Seven

464 14 1
                                    

Emman's POV

Nakakainis mukhang di sumama yung Aviel na yun. Mukhang bulilyaso ang plano namin. Halos naubos na ang laman ng mga taong asa bus nunithindi ko pa nakikita si Aviel. Bagamat sa picture ko palangsya nakikita may halong excited ako na maramdaman na makita sya sa personal. Ang kadahilanan. Hindi ko din aka. Hahaha. May mga pagkakataon kasi na kampo madalas ko tignan ang gwapo nyang mukha. Bagamat lalaki ako di ko alam bakit gustong gusto ko makita ang kanyang itsura. Kasi naman halos lahat ng kasama namin sa kuta namin halos mga mukhang goons. Kaming tatlo lang ng mga kaibigan ko ang biniyayaan ng gwapong mukha. Baka nauna na sya bumaba o sa ibang sasakyang sumakay. Sabi ko sarili ko at lumakad na ako pabalik sa lugar. May briefing ba daw kasi kami. Hindi ko inaasahan na biglang may pababa ng bus na halos mabangga ako.

"Opppss! Sorry" sabi nito.

Nagulat ang buong sistema ng aking katawan dahil sa aking nakita. Walang iba kundi si Aviel Sevillano. Napamura ako sa isip na pagmasdan ng ilang minuto ang kanyang mukha. Maputi, maganda ang pangangatawan, mapupulang labi, mga mata na napakaganda. Mukhang anghel na bumaba sa Lupa. May ilang minuto ko din sya pinagmasdan dahil sa wakas nakita ko na din sya. Hindi ko alam na sa kabila ng kanyang itsura ay binabansagan syang pasaway na anak ng presidente. Ilang minuto din kaming nagtitigan, hanggang narealized ko ang plano namin para sa kanya.

"Ano ba! Dadaan ka ba?" sabi ko sa kanya ng may tapang bagamat gusto ko sana bigyan sya ng daan.

"Excuse me! What the hell are you doing? Paano ako makakadaan kung nakaharang ka" yamot na sabi nito.

Halos nagpalitan din kami ng mamanghang na salita bagamat alam ko na napipikon sya dahil sa ipanakita ko sa kanya indi ko maiitingin ng direcho ang king mata sa kanya. Kitang kita ko pa din ang kanyang gwapong mukha.  Naiinis ako sa sarili ko dahil bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya. 

Hindi ko pa kasi naranasan na mag kacrush sa mga babae dahil halos wala naman kaming nakakasama na kababaihan sa aming kampo. Kaya hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. Bagamat alam ko na dapat maging mabait ang makitungo sa kanya upang madali namin silang madala kay Ka Gary. Dahil nadin sa hindi ko mapaliwanag na nararamdaman nauna na akong lumakad sa kanya. Pinapagalitan ko ang aking sarili upang maibalik ko sa wisyo ang aking sistema.

Nagulat nalang ako ng maunahan nya ako sa paglalakad. Napagmasdan ko siya habang nakatalikod. Hindi naman siguro masama kung hangaan ko ang kanyang pisikal na anyo. Bagamat aminado ako na di naman din nahuhuli ang aking itsura sa kanya. Nangmakarating kami sa meeting place. Sinalubong ako ng dalawag kaibigan ko.

"Pare andyan na ang target natin. Mukhang artista pala talaga ano? Sabi ni Alvin.

Pilit ko itinago ang naamdaman ko kanina sa paghaharap namin."Susaong artisahin. Halos lamang pa ako sa kanya ng itsura" sabi ko.

"Totoo naman yun. Emman kahit sino ata mainlove sa mokong na yan eh" sabi naman  ni Rico.

"Gwapo ngamayabang  na naman. Gusto ko na ngasapakin kanina." Bagama yamot di pa din maalis ang pagkatingin ko sa kanya. 

Pumunta ako sa isang sulok upang pagmasdan sya ng palihim. Gusto ko din alamin ang mga kils nya upang madali namin maisakatuparanang plano. Badtrip sana di sya masaktan o hindi sya mapaano sa gagawin namin. Inis na sabi ko sa akin sarili. Nagulat ako ng tinawag sya pan manigay ng salita. Hindi maiiwasan na humanga ako sa kanyang mga sinasabi.kung hindi ko lang alam na malok sya ayon sa mga balita ay aakalain mo na isa sya pulitiodin dahil sa tkast galing ya sa pagsasalita. Hini inaasahan na mapaptibgin sya sa akin kaya igla kong binago ang expression n aking mukha mula sa pagkamangha pinakita ko ang inis dito. Halos magpalakpakan ang lahat pagkatapos nyang magbigay ng salita. 

Binigyan kami ng pagkakataon na makapananghalian. Halos gutom na gutom kami. At natuwa naman ang dalawa kong kasama dahil masarap ang kinakain namin.

"Pare ansarap ng pagkain. Biruin mo ngaon langtayo nakatikim g mga ganitng pgkain. Minsan tuloy gusto ko ng mamuhay ng normal" sabi ni Rico.

Totoo naman na mahirap ang pinagdadaanan namin buhay sa kampo. Kailangan naming mag survive sa paraan na kaya namin madalas saging na saba lang ang aming kinakain sa maghapon. Minsan tuloy iniisip ko ano ba talaga ag pinaglalaban namin. Tama ang mga ito masarap din mmuhay n normal.

Binigyan kami  na makakasama namin sa tent na pansamantalang aming paglalagyan ng gamit at mapagpapahingahan. Di ko nadinig kung sino ang makakasama ko kinuha ko sa labas ang aking mga gamit. Tinanong ko lang kung saan akong tent tinuro naman ng nag assist kung saan ako. Dahil na din sa pagod sa paglalakd namin papunta dito gustong gusto ko na din makapag pahinga. Kaya daki dali akong nagtungo sa tent. Hindi ko pala makasama ang dalawa kong kaibigan dahil ikinalat kami para dalaw ma karron din ng bonding. Putcha di naman kami estudyante kung alam lang nila. Pag bukas ko ng tent nanlaki ang mata ko sa aking nakita.

"Ikaw?!" Pasigaw naming sabi sa isa't isa. 



The President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon