Aviel's POV
Badtrip naiwanan na ata ako ng tropa. Nalaglag pa kasi ang phone ko ng di ko namamalayan. Ilang ulit ko pang hinanap nang kapain ko ulit sa inuupuan ko kanina nakita ko naman ito. Nakakainis talaga kung kailan ako nagmamadali. Natabunan na pala ng mga basura sa gilid. Tsssss! Kakasira ng araw. Nagmamadali na akong makababa dahil alam ko asa meeting area na sila kung saan bibigyan kami ng instruction sa aming mga gagawin. Well alam ko naman na hihintayin nila ako ako ata ang inaasahan nilang napakaimportanteng tao. Pababa na ako ng pinto sa aking pagmamadala bigla kong nasalubong ang isang lalaki na halos mabangga ko na.
"Opppss! Sorry" biglang pagiwas ko. Halos napatulala ako sa pagtingin ko sa kaanyang mukha. Di ko alam kung bakit biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa pag tingin ko sa kanya. Akala ko ako lang ang may itsura na makakasama ngayon, but what the F! sino tong nasa harapan ko. Mapakaamo ng kanyang mukha. Bagamat sa pagiging moreno hindi maipagkakaila na napaka amo ng kanyang mukha. Ang kanyang mga mata ay parang nagungusap at ang mga labi ay parang napakasarap hawakan at halikan. Napagganda ng kanyang katawan dahil bakat na bakit ang muscle nya sa suot nyang damit. Hindi naman kami nagkakalayo ng height at itsura, ngunit sa tingin ko sobrang na magnet ako sa lalaking nasaharapan ko ngayon. Minsan lang ako maka appreciate ng itsura ng kapwa ko lalaki at karamihan sa kanila ay mga modelo but God he is almost perfect. Shit! Ano ba namann to nararamdaman ko bakit biglang nilis ng tibok ng puso ko? Nababakla na ba ako....? No! Baka masyado lang ako siguro na insecure dahil may gwapo akong makakasama at hindi to maari dahil ako lang dapat.
"Ano ba! Dadaan ka ba o hindi? Walang reaksyon sa kanyang mukha na narinig ko sa kanya na nagpagising sa aking diwa. "Shit! Napakayabang! Sabi ko sa aking sarili. Hey Aviel anong nangyayari sayo wake up. Wag kang papasindak sa mokong na to! Pagbibigay tapik ko sa sarili.
"Excuse me? What the hell are doing? Eh nakaharang ka sa dadanaanan ko. Para umalis ka kaya ng makadaan ako" bagamat inis di pa din nabawasan ang nararamdaman kong paghanga.
"Ganyan ba talaga porket anak ka ng Presidente? Nabili mo na ba ang and daan na ito?"
Nagulat ako sa sinabi nya na halos ikainit ng ulo ko. Gwapo nga saksakan naman ng yabang. Madalas din nila sabihin sa akin yun ha. Sa isip isip ko. Wag ka padadaig Aviel. "Hindi ko nga pag-aari to pero ang alam ko mas inaasahan ang pag dating ko dito kesa sayo" bangit ko dito na sya namang nagbigay ng inis sa mukha nito. Bagamat natuwa ako dahil alam nya na ako ang anak ng Pangulo.
"Hindi porket ikaw ang anak ng Pangulo eh mag hahari harian ka na dito. Pantay pantay lang tayo sa lugar na ito. Sabagay sikat ka nga laman ng balita lagi mga kalokohan mo iba?" Sabay titig nito sa akin na siya naman ikinataranta ko. Buti nalang na pipigilan ko sarili ko na pigilan ang paghanga ko sa mukha nya. Aviel umaayos ka. Wag ka mabakla! Muli kong sway sa sarili ko.
"Eh ang angas mo din ano? Tumabi ka sa dinadaanan ko baka hindi ako makapagpigil masapak kita" sa inis ko.
Nagbigay naman sya ng daan sa akin at tuloy tuloy lang na lumakad. Napaka angas ng taong ito. Sino ba sya? Akala mo naman kung sino kahit hindi naman siguro artista? Baka anak ng mayor o ng sinuman. Haos titignan ko ang kabuuan nyag itsura habang nakatalikod. Di ko mainindihan bakit iba ang pgtingin ko sa kanya. Marahil gawa ng pag kwkwetuhan namin ng mga kasama ko sa byahe kanina. Minadali kong maglakad upang maunahan ko sya. Sa isip isip ko hindi dapat magpadaig sa kanya kahit sino pa sya.
Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin pag dating ko kung saan kami bibigyan ng briefing sa aming mga gagawin. Halos karamihan ay lumapit sa akin upang makipagkamayat makipagkilala. Karamihan ay mga NGO's at ilang mga volunteer na kung saan saan lugar nang galing. Bagamat padala ako ng school. Laking tuwa pa din ng mga tao dahil for them ni rerepresent ko pa din ang aking Daddy. Bagamat ang alam ko kasagsagan pa lang nang bagyo ay pumunt na sya dito upang personal na tignan ang mga kababayang naninirahan sa lugar na Ito. Halos magulat pa ako n tawagin ako sa gitna upang magbigay ng ilang mga salita sa mga kasama o. Hindi ko inakala na ako pa pala ang tatayong lider sa mga kasamakong nag vovolunteer.
Sa aking pagsasalita, bagamat alam ng mga kasama ko na hindi ako sanay sa mga gantong bagay, ay nagawa ko pa di ipakakita ang lubos naming pag tulog para sa mga taong nandito. Sa gilid ng aking mata muli kong nahagip ang lalaking halos mabunggoko kanina. Hindi ko alam kung bakit ganun ang kanyang pagkatingin sa akin. Hindi ko mawari kung may paghanga ba akong nababakas sa kanyang pagkatitig. Sa muli kong pag tingin sa kanya at magkahuli kaming tingin bigla nanaman sumungit ang mukha mukha nito.
Malakas na palakpakan ang narinig ko pagkatapos kong magbigay ng mga salita.
"Pare hanep. Pwede ka na din tumakbong presidente. Hahahah! Parang totoong totoo mgasinasabi mo ha" pabng asar na sabi ni Ton.
"Loko mga pare. Totoo naman mga sinasabi ko. Kahit pasaway ako concern din naman ako sa mga kababayan natin" nilakasan ko dahil nakita ko na nasa malapit lang yung lalaki na gumugulo sa sa sexual preference ko.
Natigil lang ang aming pag uusap ng sinabi sa amin na kailangan na namin mag lunch at pagkatapos nito ay mag pupunta na kami kung sasaang saang barangay para maibahagi ang ang mga tulong. Hinati hati kami sa tigdadawa dahil ang mga tent na aming pag lalagyan at pang papahinghan kung sakali ay pandalawang tao lang. Hindi ko inaasahan na man lang kilala kung sino ang aking makakakasama.
"Sir hindi ba pwedeng yung kaibigan ko nalang na isa ang kasama ko sa tent!" sabi ko sa organizer na aassign kung saan kami pansamantalang mag stay.
"Sir Aviel, sorry po kasi ginawa po talagang paghalu haluin kayo para naman daw magkakilala kila kayo. Kung ayaw nyo po hahanap ko nalang kayo ng sarili nyong tent" sabi nito na sya namang nagbigay sakin ng pagkahiya dahil sa inasal ko. Choosy pa kasi ako.
"Ah No No sir! Okay lang sa akin. Wag mo na ako ihanap" nabigla ko ding sabi.
BINABASA MO ANG
The President's Son
RomanceSi Aviel, kabilang sa first family, bakit ba naman hindi sya lang naman ang tinaguriang The President's Son. Ang kanyang ama ang may hawak ng pinaka mataas na pwesto ang isang bansa. Ang Pangulo. Ngunit sya din ang nagbibigay sakit sa ulo ng kanya...