapit sa kainan..

"Hindi pa po kasi bumabalik si Nanay.. Sabi niya po hintayin ko lang siya sa playground at bibili lang siya ng pagkain.. Pero hindi na po siya bumalik..." malungkot na sabi niya.. Unti unting naglaglagan ang mga luha sa mga mata niya. "Ii.. iniwan na niya po ba a-ako?.. H-hindi na po ba n-niya ako b-babalikan?.. A-aalis na rin po ba siya k-katulad ni T-tatay?"

Nagulat ka sa mga sinabi niya.. Hindi mo magawang magsalita.. Ang daming tanong na pumasok sa isipan mo..

Inabandona na ba siya ng Ina niya?

Sadyang iniwan sa playground at hindi balikan?

At ang kanyang Ama..

Anong ibig sabihin niya na umalis ang ama niya?

Inabandona rin ba siya?

Pero bakit?..

Napakabata pa niya para iwan ng mag isa..

May mga ampunan naman..

Bakit iiwan pang mag isa sa playground? Wala pa itong kamuwang muwang sa mga bagay bagay sa paligid niya..

Nakaramdam ka ng munting galit sa dibdib mo para sa mga magulang niya..

Hindi mo maintindihan kung bakit kailangan nilang gawin sa bata iyon..

One Last BreathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon