Four

586 16 0
                                    

Emman's POV

Hindi ko maintindihan kung bakit at aking malalapit na kaibigan ang nautusan ni Ka Gary para sa misyong ito. Bagama't ako ay kinakabahan ngunit isang prebilehiyo na magampanan ko ng maayos ang aming gagawin. Minsan talaga sa ganitong pagkakataon mas maigi na pinanganak nalang akong panget. Biruin nyo mag kukunwari kaming kaming kasama sa mga mayayabang na mga anak ng kung sino sino para lang madukot namanin sila. Kung sabagay di naman halos nagkakalayo ang itsura namin ng anak ng Pangulo na si Aviel Sevillano. Sa pogi points pantay lang maputi lng sya kasi mayaman sya samantalang ako madalas nabibilad sa araw. Sa pananamit sige na siya na may pambili na gamit sa pangungurakot ng kanyang ama. Kahit ang tatlong kaibigan nya. Kayang tapatan nila alvin at Rico. Minsan naiingit ako dahil naranasan ko ang ganitong buhay. Sila na mga anak ng tinamaan ng kurakot nagpapakasasa sa pera ng bayan. Humanda sila sa sa sabado. Lalo na yang Aviel na yan. Ako ang bahala sa kanya. Kating kati na ako kahit mabutukan man lang ang ulo ng lalaking yun. Puro kahihiyan pa ginagawa sa buhay. Halos laging laman ng balita. Habang pinagmamasdan ko ang larawan ni Aviel hindi maiwasan na makumpara ko ang buhay naming dalawa. Siguro kung hindi ako iniwanan ng aking mga magulang maayos sana din ang kinalalagyan ko. Nakapagaral sana ako ng maayos. Nasaan na kaya ang mga magulang ko? Buhay pa ba sila? Hinahanap ba nila ako? May kapatid kaya ako? Pero pasalamat pa din ako sapagkat kahit nandito ako pinalaki naman ako sa pagmamahal ni tatay Edong. Itong Aviel na to madami din daw naging girlfrields. Samantalang ako puro lalaki nakakasalamuha ko buti nalang walang nababakla sa akin. Hahahaha. Balita ko pati daw nga lalaki nagkakagusto sa mokong na ito. Hindi kaya isa rin syang bakla. Wag lang sya magkakamali, isang bala lang ang katapat nya.

"O parekoy! Mukhang na iinlove ka na dyan ata kay aviel. Kanina ka pa nakatingin sa picture nya ha." Sabi ni Alvin na hindi ko namalayan na nanditona pala.

"Oy pare loko ka. Hindi no. Iniisip ko lang kung paano natin paglalaruan ang mokong na yan. Naririnig nyo naman na sobrang angas daw ng Aviel na yan eh." Nagingiti kong sabi.

Basta pare ikaw na bahala dyan sa anak ng Presidente kami na bahala sa tatlong ungas na kasama nya." Sabat naman ni Rico.

"Pero pare sa totoo lang mas gwapo ka pa dyan kay Aviel eh. Mayaman lang kasi kaya maporma. Aba Emman kung ikaw ang may suot ng mga damit na yan at sa malacanang ka nakatira naku malamang pati ako magkakagusto na din sayo" pang aasar ni Alvin na gusto pa akong halikan.

"Tarantado ka talaga Alvin, ano na babakla ka na ba sa akin. Hahahaha! Lumayo ka at baka mabaril kita" pananakot ko sabi sabay tutok ng baril.

"Hoy baka matulak ka ng kapwa mo at maputok mo yan" nagaalalang saad ni Rico.

"Basta mga pare galingan natin ang pag arte sa sabado. Para hindi tayo mabulilyaso. Kung hindi baka tayo ang mabaril ni Ka Gary" tawa ni Rico.

"Kayang kaya natin yan. Basta makakasama natin sila ng isang araw at pagkatapos nun gagawan natin ng paraan na mailayo sila sa mga bantay nila at ayun duon na tayo kikilos. Aabangan naman tayo ng iba. Kaya wag tayong mag alala" kumpyansang sagot ko.

"Pero mga pare seryoso? Hindi ba kayo natatakot? Baka mapahamak tayo kung mabuko tayo? Saka kung sasamahan natin sila hindi kaya tayo lait laitin ng mga yun?" Si Alvin

"Bakit ka naman natatakot? Sabagay mga tol minsan nakakasawa na din tong ginagawa natin ano. Lagi nalang tayo nasa gubat at nagtatago. Ang tingin sa atin ng mga tao eh mga terorista at kung ano ano pa. Kung alam lang nila ang pinaglalaban natin siguro kasama din natin sila" sagot ko.

"Naku pare ako di ko alam kung hanggang kelan ako dito.Pero nangangarap din ako na minsan sana magkasundo sundo na ang lahat para wala ng naapi at naghihirap" himutok ni Rico

"Hayaan nyo matatapos din ang lahat ng ito. Sa gagawin nating ito babahag ang buntot ng Presidente nila para lang mapagbigyan tayo at pagkatapos nun lahat tayo ay magiging maayos na. Kaya kayong dalawa wag na puro hugot ng buhay. Tara na mag practice ng baril. Hahahaha" sabay baril ko sa larawan ni Aviel. Dahil sa asintado ako timaman ko sa gitna ng noo ang kanyang mukha na nasa larawan kahit na ako ay nasa malayo.

Panay tawanan at biruan naming tatlo habang binabaril ang mga larawan ng aming target. Sa bawat tama ng bala sa mukha ni Aviel hindi ko maiwasang manghinayang. Naku bakit ko ba naman dapat sirain ang gwapong mukha nitong mokong na ito sayang. Teka bakit ako na tutuwa sa kanya. Hindi to maaari. Wala akong pakialam kung mawasak ko ang mukha nya sa dapat lang yun mas gwapo ako sa kanya, pero sige na nga kung sakali man sa paa ko nalang sya patatamaan or adadalisan sayang talaga ang mukha nya. Whooa. Ano ang sinasabi ko sa sarili ko? Bura bura bura! Wala akong pakialam sayo Aviel. Malilintikan ka sa akin pag nagpasaway ka sa aming mga kamay. Bang! Sabay putok ng aking baril at tumama sa tuko na nakakapit sa puno. Di bali ng tuko ang tamaan wag lang ang gwapo nyang Mukha. Natigilan ako sa iniisip ko. Baliw na ata ako!

"Hoy pare okay ka lang? Bakit tuko ang binabaril mo?" tanong ni rico.

"Ah wala tol mukha kasing tuko si Aviel kaya kala ko yung nabaril ko ay sya." Natatawa akong sagot bagamat naiinis ako sa sarili ko.

Pagkatapos ng ilang oras ay pinatawag na kami ng aming lider na si Ka Gary upang muli bigyan kami ng mga impormasyon para sa aming gagawin. Maging ang aming susuotin sa araw na iyon ay ibinigay sa amin. Natuwa kaming tatlo bagamat hindi mamahalin kahit papaano magmumukha kaming mayaman sa mga ipapasuot sa amin. Ibinilin sa amaing lahat kung saan lugar namin sila dadalin bago ang aming mga kasamahan ay sama samang tatangay sa kanila. May agam agam din kaming naramdaman na kapag kami ay pumalpak maari din kami mapahamak. Lumipas ang maghaponsa paghahanda. Mamayang gabi bababa na kami ng bundok upangpuntahan kung saan lugar namin makaksama ang Grupo nila Aviel.

The President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon