The Future "Us" Eto, basahin nyo at makisama sa paglalakbay ng imahinasyon ko...
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Hello! Ako si Allyson Chandee Manuel pero Ally or Acee lang, okay na. 21 years old at isang proud Bulakenyo. Hindi kami mayaman, hindi din ganung kahirap. Sakto lang. Fresh-grad ng kursong Architecture. At dahil kakagraduate ko lang this March, syempre wala pa kong lisensya at kailangan ko yun para makahanap ng trabaho. Kaya ngayong araw na toh, kukuha ko ng exam sa Manila.
"Anong oras—AAAAAAAAhhhhhh!!!!! Anak ng tinapa!" dali-dali akong tumayo sa kama ko dahil malapit ng mag-alas sais ng umaga. Kailangan 6am paalis na ko nun.
Nilabas ko na yung damit na susuotin ko at saka ako pumasok sa banyo para maligo. Halos sampung minuto lang ata akong naligo sa sobrang pagmamadali ko. Buti na lang hinanda na ni Mommy yung breakfast sa mesa paglabas ko. Pagkakain ko nagpaalam na agad ako kay mommy. ('mee' – short for mommy)
"Mee, alis na ko ha. Maleleyt na ko."
"Ah sige, mag-ingat ka ha. Magtetext ka. Goodluck!" sabi ni mommy.
"Opo. Thank you, mee. Bye!!!" sabi ko sabay kiss sa pisngi ni mommy.
Hay nako! Sana naman hindi traffic. Nakasakay na ko sa bus. Medyo marami ring sakay. Habang nasa byahe, nagsoundtrip muna ko at syempre di pwedeng mawala yung earphones ko. Tinitignan ko yung mga billboards na nadaraanan naming para malibang muna ko. May billboard ng The Next Star akong nakita.
"The Next Star? Parang pamilyar na sakin yun dati pa?" bulong ko.
Inisip ko ng mabuti kung bakit parang dati ko pa alam yung show nay un. San ko nga ba nakita yun dati nung bata pa ko? Alam ko palabas yun dati nung bata pa ko eh.
"AAAHAA!!! Alam ko na!"
Hala! Napasigaw pala ko. Nakatingin ngayon sakin yung mga katabi ko. Nakakahiya! Kaya nagsorry agad ako at lumingon na lang ulit sa may window side. Naalala ko na! Doon dati sumali yung lalaking kinababaliwan ko ng sobra nung bata pa ko, si Daryll Lyemax Esguerra.
Si Daryll Lyemax Gomez Esguerra (pronounced as Leymax) lang naman yung lalaking kinahuhumalingan, kinababaliwan, kinaaadikan at minamahal ko ng sobra-sobra nung bata pa ko. Siguro mga thirteen years old ako nun. Four years ago na ata yung huli nyang tv appearance. Umuwi na kasi sila ng Canada, siguro para mag-aral. Sobrang nalungkot nga ang mga fans nya nung nalaman namin yun eh.
Nasa Canada pa rin kaya sya ngayon? Kamusta na kaya yun? Ano na kaya itsura nun ngayon? Nung bata talaga ko, tinaga ko na sa bato na magkakatuluyan kami, tiwala lang. Pero may time na napanghinaan din ako ng loob at sinabi ko sa sarili ko na 'tama na, wag ka ng umasa, itigil mo na yang pag-iilusyon mo.' kaya ayun. Pero di pa rin ako tumigil na maging
fangirl nya kaso nawala na sya sa tv. Sa sobrang busy na rin, unti-unti na kong nawalan ng time para maging updated sa kanya hanggang sa di na ko nagpapakafangirl.
"Miss? Di ka pa po ba bababa? Eto na po, nagbababaan na..." tanong nung isang babae na katabi ko. Andito na pala. Masyado kasi kong nalibang kakaisip ng nakaraan.
"Ay! Opo, bababa na rin po. Salamat po ah."
Inayos ko na yung bag ko at bumaba. Teka, san kaya dito yung school na yun? Yung school kung saan ko itetake yung board exam. Haay, baka maligaw ako. Dito ba sa way na toh? O dito? Makapagtanong na nga lang.
"Ay!!! Sorry po... Sorry, di ko po sinasadya... Sorry." May batang babaeng nakabangga sakin at mukang nagmamadali. Mukhang pamilyar sakin yung mukha nya pero di ko maalala kung sino. May kasama sya, baka tita or maybe yaya nya.
"Okay lang. Sige na. Mukhang nagmamadali kayo. Saka kasalanan ko rin kasi di ako nakatingin sa daanan."
"A...eh nakakahiya naman po ate. Sure ka po?", pag-aalala nya.
"Ah, ganito na lang. Saan ba dito papunta ng Southville International School of Manila?"
"Aha!!! Sakto po ate. Tara po, sama ka na samin!" sabi nya sabay hila sa kamay ko at nagmadaling maglakad.
"Eh akala ko ba nagmamadali kayo? Turo mo na lang sakin kung saan yung direction."
Hindi sya sumagot at nginitian nya lang ako. Patuloy pa rin syang naglalakad at ako naman nakasunod lang sa kanila nung kasama nya. May nilikuan kaming kanto at...
"Here we are! Welcome to my school! Ayan ate, nakabawi na ko ha? Hahahah" sabi nya.
"Ahh kaya pala haha... Salamat! Eh diba dapat wala kayong pasok kasi gagamitin yung rooms para sa mga kukuha ng exams?"
"May naiwan kasi akong books. At saka may babayaran lang ako sa Account Office. Ikaw? Mag-eexam ka po? So Architecture po pala course mo?" tanong naman nya.
"Oo. Tama ka. Teka... Kanina pa tayo nag-uusap pero di ko pa alam name mo hahahah. By the way, I'm Acee, short for Allyson Chandee. Ikaw?"
Nagpaalam muna yung kasama nyang babae na pupunta ng Account Office para magbayad. Sinamahan nya naman ako sa admin office habang nagkekwentuhan kami.
"Ay oo nga noh hahaha! You can call me Ly-anne. At yung kasama ko kanina, si ate Lina, parang yaya ko. Nice meeting you ate Acee." Sabi nya at nakipag-handshake sakin.
Minsan ko lang gamitin yung nickname ko. Namimili lang ako ng tao na gusto kong tumawag sakin ng Acee. Halimbawa, sa mga iba kong kaibigan pero hindi sa lahat ng mga kaklase ko.
"Nice meeting you din, Ly-anne. Alam mo, kamuka mo si... si... aay.. nakalimutan ko pangalan eh. Basta may kamuka ka! Hahaha Di kaya ikaw yun? Hahahah!"
"Hahahahah... Talaga ba ate Acee? Baka hindi ako yun." Sagot nya. Nagtawanan kaming dalawa at nagpaalam na sya dahil andun naman na ko sa admin office.
Mayamaya nagsimula na yung exam namin. Almost 100+ ata kaming nagtake ngayon. Sana naman makapasa ko. Pagkatapos ng napakahabang exams, sinabi samin na sa October pa malalaman yung results. Haaaay.... Kapagod! Pero mabuti naman at 4pm pa lang pauwi na ko sa bahay. Mahaba-haba ulit na byahe toh.
Biglang nasagi ulit sa isip ko si Ly-anne. Ang bait at ang cute pa nya. Kahawig nya talaga si... si... sino ulit yun... Basta may kamuka sya... Teka! Yung ano... Ayun! Yung kapatid ni Daryll Esguerra my loves hahah! Oo, tama! Yun nga! Si... Ly.. Ly-anne! Hala! Kapangalan din nya hahah! Teka, di kaya sya yun? Ay.. hindi rin kasi baka nasa Canada nga pala sila. Baka sadyang kapangalan at kamuka lang ni Ly-anne.
Kamusta na rin kaya yung cute na batang yun? Nakakamiss pala magfangirl noh? Ilang taon na kaya sya? Sana makita ko ulit sila.
___________________________________________________________________________________
Hi readers!!!! Hope you like it! Do VoMments if you like. K tnx bye!
-author
BINABASA MO ANG
The Future "Us"
Fanfic(ON GOING) "I always keep on imagining what my future would be. Makikita na kaya kita sa future? Magkakakilala kaya tayo? In what way? Magkatotoo na kaya yung wish ko sa tamang panahon? Am I destined to be with you? Will I be yours and will you be...