Grabe! Sorry na po hahah! Nag-ud po ako nung march kaso di po ata napublish. Kala ko napublish eh. Enjoy reading! Eto po yun:
_____________________________________________________________________________________
Sa bahay...
"Oh aga mo atah?" bungad ni mommy.
"Ah, di na kami lumabas saka di masyadong trapik ngayon eh."
Pumasok na ko sa kwarto ko para magpalit. Nahiga muna ko saglit sa kama. Kinuha ko yung cellphone ko at...
at...
at wala pa rin syang text.
Aaaaw... Itext ko kaya? Iihh.. ano naman sasabihin ko? Nahihiya ako... Ayy nako.
Di porket lalaki, sya lang ang magtetext.
Sige na, itext mo na! Pabebe pa eh...
Aish! Oo na! Oo na, itetext na!
To: D.L. <3
Hi, busy ka ata ngayon? Di ka nagtext.
Ayy hindi, erase erase!
Para naman kasing inobligahan ko syang magtext parate, ano ko? Girlfriend??! A-S-A!
Uhmm...
Hello! How's your day?
Ano? Panget, medyo baduy!
Erase ulet! Mukha naman akong nanay nya. Isip Acee!!!
Daryll, musta? Kumain ka na?
Aaarrgghh! Tae!!! Ano baaaa?! Nakakaloka to ah?! Parang repapeeps naman toh! Erase era—
"Ateee! Kain na raw tayo!" sigaw ni Calvin sa may pintuan.
"Sige, sunod na ko."
Ayan tuloy! Di na ko nakatext.
Hmp, bahala na. Wag na lang, baka busy yung tao eh.
Tumayo na ko at lumabas na ng kwarto para kumain.
Sa hapag kainan...
"Oh musta naman trabaho?" panimula ng usapan ni mommy habang nagkakainan.
"Ayos naman. Di pa gaanong marami mga gawain... pero sabi... baka raw next week, ayun... mas magiging busy pa at marami ng projects kaya magready na raw ako sa mga OTs."
"Ganun ba? E di gagabihan ka na ng uwi?" tanong ni mommy.
Yung dalawa ko namang magaling na kapatid, kain lang ng kain. Sige lang, baka mabulunan pa tong mga toh.
BINABASA MO ANG
The Future "Us"
Fanfiction(ON GOING) "I always keep on imagining what my future would be. Makikita na kaya kita sa future? Magkakakilala kaya tayo? In what way? Magkatotoo na kaya yung wish ko sa tamang panahon? Am I destined to be with you? Will I be yours and will you be...