Chapter 15

35 1 0
                                    


*Tuesday...


Lunchbreak ngayon at nandito kaming lahat sa Cafeteria, nagsisilamon haha. Well, kasabay ulit namin si Daniel ngayon. Buhat nung magkasama kami sa project dun sa subdivision, sumasabay na sya saming kumain. Tapos sobrang close pala sila ni Johan, more like bestfriends ata sila kaya siguro sumasabay samin. Yun tipong may madalas silang pag-usapan na dapat sila lang, sikre-sikreto pa. Yak, kabading lang hahahah. Joke!


"Ally, ano sayo? Ako na oorder." Nagulat ako sa sinabi ni DL. Yah, kahiya naman.


"Ay bat ganon?? Bakit kay Ally lang? Damay mo na kami, Danilo." Pag-angal ni Phoebe.


"Hoy, ano kayo? Sineswerte? Hahaha... Isa lang ako. Baka naman makabisado ko lahat ng order nyo. Di ako waiter uy. Bat di ka dyan sa HoneyMyLoveSoSweet (Kyle) mo magpaorder, Phoebe Hahahaha! " Sagot ni DL.


"Hala!? It's so unfair you know?! Bat ikaw lang Ally at Phoebe? Ano toh? Maganda rin naman ako wah?! Johan baby ko!! Sabay mo na yung order ko, phuuleaaasee???" sabi naman ni Ela.


"Yaaak! Di ako pumapatol sa ano... sa—Aray! Hahahha.. Patahimikin mo nga yang bastos na bunganga mo, Ela? Maganda?? Wait lang hanapin ko kung saang part. Aray ulet, ano ba?! Hahahahhaaha..." Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Johan at pagbatok sa kanya ni Mikaela. Loko!


Ayun, yung tatlong lalaki na ang umorder. Sinabi na lang naming yung mga papabili namin. Wala naman sigurong malisya yung ginawa ni DL diba?

 Diba?! Wala naman ah? Okay, okay, fine! 

To be honest, hindi ako manhid. Actually, asyumera pa nga ako diba?


Yung sa seminar namin nung nakaraan, yung mga banat ni DL. Ewan ko kung nantritrip lang sya nun o sinasadya nya. Tapos, dun naman sa project namin din nung nakaraan. Yung dun nga sa subdivision chuchu... Parang ano eh, ewan. Di ko alam. 

Feeling ko kasi, pumoporma sya? EWAN. Okay?

 Feeling lang kasi nga feelingera ko diba. Aishh! Nevermind. 

Ayokong pangunahan ang mga mangyayari. Ihahanda ko na lang ang sarili ko sa mga bagay na tulad nun.


"Ally, eto na yung sayo oh. Binilhan na rin kita ng candy, para wala ng sukli yung bayad ko." Sabi ni DL habang binababa nila sa table yung mga orders namin.


"Ha? Ah eh... Bat binibigay mo pa sakin eh sayong sukli yung pinambili mo dyan? Sakto na nga yung binigay ko sayo eh."


"Hay nako girl! Kung ayaw mo, akin na lang yan. Buti ka nga may ganyan pa eh... Ehem!" singit ni Ela.


"Oo nga. Bat di mo na lang basahin yung mga nakasulat sa likod nyang balat ng candy? Malay mo, may gusto pa lang iparating yung nagbigay nyan, di lang nya masabi sayo! Hahahah Diba pre?" sabi ni Johan tas siniko nya si DL.


Nakakunot na kilay ko silang tinignan saglit tas kinuha ko na lang yung TATLONG pirasong Fres na Candy at nagthank you kay DL. Shinoot ko muna sa bulsa ko, mamaya ko na titignan yung nakasulat kasi baka sabihin nila, 'Yieee binasa nya, nacurious bigla'. Buti na lang di na nila napansin at nagkainan na lang kami. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Future "Us"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon