Dedication: This is for you Sir Marvinm...
________________________________________________________
Sa isang lilib na lugar nag kukuta ang mga rebeldeng wala ng ginawa kundi humanap ng paraan upang mang gulo at gumawa ng karahasan laban sa bayan. Dito namulat si Emman. Isang binata na labag man sa kalooban nya, pinipilit nyang gawin ito dahil sa tingin nya dito sya makakabawi sa kanyang kinikilalang ama amahan na naawa sa kanya minsang nagpunta ang mga rebelde sa dati nilang bayan. Sa napakabilis na kaganapan halos nalimos lahat ng rebelde ang mga pagkain, kagamitan at ilang ari arian ng kanilang lugar nuong panahon iyon. Natatandaanan nya na halos pitong taon pa lamang sya ng mapahiwalay na sya sa kanyang mga magulang at ngayon ay hindi nya alam kung ang mga ito ay buhay pa. Natagpuan sya ni Ka Edong na nagtatago sa loob ng drum ng mga panahon na iyon dahil sa takot at gulong nangyayari sa kanayang bayan. Sa habag ni Ka Edong nakiusap sya sa kanilang lider na isama ang batang si Emman upang kumkupin at palakahin. Hindi naging madali kay Emman na lumaki kapiling ng mga rebelde ngunit sa kabila nito nasanay na din sya na kasakasama ng mga ito at ng maging ganap na binata na di kataka taka na sya din mismo ay humawak ng baril at naging kasapi na ng mga ito.
"Emman, anak kumain ka na muna ng agahan. Balita ko ay may pagpupulong tayo ngayon upang mapagaralan maigi kung paano natin madududkot ang anak ng Presidente kasama ng mga kaibigan nito. Nakatanggap ng impormasyon ang ating pinuno na sa darating na sabado sila ay tutungo upang mamahagi ng relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo at ito ang tamang panahon upang madukot natin ang mga iyon upang mapagbigyan ang ating mga daing" ayon kay Ka Edong isang araw bago maganap ang pag dukot.
"Eh tay talaga bang kailangan pa nating gawin iyon? Sigurado na ba ayonglahat na di ayo mapapahamak? Malamng sobrang daming mga sundalo at body guards ang mga kasama ng grupo nila? Pag aagam agam na sagot ni Emman habang maganang kumakain.
"Kaya nga maigi na na paghandaan natin lahat at alamin kung paano natin sila madaling makukuha. A isa pa anak, kahit lahat ayo kikilos as maigi pa din na hndi ia gaano didikit sa malapit, mahirap na kung sakali man mabulilyaso maiging ligtas ka." Pag aalalang bilin ni Ka edong sa kanyang anak anakan.
Sa kabila ng pagsapi ni Ka Edong alam nya na pwede sila ay mapahamak sa isang maling pagkilos na kanilang gagawin. Dahil sya naang nagpalaki kay Emman halos napamahal na din ito sa kanya bilang isang anak at pinapangarap nya pa din na kahit papaano maging isang normal na mamamayan ang kanyang anak. Hindi naman porket rebelde sya ay ganun na din katigas ang kanyang puso. Napilitan lang naman din sya mapasama sa mga ito dahil sa hirap ng buhay na kanyan dinanas nuon.
"Opo naman tay. Mahirap na baka mawala pa ang gwapo mong anak" sabay tawa ng malakas. "Saka syempre kayo din, alam ko na wala kayong takot pero sana naman ingatan nyo sarili mo tay dahil ayaw ko din na masaktan kayo" pag papaalala ni Emman sa kanyang ama amahan.
"Oo na anak ikaw na ang gwapo dito. Kung nasa bayan ka nga siguro sa tikas mong yan ant gandang lalaki nakaw baka ikaw ay isa na din artista." Pagmamalaking sabi nito. "Minsan tuloy naiisip ko kung tama ba na isinama kita dito, ngunit sa ginawa namin sa bayan ninyo nuon sa tingin ko magiging kawawa ka din kaya pag pasensyahan mo na anak at pati ikaw ay nadamay." Malungkot na sinabi ni Ka Edong.
"Itay wala yun, nagpapasalamat na din ako kahit papaano dahil sinama mo ako nung panahon na yun. Alam ko din naman na kung ano ang pinaglalaban natin. Madaming yumayaman sa gobyerno dahil sa pagnanakaw sa ating bayan. Samantalang madaming naghihirap at salat na dapat nakakatikim ng grasya. Nang dahil sa kanila tignan ninyo tayo tayong mahihirap nakakagawa ng ganito dahil sa maling sistema nila". Sagot ni Emman
"Kaya nga anak, ngunit syempre mas gusto ko pa din maging normal ang buhay mo. Imbis na pag aaral ang ginagawa mo. Baril at granada na ang hawak mo. Magtagumpay man tayo ngayon pangako ko sayo na ipapakiusap kita na mamuhay ka na na malaya sa grupog ito" malungkot na saad ng kanyang ama.
"Itay kung mangyari man iyon, gusto ko dalawa tayo. Hindi ko hahayaan na ako lang." Pangakong saad ni Emman.
"O sya tapusin mo na yan at pupunta na tayo sa pag pupulong kailangang mapag aralan lahat ng ating gagawin." Pagmamadaling sinabi nito sa kanya.
Dali daling tinapos ni Emman ang kanyang almusal upang silang mag ama ay dumako sa pagpupulong para kanilang gagawing pag dukot sa mga anak ng sa tingin nilang kurakot ng bansa. Minsan iniisip nya ano kaya nga buhay na meron sya kung sakaling di nya nakasama sa mga ito. Bagamat sa loob ng kampo nila natuto din sya magsulat at magbasa ngunit walang pormal na pag aaral sa paaralan. Dumadaing din sa punto na minsan gusto nya ng tumakas o magbagong buhay ngunit alam nya naman ang magiging kapalit nito. Maaring sya ay patayin at ayaw nya naman iwanan ang kanyang ama amahan na naging pamilya na ang turing sa kanya. Mahigit 200 daan halos na kalalakihan ang kasapi nila. Ang mga asawa ng mga ito atmga kababaihan ay iniiwan sa bayan at patagong namumuhay upang kahit papaano sila ang mga mang alaga sa mga nagiging anak ng mga rebelde. Mapalad kung ang anak na babae sapagkat ito a makakasama ng kanila ina. Ngunit sa mga lalaking anak pag tuntong ng 13 taon atomatiko na kanila ng hinahasa upang mabilang sa kanila.
Pinaghahandaan nila ngayon ang isa sa pinakamalaking magpapagulo sa bayan ang pag dukot sa nag iisang anak ng Presidente ng bansa na si Aviel kasama ng mga kabigan nito. Ano mang kosa ang kanilang pinaglalaban alam nila na ito ang magiging malaking hakbang upang sila ay magtagumpay.
"handa na ba ang lahat? Sisiguraduhin natin na makukuha natin ang anak ng Pangulo" kapalit ng hininiling natin na pagbabago sa ating lipunan. Saad ng kanilang lider na Ka Gary sa kanilang pagpupulong. "Sa pagkakataong ito ang pinaka malaking responsibilidad ay ilalagay ko kay Emman, kay Alvin at kay Rico upang makalapit sa anak ng presidente at sa mga kasama nito. Lilinlangin nyo sila at bibihisan ng maayos upang di nila mapansin na kayo ay kasapi natin. Magpapanggap kayo na katuwang nila sa pamamahagi ng mga goods sa ating mga kababayan. At siguraduhin nyong hindi kayo papalpak at mailalayo sila pag sugod namin. Maliwang!" Sigaw pa nito.
Halos kaming ang talong kabataang nabanggot ay nawalan ng kibo dahil sa kanilang nadinig. Isangmalaking hamon para sa kanila ang pag lalagay ng responsibilidad para maayos namaisakatuparan ang plano. Sino ba naman ang maghihinala sa tatlo. Bakit di sila nakasusuot ng maayos na damit di naman masasabi na magpapahuli sila sa itsura at tindig sila rin halos ang mag kakabarkada sa grupo nila at binansagang mga rebeldeng gwapo.
Nagtinginan silang tatlo ngunit igiit na nababalisa ang ama ni Emman na si Ka Edong. Ngunit twala sya na magagaa ng kanyang anak ng maayos ang plano.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Malapit ng magkatagpo ang dalawang lalaki na magpapagulo sa bansa. Si Aviel at Emman. Isang madugong pagkikita ba ang magaganap? O isang kaaliw aliw na pagkikitaang maggaanap sa dalawang binata. BALA AT PAG IBIG.....
BINABASA MO ANG
The President's Son
RomanceSi Aviel, kabilang sa first family, bakit ba naman hindi sya lang naman ang tinaguriang The President's Son. Ang kanyang ama ang may hawak ng pinaka mataas na pwesto ang isang bansa. Ang Pangulo. Ngunit sya din ang nagbibigay sakit sa ulo ng kanya...