Chapter 2: The New Guy
Meisha's POV
Usap- usapan pa din sa school yung pagkamatay niya. Sus. Kala mo kung sinong importanteng tao. Yung SISTAH naman mukha na daw multo sa kaka iyak. Hay! Hayaan na nga ang walang kwentang babaeng yon. Pagpasok ko sa room as usual maingay, walang pagbabago. Pero nabigla ako sa balita ni ma'am
"Class we have a transferee. Please come in young man" sabi ni ma'am pagkapasok niya."
"Ay kala ko pa naman gwapo"
"Ihhh! So two na yung Nerd sa our classroom?"
"Emeged! I thought he was handsome and sizzling hot."
Dismayado ang mga bruha pagkakita sa transferee. So? Dalawa na kaming nerd nyan dito?
"Please Introduce yourself in front"
"So Hi! I'm Dark Alexander Willford. Nice to meet you all. I'm a Transferee from Blue Knights Academy."
Kung pagmamasdan mo sya, maputi, matangkad, kaso may makapal na salamin at bakod sa ngipin. Iba din ang porma nya. Halata mong nerd sya.
"Oh so Alexander din pala to? Bagay sila ni Nerd. Alexander at Alexandria" nagtawanan naman ang buong klase sa sinabi ni Mark.
"The Alex Couple"
"Magkapangalan na nga Nerd pa"
"Quite Class. Please sit down. Ahhm. There! Beside Ms. Stonehurst" sa dinami dami ng malas sakin pa napunta. Isa nalang kasi ang bakante ditto sa likuran. Wala naman gustong makitabi sakin so ayos lang
"Hi! I'm Dark Alexander Willford. May I know your name?"
"Meisha Alexandria Stonehurst "
"So ikaw pala yung sinasabi nilang Alexandria na nerd." Di ko nalang sya sinagot.
"Kaano-ano mo si Mr. Alex Stonehurst?" biglang tanong nya. Lagot!
"Sino ba yon? Wala na akong pamilya ulila na ako kaya di ko yun kamaganak nagkataon lang na pareho kami ng Surname"
"At pangalan" dugtong nya. Di ko nalang sya pinakinggan. Nakinig na lang ako kay ma'am.
THE NEXT DAY
Pumasok na kami pagkatapos sakto naman na pumasok din si ma'am. Actually bago lang ako sa school na to. Graduating nako ng High School.
"Class, may good news ako sa inyo" Nakita ko naman na tumingin sya sa gawi ko at may mahiwagang ngiti sa kanyang labi.
"Magkakaroon tayo ng pageant" Bigla naman nagsigawan ang mga kaklase ko kasi halos maganda at gwapo ang nandito sa section one.
"Kaya lang.. Binigyan ito ng twist this time." Naghihintay kami ng sasabihin ni ma'am
"Ang gagawing pageant ay para sa mga....NERD!" lahat sila napatingin samin ni Dark.
"And it looks like na may pambato na tayo" nagsigawan naman ang mga kaklase ko sa tuwa. Bully.
"Layunin ng pageant na ito na hindi lang basta nerd ang mga nerd. Dahil may tinatago din silang kagandahan sa likod ng kanilang buhaghag na buhik, makapal na salamin, at mga bakod sa ipin. Na walang ginawa kundi ang mag-aral." Pagpapatuyloy ni Ma'am
"So paano ba yan Class? Sila ang representative natin. Hindi lang maganda ang pwedeng ipangsabak sa pagandahan at rampahan. Kaya ginawa naming ang pageant na ito. So Ms. Stonehurst and Mr. Willford. Please go to the covered court. So you can practice your intermission number and modeling. Please go now."
Grabe! Bat ako pa? Nang madaanan ko ang Gang ay ngumiti lang ito ng nakakaloko. Hindi sila pwedeng magsalita at lumapit sakin baka mahalata kami.
COVERED COURT
Nang makarating kami sa covered court. Puro nerds ang mga nakita namin, as usual tahimik. Walang imikan.
"So kayo pala ang mga representatives ng class nyo"
"We will do first the dance. It will be a ball. So you are required to wear gowns for girls and tuxedo for boys"
"So lets start. Face your partners. We will begin. We only have Four days left before the pageant"
After 1 hour
"Ouch"
"Aray!"
"You're steping on my foot"
Sabi nya sakin habang sumasayaw kami. Kanina ko pa kasi naaapakan ang paa nya. Eh pano di po ako marunong SUMAYAW!
"Ano ba naman yan Ms. Stonehurst ang ayos ayos ng partner mo tapos ikaw laging nagkakamali. Pareho bang kaliwa ang mga paa mo? Mag ayos ka"
Sabi ng Dance Instructor sakin. Curse her tongue!
Napalingon ako sa kaharap ko. 'Sorry' I mouthed.
"Ganito tuturuan kita ng di ka pagalitan" nabigla naman ako sa sinabi nya.
Ang galling nyang sumayaw grabe.
After 3 hours
Napayakap ako bigla sa kanya.
"Yess! Thank you for teaching me"
"That's okay" nauutal nyang sabi
Ayyy! Nakalimutan ko, nakayakap pala ako sa kanya. Nakakahiya.
"Its okay magaling ka naman, di ka lang nagfo focus"
Pagkatapos ng practice ay agad din naman kaming pinauwi.
Pagkauwi ko sa bahay ay kaagad akong sinalubong ng lima.
"Queen may laban tayo" sabi ni Skye
"Sino?"
"Dark Phantoms Gang" sabi ni Dylan na kadarating lang
"Kelan?"
"Bukas ng gabi sa Underworld" singit ni Clio sa usapan.
"Queen ikaw yung representative ng class natin. Ang saya" sabi ni Kneel
"At partner mo din yung bagong lipat na nerd na kapangalan mo pa" sabi din ni Krey
"Fortunally Yes. AT NAIINIS AKO!" sabay bato ng vase sa kanila na naiwasan din naman nila.
"Queen naman eh ibuhos mo nalang yung galit mo sa kalaban natin bukas, wag samin" sabi ni Clio na muntik ng matamaan sa mukha.
"Gawin nyong mamayang gabi yang laban nayan. Aalis tayo ng 11. Maghanda na kayo"
Sabi ko bago umakyat sa kwarto ko. Kami ng gangmates ko ang nakatira sa mansion na ito. OO MANSYON! Kapag natalo mo ang isang Gang lahat ng ari arian nila ay mapupunta sa Inyo. Bawat laban, ang Manalo ay nakatatanggap ng 1 milyon mula sa Underworld bilang pabuya. As far as I know naka forty na kaming laban at marami nadin kaming ari arian pati hideout naming nagkalat sa Pilipinas para sa mga meetings ng mga Underlings ko.
BINABASA MO ANG
The Nerd in Disguise is a Gangster
ActionEvil Brutal Merciless Bitch Killer All the negative traits describes me You should be afraid of me now cause I am Death Queen.