Chapter 12

40 3 0
                                    

Hey, so Im back. Pero wala pa rin progress yung reads ng story na toh. Nagmamakaawa ako, padamihin nyo hahaha! Ikalat nyo sa mga friends, cousins, classmates, crush (charr) or whatever. Pati na rin sa nanay at tatay nyo, pagwattpadin nyo na! Lols. Medyo exciting tong part na toh. Sana magustuhan nyo. May pictures nga din pala dito. Sana mabrowse nyo. At niluboslubos ko na po ang pagiging Archi- wannabe ko. Eto po yung floorplan ng bahay nila Daryll. Maisingit lang hehe.. Echos lang yan hehe.

_________________________________________________________________________________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

_________________________________________________________________________________



*Kinabukasan, fast forward...*



Maaga kaming nakauwi ni Ela ngayon. Saktong 5, nasa bahay na kami di gaya kahapon na 5:30 na ata dahil may inasikaso pa sya.

Teka, ano yung naamoy ko? Nakakagutom naman.

Pinuntahan ko si Ela sa kitchen kasama nya si Manang Koring at nakita ko kung ano yung naaamoy kong masarap.


"Girl ano yun? Ano ba yan? Penge naman, mukang masarap yan!" sabi ko habang papalapit sa kanya.


"Hep! Mamaya ka na tumikim. Uunahan mo pa yung pagbibigyan ko nyan. Tara, samahan mo ko." Sabi nya bitbit yung isang container na may lamang bake mac.


"Eh san mo ba dadalin yan ha?"


Naglakad na sya palabas ng bahay ng nakasunod ako. Hanggang sa makarating na kami sa katapat na bahay.


"Dyan sa bagong kapitbahay ko. Kakalipat lang nila dyan last last week ata. You know, laking US toh at nakaugalian naming winewelcome yung new neighbors. So... eto, we're bringing them my specialty, Bake Mac ala Mikaela! Haha... Pakipindot naman yung doorbell nila."


Nandito na kasi kami sa harap ng bahay nung bagong kapitbahay daw namin.

Eto yung bahay na Green na tinitignan ko kanina, pati yung sasakyan na kamuka nung kay Daryll.

Pinindot ko na yung doorbell gaya ng sabi ni Ela. Kawawa naman, di na makabitbit haha.



"Eh bakit ngayon ka lang nagwelcome eh last last week pa pala nakalipat dyan?"


"Eeeh... Kung sa ngayon lang ako sinipag at nagkatime eh, bakit ba?! Hahaha! "


Natawa naman ako sa explanation nya. Hanggang sa may lumabas na babae na nagbukas ng gate.

The Future "Us"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon