Sabi nila, may nilaan daw si God na tao para sa bawat isa sa atin. May nilaan ang Diyos sa bawat isa sa atin na mamahalin ka at mamahalin mo rin. Tinatawag nila itong SOULMATE o DESTINY. Kahit daw anong takas ng kaluluwa mo, ibabalik at ibabalik ka pa rin nito sa soulmate mo. At kung kayo talaga ang para sa isa't isa, ang destiny na mismo ang gagawa ng paraan para mapagtagpo kayo.
Pero pano kung yung tao na pinapangarap mo simula pa lang ay sya rin palang taong nakalaan pala para sayo. Yung taong dati, iniimagine mo lang na makakatuluyan mo, sya nga pala talaga. Ang saya siguro nun noh? Ako na siguro ang pinakamasayang babae sa mundo kung sakin mapupunta ang lalaking hinahangad-hangad ng libu-libong kababaihan sa mundo. Yung lalaking tinitili-tilian ko lang nung bata ako, sakin pala nakalaan. Sarap manakit ng kaibigan dahil sa sobrang kilig kung mangyari man yun noh?
Para magets nyo, basahin nyo na lang kung saan nagsimula ang lahat......
"Wooooh! Go Daryll! Mananalo ka! Hahaha!" sigaw nung pinsan kong si Ate Maris habang nanunuod ng tv.
Ang OA naman ni ate? Parang bahay nya toh ah? Sya na nga lang nakikinuod eh. Hahaha Sungit ko ba? Pero nakakaintriga naman. Ano ba yung pinapanuod nya? Tinigil ko muna yung pagbabasa sa wattpad at nilingon kung ano yung pinapanuod nya. The Next Star Philippines? Aaah... yung palabas sa channel 2.
"Aaah.. Yan pala yung Daryll. Naririnig ko lang yan sa... sa... basta, somewhere down the rainbow! Hahaha..."
"Baliw! Somewhere down the road yun. Wag ka nga maingay, di ko marinig ang napakagandang boses ng crush ko." Sabi nya nang hindi tumitingin sakin.
Hwaw?!!! Uy! Bahay namin toh uy! Nang-aano ka eh ha?! Aba matinde... Tumingin ulit ako dun sa lalaking pinapanuod nya at umirap na lang at nag "Tsss.." Binalikan ko na lang yung binabasa ko sa watty na That Miracles Do Happen ang title. Basahin nyo din, maganda yun kasi si missdomino1024 ang author! (Plug pa more!)
Mamaya pa, nagsimula na namang magtitili si ate. Aaah kaya. Mag-aannounce na pala ng grand winner dun sa TNSph dahil grand finals na pala ngayon. Tinignan ko ulit yung Da.. Dar.. Daryll atah ba yun. Kaya naman pala, kung saan saang lugar ko naririnig yung name nya at kung makasigaw si ate eh wagas kasi narealize ko na... he's cute. Yeah, cute pala sya but, whatever! Edi wow. I don't care by the way. Wala naman akong alam sa kanya eh. Hmmp... Bahala na si ate dyan.
Days... weeks... months ang nagdaan. Hindi ko namalayan na yung lalaking sinabihan ko lang na 'cute' sa isip ko dati at di ko naman binigyang pansin agad ay ang lalaki pa lang kababaliwan at kaaadikan ko ng todo ngayon. Nagsimula sa 7 pictures na dinownload ko noon sa phone ko, at ngayon ay halos mag-low na yung memory storage ng phone ko dahil sa sandamakmak na pictures nya sa gallery. Mula sa lockscreen, wallpaper at kung anu-ano pang kaechosan ng cellphone at laptop ko, mukha nya ang makikita nyo.
Hanggang sa ilang buwan pang pagfafangirl ay di ko inaasahan na mahuhulog pala ko ng sobra sa kanya. Unti-unti na kong nahulog kaya lang di nya sinalo kaya masakit. Kasi imposible naman dahil ni hindi ko pa nga sya nakikita sa personal eh. Mahal ko na sya pero alam ko na hanggang "FANGIRL" lang ako, "FAN" lang ako. Kaya kahit masakit at mahirap, unti-unti kong tinatanggap ang katotohanan na isa lang ako sa libu-libong babaeng nakapalibot sa kanya.
Kaya dinadaan ko na lang sa hiling at dasal at nagbabaka-sakali na posible pa rin. Dinadaan ko na lang sa paggawa ng kanta, pagdrawing, paghugot, pag-iimagine, pananaginip, pangangarap at paggawa ng istorya. Isang araw, sinubukan kong gumawa ng story. Dahil na rin sa lawak ng imahinasyon ko pagdating kay Daryll Lyemax Esguerra, kung anu-ano na naiisip ko. Pano kaya kung nagkita kami sa future? Pano kaya pag nagkakilala kami, naging magkaibigan or maybe more than friends pa? Oh diba bongga?!! Ano kaya mangyayari sa future ko? Kaya ang story na ginawa ko ay ang naiimagine ko na sanang future ko. Sana nga parang ganun na talaga yung future ko. Pinamagatan ko itong......
.
.
.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi guys! I miss you! I miss this! I miss the watty world! haahahaha... Sana po magustuhan nyo yung second story ko. Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya para hindi maging katulad nung una kong story ito, na hindi natapos. Hahaha! Pangako po. Basta po, hintayin nyo na lang po ang updates ha?! Patience is a virtue. Gayahin nyo ko, handing maghintay kahit gano katagal, makasama lang ang taong mahal! Hahah hugowt!
Note: Guys... hindi lang po ito about being a fangirl. Ang story po na toh ay para din sa mga na-friendzoned at umasang magiging sila ng taong gusto nila. Kaya sana po, di lang fangirls ang magbasa nito. Pati na rin sana yung mga kung sino-sino mang magka-interes huh?! Thanks!!! :*
-author
BINABASA MO ANG
The Future "Us"
Fanfiction(ON GOING) "I always keep on imagining what my future would be. Makikita na kaya kita sa future? Magkakakilala kaya tayo? In what way? Magkatotoo na kaya yung wish ko sa tamang panahon? Am I destined to be with you? Will I be yours and will you be...