Chapter 7

29 2 0
                                    


Kinabukasan... Sa office...



"Goodmorning Everyone!!! Hello Kyle, Johan, Phoebe at Elaaaa!!!" bati ko.


"Ohhh!!! Mukhang maganda ata gising ah? Ako di mo babatiin?" tanong nung lalake sa likod ko bago pa man makasalita yung mga kaibigan ko.


"Ay! Sorry di agad kita nakita eh. Goodmorning din DL. Yup, maganda gising ko!"


"Aah... singganda mo ba?" biro pa nya na kina-OA ng mga kaibigan ko.



Ngumiti lang ako kay DL tapos tinignan ko si Johan na nakangiting ewan. Si Ela naman, umubo ng pagka-OA-OA.

Si Phoebe, sumigaw ng "ang dami namang langgam dito, ano ba yan!".

At si Kyle, ngiting-ngiti. Ano ba mga problema ng mga toh?


"Di rin. Hahaha... Sige na, time to work. Maya na lang ulit DL, baka mapagalitan pa tayo. " paalam ko kay DL

 "at saka may papasakan pa ko ng gamot sa bibig, mukhang may ubo ata... Diba Ela?" sabay tingin ko kay Ela.



Umalis na sya at ako umupo na rin sa may pwesto ko. Nako, buti at katabi ko lang si Ela. Mapepektusan ko tong mga toh eh!



"Hoy, kayo wah! Nang-aano kayo eh noh?! Baka gusto nyong matikman ang batas ng isang apiiiiii!!!!" sabi ko.


"Ang OA lang girl? Amor Powers, is that you?" sabi ni Ela.


"Wow! So ako pa ngayon ang OA? Sino kaya ang OA umubo? At saka hoy, hindi lang po si Ela. Kayong apat po!! Pektus you want?"


"Hahahaha... Kasi naman! Ang haba ng hair mo girl! Yiieee..." sabi ni Phoebe.


"Kaya nga! Singganda mo pala wah?! Wahaha..." –Kyle


"Tambalang AllIam na ba ito? Hahaha" –Johan


"Ang korni mo Johan! Kalalaki mong tao, pa-AllIam ka pang nalalaman dyan! Tigilan nyo nga ako wah! Hahaha... Back to work!"


At ayun nga, nagsibalikan na sa kanya-kanyang mga ginagawa.

 Lumipas ang oras. Gawa dito, type doon. Drawing dito, sulat doon.

Then maya-maya lang, lunch break na kaya tigil muna.


"Haay... Gutooom na ko! Tara na dali!" aya ni Kyle.


Pagdating talaga sa pagkain oh! Pero sa bagay, ako din medyo gutom na.

Nagtayuan na kami at naglakad papunta sa Cafeteria nang lumapit sami si DL kaya inatake na naman ng hika-joke yung mga kasama ko.

The Future "Us"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon