Five

519 15 0
                                    

Authir's note:

Guys am sorry if i was not able to update this for the last three days. Medyo busy lang and my charger didnt work. Need pa bumili ng new charger anyways..here the next chapte of the President's Son...

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


SABADO NG UMAGA

Dahil sa madaling araw palang ay bumaba na sa kanilang kampo sila Emman maaga silang nakarating sa lugar kung saan makakasama nila ang grupo nila Aviel. Madaling nakalusot sila Emman na mapakilala na sila ay voulunteer din galing sa ibang school dahil sa kanilang mga itsura. Natural sila ba naman ay binihisan ng maayos mas lalo nakita ang angking kagwapuhan nila Alvin, Rico at lalong lalo na si Emman. Sino makakapagsabing may masama silang balak sa anak ng presidente dahil kung titignan sila mismo ay naging mga mukhang anak ng mayayaman sa kanilang itsura.

"Nakanaks Pareng Emman anong sinabi sa iyo ni Aviel sa itsura mong iyan. Hanep tol, nababading ako sayo" pag hangang banggit ni Rico. 

"Napansin mo ba yung ibang volunteer na babae na galing sa ibang school. Halos dumikit na sayo at nagpapapansin. Grabe kasi ang yummy mo Pare. Hahahaha" si Alvin

"Wag nga kayong pasaway. Hahaha. Narito tayo para sa ating misyon. Kating kati na ako mapitik sa tenga si aviel eh. Hahaha. Kaya gaya ng napagusapan kailangan walang papalpak sa atin. Kaya wag kayo magpadala sa mga babae at mga kabadingan dyan. Hahaha. Baka sa sobrang tigang nyo sa kampo kung sino sinong patulan nyong dalawa. Hahaha." Paalalang banggit ni Emman sa dalawa. 

" Nasaan na nga ba ang mga yon? Palibhasa mga mayayaman kaya napaka pa importante.  Halos tayo na tumapos ng mga pagbabalot ng mga pamimigay" reklamo ni Rico.

"Ang sabi ng organizer nadinig ko isang oras nalang nandito na sila. Eh sa hirap ba namn ng daan papunta dito mahihirapan talaga sila. Bukas ng tanghali pagkatapos natin dito kailanngan maisama natin sila at maitakas sa mga bantay nila. Kailangan mapalabas natin na isasama natin sila sa gimik pag katapos nun the rest is history nakaready na sila Ka Gary na salubungin tayo pag nailayo na natin sila okay?" Saad muli ni Emman. "Kaya ngayon enjoy na muna natin ang pag kawang gawa"

Samantala sa grupo nila Aviel lulan sila ng isang sasakyan kung saan kasama nila ang ibang mga representative ng ibat ibang school. Wala silang ibang ginawa kundi magtuksuhan at magkulitan para maenjoy ang byahe. Sa kanilang mga unahan ay ang mga sundalo at kani kanilang Bodyguard na nag assist sa kanila gami ang ibang sasakyan at nakahiwalay sa kanila.Sa kabila ng kasiyahan mapapansin na napakainit ng ulo ni Aviel dahil hindi nakasama ang kanyang crush na si Kimberly dahil sa kabi kabilang shooting nito. Kaya kung tutuusin ay ayaw nya ng sumama talaga. Ngunit dahil narin sa pakiusap ng kanilang school at dahil nadin sa pagiging anak ng Presidente wala syang nagawa kundi sumunod na lamang. Ganun pa man hindi pa din magkamayaw ang kilig ng ilang kababaihan na kasama nila maging ang mga kabadingan na nanduon from other school.

"Aviel, anak am glad that you are willing to extend your help and time sa ibang tao. Magandang point yan para naman sa good publicity mo. Hindi puro kalokohan. Anak pakiusap wag ka gagawa ng kalokohan duon okay?" Kausap sya sa cellphone ng kanyang ama.

"Yes daddy, am not a kid anymore okay. Ill take my full responsibility about this." Yamot na banggit ni Aviel. 

"Pinapaalalahanan lang naman kita son and you know what am so proud of you kahit alam ko na napaimposible na sumama ka sa kanila ngayon" tuwang sabi ng kanyang ama. 

"Salamat dad. Tsssss" sabay bugtong hininga ni Aviel. Bagamat asar natuwa naman sya sa sinabi ng kanyang ama. Kaya sa pagkakataong ito naiisip nya na pag igihin ang kanyang gagawin sa mga araw na binigay sa kanila. "Sige dad. Take care sa inyo and regards kay Mommy" sabay iling na pinatay nya na ang phone.

Muli syang sumali sa usapan ng kanyang mga kaibigan

"Pare sana makalabas tayo at makapag gala man lang din tayo ano? Tutal tomorrow ng tanghali tapos na di n naman." Excited na suggest ni Ton.

"Tol, ano naman makikita natin sa lugar na pupuntahan sabi sa atin sa briefing almost devastated yung pupuntahan natn asa ka pang may magandang lugar na pupuntahan tayo duon at asa ka pang makakatakas tayo samga bantay natin. Balita ko eh madaming rebelde din duon" walang sigla na banggit ni Paul.

"Guys nothing to worry gagawa ako ng paraan para makagala tayo. Siguro naman makakakita tayo na pwede man lang paginuman natin saka malay makakita din tayo dito ng babae. Probinsya to mga pare malamang may mga virgin pa dito. Hahaha" pagbibida ni Aviel.

"Tigang ka  na ba Aviel. Ayun oh yung isang beki sa bandang unahan. Hahaha. Pag pasok palang natin panay tili na sayo diba. Pakit di mo pag tyagaan. Hahahaa!" Pangaasar na sabi ni Andrew.

"Fuck Pare hindi ako bading. Kadiri ka. Ikaw nalang bakagusto mo. Hahaha!" Pandidiring sagot ni Aviel.

"Sus pare sa panahon ngayon di na uso ang syota mo lang ay babae. Pwedeng bading may alam nga ako parehas na lalaki nagkakainloveban eh. Baka ikaw may makilala ka dun mainlove ka din. Hahaha." Pang aasar ni Andrew

"Loko never na mangyayari yun. Over my dead hunky yummy body. Hahaha!" Kumpyansang sagot ni Aviel.

"Pare paano kung mangyari. Naalala mo ba yung pinsan ko lalaking lalaki yun pero nainlove sa same sex. Maiba naman tikim lang." Patuloy naasar ni Paul.

"Yak no sayang ang kagwapuhan ko kung ganun din lang." Si Aviel

"Bahala ka pare baka mapaglaruan ka ni kupido. Hahaha. Malaman nalang namin eh maging sususnod na karelasyon mo lalaki din. Hahahaha! Kasi naman tignan mo naman  ang mga natin kung di mga bading mga nerd ng kanilang school may kasama nga tayong artista mga matatanda at may mga asawa na. Hassle" si Andrew.

"Pag nangyari yun hahanapin mo si kupido at bubugbugin ko. Hahaha." Sigaw ni Aviel ngunit napatanong sya sa kanyang isipan kung paano nga kung mangyari na ma inlove sya sa kauri nya. Dahil sa school nila nakikita nya din na may mga mag jowa na same sex. Ngunit pilit nyang winawaksi sa isipan nya na hinding hindi ito mangyayari.

"Oh Aviel bakit ka napatigil dyan. Naisip mo ba na baka manyari sayo yun. Hahaha. Kung mangyari yun suportahan ka pa din namin. Ayun lang eh ano kaya ang sasabihin ng daddy mo at ng buong bansa. Hahaha!" Pagbasag sa kanya ni Paul.

"Ewan. Mga loko loko kayo. Kahit kailang di mangyayari yun" sabi ni Aviel.

Tuloy tuloy ang kanilang pag aasaran. May mga kasama sila na lumalapit sa kanila para mag pa picture at hindi magkakaila na ang kahat ay gustong makilala si Aviel. May huamharot at may nagpapicture pa na biglang nanghalik sa kanya. Again sabi nyanga sa sarili nya. Sino ba naman kasi siya. Sya lang namn si Aviel. Nasa kanya na ang lahat.

Maya maya may malakas na sumigaw ng......"Alright guys! Nandito na tayo!" At halos lahat sila ay nagsigawan sa sabk dahil ba naman sa layo ng ginawa nilang palalakbay.

Isa isa na silang naglabasan. Ang mga naunang malalapit na school at ibang volunteer na nauna na nakarating sa kanila kabilang sila Emman ay nakatingin sa isa isang paglalbasan ng mga lulan sa bus na iyon.

"Guys una na kayong bumaba hinahanap ko yung cellphone ko. Nalaglag ata sa pwesto ko." Sabi ni Aviel sa mga kaibigan nya at bumalik sa pinuwestuhan nya sa likuran.

Halos lahat ay nakababa na ag papunta sa meeting area nila para sa briefing si Emman ay nakatayo padin malapit sa pintuan dahil nagtaka ya na naglabasan na ang lahat ngunit wala pa din ang anak ng Presidente. "Natuloy bang sumama yung Aveil na yun bakit hindi ko nakikita." Tanong sa sarili ni Emman. "Teka nauna ng bumaba at hindi ko napansin" lalakad na sana sya papunta sa meeting place para sa tignan kung nauna na nga si Aviel dahil hindi nya napansin ng asa malapit na sya sa pinto ng busay may nagmamadaling bumaba na halos magkabangaan sila.

"Guys wait for me. I got my phone now! Opppssss!" Sigaw ni Aviel pag iwas kay Emman na muntik nya na din mabangga.

Sabay silang natahimik ng ilang minuto at nagtitigan na waring madamingnaglalaro sa isipan........


The President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon