Epilogue: Goodbye

747 25 2
                                    


Meisha's POV

Nagising ako sa isang mapayapang lugar na tila'y walang problemang makikita sa kagandahan ng paligid.

Nagising ako ng dahil sa isang bangungot na araw araw ay binabalikan ako.

Kasalanang ni minsa'y di ko makalimutan.

Kasalanang di ko mapatawad ang sarilli ko.

Namatay sya.

Namatay sila.

Namatay na lahat ng mga mahal ko ng dahil sa akin.

Kasalanan ko itong lahat.

Wala na ang taong mahal ko, Si Dark.

Wala na rin ang Ama ko.

Saan pa ako kukuha ng lakas ng loob para mabuhay ng mapayapa?

Hanggang ngayon parang isang bangungot lang ang bumabalot ng sistema ko. Hindi na ako makakain, makatulog sa kakaisip ng kasalanang nagawa ko.

Ngayon naglalakad ako patungo sa isang lugar na puro malaya ang mga nakatira doon suot ang aking puting bistida.

Nagmahal lang naman ako eh. Di ko naman ginusto na mabuhay sa kasinungalingan.

Mabuti na nga at nangyari eto eh. Pero di maalis sa sistema ko ang malungkot at maglabas ng napakaraming likido mula sa aking basing basang mata.

Hindi ko naman kasalanan ang lahat eh. Ginawa ko lang ang alam kong makabubuti

para sa akin.

Ngayon nandito na ako sa destinasyon ko.

Binaba na nila ng hawak nilang kahoy. Ibababa na sila. Magiging malaya na rin sila sa

wakas. Paalam sa inyong mga mahal ko sa buhay. Nandito na tayo sa destinasyon nyo.

"Paalam" tanging sambit ko ng maibaba na sila sa lupa.

Umalis na ako sa lugar na iyon ng wala sa sarili.

Habang naglalakad pabalik isa lang ang aking nasa isip.

Kasalanan ko lahat ng ito.

Hindi sana mamamatay si Dark ng dahil sa akin.

Di rin mamamatay si Dad kung di ko pinaghiganti ang pagkawala ni Dark.

Kailangan ko pa nga bang mabuhay sa lupang tinutung tungan ko ngayo o kailangan ko

naring manahimik?

Mukhang ditto na magtatapos ang paglalakbay ko.

Hintayin mo ako Dark, magkikita pa tayo.

Papunta na ako dyan.

Nandito na ang sundo ko.

*ENNGG*

*CRASH*

*SIRENS*

HOSPITAL

Kung ano ano ng kable ang linalagay sakin

"CLEAR!"

"CLEAR!"

*Tooooooooooooot*

Dumeretso na ang linya.

Sa wakas malaya na ako.

Matatakasan ko na rin ang problemang ito.

"Time of Death 06:06 am"

The Nerd in Disguise is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon