Eight

863 22 10
                                    

Halos di nagkaimikan ang dalawa ng malaman nila na sila magsasama sa isang tent. Naangasan si Aviel sa lalaking nasa harapan ng kanilang tent na alangan pumasok. Samantalang si Emman naman di nya alam kung paano haharapin din ang isang ito. Ngunit sa likod nalang kanilang isip di maiwasang masabik silang makilala ang bawat isa. Parehas kaya sila nang nararamdaman?

Sakabila nito pinilit maging civil ni Aviel kay Emman na sa kasalukuyan na di nya pa din alam ang pangalan. Naiiisip naman ni Emman na pagkakataon nya na para mapalapit kay Aviel upang maisakatuparan ang kanilang plano.

"Ikaw pala makaksama ko sa tent na to? Kung minamalas ka nga naman ano...sa dinami dami ba namang pwedeng makasama ikaw pa" parinig ni Aviel

Di naman nagpatinag si Emman at pumasok sa loob ng tent.

"O eh ano naman. Di dapat maghanap ka ng ibang matutuluyan kung ayaw mo may kasama" si Emman

"Bakit hindi ikaw ang maghanap? Kung tutuusin dapat nga sarili ko lang to. I want some privacy. Ewan ko ba naan bakit ikaw pa pala makakasama ko" pangaasar ni Aviel.

" Hindi porket anak ka ng Presidente ikaw ang dapat pinagbibigyan. Lahat tayo dito pantay pantay. Kung ayaw mo ako tutal mayaman ka naman bakit di ka humanap ng hotel or dapat sana di ka anlang sumama? Nakangiting sabi ni Emman.

Medyo bumaba naman ang tono ni Aviel sa narinig. Kung tutuusin hindi nga naman sya umaangal dahil sa kabila nito nais din naman nya makasama ang lalaking ito. Hindi nya alam kung bakit kakaiba ang pakiramdam nya dito. "Nandito ka rin din naman wala na tayong mag gagawa duon. By the way, May I know you name?" Tanong ni Aviel.

"Emman, Emman Benedicto. Ikaw Aviel name pangalan mo diba? Sikat ka pare lagi kang laman ng balita. Hahahaha" may pang iinis na tugon nito kay Aviel.

"E ano naman sayo? Atleast napapanuod ako sa tv. Eh ikaw ba?" Teka saang school ka ba? 

"Ah eh...wala taga dito lang sa lugar na to. Dito kami sa isang school dito nagaaral" medyo kinabahan si Emman. 

" Ah never heard school, anyway Emman right? Pasensya ka na kanina kung nasungitan kita. Medyo naiinis lang ako kasi nawala ko cp ko. Hindi ko alam saan nalalaglag kaya kailangan ko pa hanapin sa loob ng bus" nagulat si Aviel sa sarili nya dahil ni minsan hindi sya humihingi ng sorry kung kanino man ngunit sa pagkakataong ito pakiramdam nya gusto nyang makilala ang binatang ito.

"Aba marunong ka din pala magpakumbaba ano. Ahmm..walang anuman yun pare. Ako din naman naunang uminit ang ulo" ngumiting banggit ni Emman.

Dahil sa saktong padalawahan lang ang kanilang tent at para lamang gamitin sa pagpapahinga at pagtulog hindi maiwasang magkailangan ang dalawa.

" Magpapalit lang ako ng damit ha" at hinubad ni Aviel ang damit nya habng nakaupo. Namula naman si Emman sa kanyang nakita dahil di nya inaasahang mas magiging hot pa pala si Aviel habang naka hubad ang damit pangtaas. 

"O bakit parang namumula ka ba? Siguro nababading ka sa katawan ko ano? Muli na namang nangasar di Aviel kay Emman.

"Eh bakit naman ako mababading sayo eh meron din naman ako nyan?" Si Emman naman ang naghubad ng kanyang tshirt na sya din ikinapula ng mukha ni Aviel.

"Shit ang ganda ng katawan nya..." Sabi ng isip ni Aviel at pakiramdam nya tuloy magiging karibal nya ito sa pagiging hunk sa lugar na ito.

"Ikaw ata ang namumula eh. Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapong macho" ngiting pag aasar ni Emman

"In your dreams boy! Madalas ako nakakakita nyan sa harap ng salamain. Saan ka ba nag gygym? I doubt may gold's gym dito sa lugar nyo baka sa mga gilid gilid ka lang nakakapag buhat." Bawing pang aasar ni Aviel

"Wow. Yabang mo din ano? Di ko na kailangang mag gym. Yung exercise ko ay mga gawaing kapaki pakinabang na di gaya nyong mga mayayaman at anak ng pulitiko na ginagamit nyo ay kaban ng bayan para lang sa mga luho nyo" sakastikong sabi ni Emman.

"Hindi porket gumagastos kami ay galing na sa pera ninyo. May sarili akong ipon at ayun ang ginagamit ko" medyo nasaktan si Aviel sa sinabi ni Emman dahil madalas ayun ang sinasabi sa kanya na kapag lumalabas sya or may binibili sinasabing galing sa pera ng bayan. Sa isip isip nya nagtratrabaho naman din ang kanyang daddy para sa bansa nila. Tumahimik nalang si Aviel dahil ayaw nyang masira pa lalo ang kanyang araw dahil kay Emman.

Maya maya nakarinig na sila ng announcement upang sila ay maghanda na para sa pamimigay ng mga relief goods. Nakita din nila ang ibang mga kasamahan at ibang mga volunteer sa lugar na iyon dahil sa aking kagwapuhan ng dalawa madaming mga kababaihan ang nakikipagkilala sa kanila kahit kilala si Aviel saan man magpunta di nman maiwasan na makarinig din ng papuri dahil sa kanyang looks si Emman. 

"Aviel, mukhang nakahanap ka ng katapat sa kagwapuhan. Nakita mo ba yung isang yun? Halos madaming chicks na gustong makipagkilala sa kanya" si Andrew.

"Yaan mo sya pare. Tignan natin kung sino mas higit na lalapitan ng mga tao sa aming dalawa" yamot na sabi ni Aviel.

Una nilang pinuntahan ang lugar malapit sa pangpang. Di magkamayaw ang mga tao na gusto makahingi ng tulong. Bagamat nakaranas ng gutom. Tuwang tuwa naman sila dahil sa kanilang nakikitang mga kabataang namimigay at nagbabahagi ng tulong sa kanila. Halos karamihan sa kanilang dalawa nakapila mostly ang mga kababaihan at mga kabadingan halos di magkamayaw ang mga taong patuloy na humaba haba ang pila para sa dalawa.

Parang nagpaligsahan pa ng charm ang dalawa kung sino sa kanila ang magiging box office sa pila ng tao. Bagamat si Aviel ay nakakramdam ng pagod. Nag eenjoy naman sya sa pamamahagi ng tulong. Hindi nya maiwasang maawa sa mga taong nandito. May mga matatandang yumayakap sa kanya at umiiyak sa kanya dahil nawalan ng tirahan at mahal sa buhay. At kahit papaano naramdaman ni Aviel ang awa sa mga ito na di namn lingid sa pagmamasid sa kanya ni Emman.

"Hindi rin naman pala kayabangan ang laman ng utak ng taong ito?" Sabi sa isip ni Emman habang tahimik na patuloy na pinagmamasdan si Aviel.

Halos madami daming lugar din ang kanilang naabot sa pamamahagi ng tulong. Kaya halos alas 8 na ng gabi ng sila ay matapos at bumalik sa kanilang mga tent upang magpahinga.

Bago tuluyang makapagpahinga si Emman, bumuo na ng plano si Alvin, si rico at si Emman kung paano gagawin nila bukas upang maitakas si Aviel. Sa kabila nito may agam agam sa puso ni Emman dahil nakikita nya naman na kahit papano sa halos maghapon nakikikita nya din naman ang kaunting kabutihan kay Aviel. Ngunit tulad ng kanilang pinangako sa kanilang samahan kailangan nilang sundin ang mga ito. 




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon