Chapter 14

13 0 0
                                    

Chapter 13: published last October 18, 20mf16

Chapter 14: Hell, it's 2020 HAHAHAHAHHA

PLEASE READ!!!

Hiii. So uhm pano ba to. Actually wala naman na talaga kong balak tapusin tong story na to. Kasi nawalan na ko ng time. Tinigilan ko na magsulat at naging wattpad READER na lang uli. As you can see, it's been years. Omg. Marami nang nagbago. But, these past few days, saka na lang uli ako nakapagbasa sa wattpad, and not just that. Nagulat ako nung may nabasa kong nagnotif nitong nakaraang araw lang, na may mga nag add sa library nila nitong story ko. Grabe, pano nyo nahalungkat. HAHAHAHHA shoutout sa inyo @joycetinio18 @MercyLegnes09 and @azeiame. Kung sino man kayo at kung pano nyo nahalungkat tong story ko, thank you at napasaya nyo ko. Wala naman na kasi atang nagbabasa nito kasi nga inagiw na. Dahil sa inyong tatlo na lumitaw sa notif ko, nagdecide ako na iupload yung mga kasunod pa na chapters na nakatambak sa drafts ko, and here it is! Enjoy, para sa inyo yan *wink*

PS: Sorry, tinamad na ko iedit. Tamang copy paste na lang from drafts. And btw, i wrote this back in 2016 pa so sorry sa mga kajejehan ko sa mga dialogues na nababasa at mababasa nyo. Kahit ako nagkicringe pag binabasa ko yan ngayon HAHAHAHAH

________________________________________________________________________________



*Saturday morning...*


"Ateeeee!!!! Namiss kitaaaa!! Namiss ko ang ate kong gorgeous!!" bungad sakin ni Calvin pagkarating ko pa lang sa bahay naming sa Bulacan.

"Haha! Huuuh... Tologobo?? Wag kang mag-alala, di mo na ko kailangang utuin."

Si Charlone, mabuti at walang pasok ngayon. Ayun, nanunuod ng tv. Walang pakialam sa mundo haha joke. Di lang talaga kami close kahit magkalapit naman ang edad namin.

"Bakit? Di na kita kelangang utuin... kasi lilibre mo naman talaga ko sa Jollibee?"

"Hindi mo na ko kelangang utuin na gorgeous ako kasi... totoo naman. Hahahaha!"


Sumama tuloy yung tingin nya sakin kasi tawa ko ng tawa. Hinanap ko naman si mader at natagpuan ko sa kusina na naghahanda na ng lunch. Kiniss ko muna sya bago ko pumasok sa kwarto ko at magpalit. Pagkabihis ko, bumulaga sa labas ng pinto ko si Calvin na naman.

"Pero lilibre mo pa rin ako sa jollibee diba?"

"Opo. Promise ko sayo yun diba?"

"Yes! Thanks ate. Tara, kain na raw tayo sabi ni mommy."

Nagpunta na kami dun kay mommy at kumain. Nagkwento ako kay mommy kung anu-ano mga nangyari sa buong lingo na toh. Pati yung natuwa sakin yung boss ko dahil naging successful ang mga projects na binigay sakin. Naniniwala na nga rin pala si Mommy na totoong nakilala ko na si Daryll dahil nagpakita ako sa kanya ng pictures naming kasama si Lyndley at Ela nung nakaraang Linggo pa. Napag-usapan kasi namin noon na kapitbahay namin sila at tuwang-tuwa naman dun si Calvin bilang No.1 fan ng ChandRyll haha!

"Mee, kelan uuwi si Daddy? Birthday ko na next next week ah?" nakapout na sabi ko.

"Oh? Birthday mo? Kelan? Nagbibirthday ka pala? Bat di ka tumatangkad?" seryosong sabi este pag-epal ni Charlone pero di sya nakatingin sakin. Concentrate lang sya sa paglamon. Oo, lamon.

"Tss... Kausap ka? Epal." Sabay irap ko. Nakita ko naman si Calvin na nagpipigil ng tawa. "Oh, bat ka natatawa? Porket nakatulog ako nung nagpaulan ng height at kayo nasa labas ng bahay nun, ginaganyan nyo na ko?!"

The Future "Us"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon