Meisha's POV
Pauwi na kami galing sa hotel. Hinatid na ako ni Dark. Yung boys naman hinatid yung mga transferee na kasayaw nila kanina. Gentleman din yung mga yon.
Halos mapatalon ako sa gulat ng may tumawag sa akin. I mean samin dalawa ni Dark.
Sinagot ko na ang tawag. Galing sa tauhan ni Master ASH, ang may ari ng Underworld.
Hindi naman tatawag to kung walang laban eh.
[Tonight at Underworld 12]
Naputol na ang tawag. Sino naman ang kalaban namin? Natapos na rin ang tawag kay Dark. Ewan ko lang kung sino yun. Text ko nalang silang mga boys.
To Boys:
May laban tayo ngayong 12. Ihatid nyo na ang mga kasama nyo sa bahay nila. Uwi muna tayo para magbihis.
Si Dark din, busy sa pagte text. Nang makarating sa bahay ay nagpaalam na ako sa kanya. May lakad din daw kasi sya.After 10 minutes nandito na rin ang lima.
"Queen bat may laban tayo?" tanong ni Clio.
"Hindi ko rin alam" sagot ko sa kanya.
"Magbihis na kayo. Wag nyong kakalimutan ang magsuot ng hood. Baka mahalata na tayo ngayon" sabi ko sa kanila.
11:30 na at papunta na kami sa Underworld sakay ng mga motor namin.
Krey's POV
Naunang ihatid ni Skye si Cass. Ako naman ihahatid ko na si Kaye. Nang makapasok na ako sa subdivision ay natanaw ko ang kotse ni Skye sa malayo na huminto sa isang mansion. Baka doon nakatira si Cass.
"Dito yung bahay namin" Turo nya sa isang kalye na pinasukan ko naman.
Pero huminto ako sa kaparehas na bahay na hinituan ng kotse ni Skye. Magkakasama sila sa iisang bahay? Hindi ako nagkakamali dito huminto yung kotse ni Skye kaso ibang ruta lang ang dinaanan namin ni Kaye.
Bumaba na si Kaye sa sasakyan sakto naman na may nagtext sa akin. Si Queen may laban daw kami. 11:00 pa lang kaya maghihintay muna ako sa may tagong lugar na natatakpan ng puno na medyo malayo sa bahay ni Kaye pero makikita ko parin kung sino ang pupunta doon. Tinted naman ang kotse ko at pinatay ko na ang makina para magmukhang walang tao sa loob.
After 5 minutes
Sasakyan naman ni Clio ang nakita ko. Bumaba din si Paige sa bahay na binabaan ni Cass at Kaye. Di pa nakalalabas ng kalye si Clio. Nakita ko na ang sasakyan ni Dylan na kasama si Jade. Bumaba din si Jade sa kaparehong bahay.
Sunod naman na dumating ang sasakyan ni Kneel at bumaba doon si Shy. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago iwan ang lugar.
Bubuhayin ko na sana ang makina ng kotse ko ng may makita akong kotseng itim na bumaba din sa bahay na iyon at nahagip ng mata ko ang kanyang suot at mukha.
Pati ang kotse nya ay katulad ng sa kanya.
Maaari nga bang may koneksyon talaga syasa limang transferee? Una namin nakita sila nung sa reastaurant at ngayon ay dito sa bahay na ito. Tama na nga kaya ang hinala ko sa kanila? Posible kaya?
Dark's POV
Ihahatid ko ngayon si Meisha sa bahay nya. Syempre gentleman ako. Sa kalagitnaan ng pagda drive sabay na tumunog ang cellphone namin ni Meisha. Sinagot ko naman ang phone ko. Tauhan ni Master ASH ang tumatawag eh.
BINABASA MO ANG
The Nerd in Disguise is a Gangster
ActionEvil Brutal Merciless Bitch Killer All the negative traits describes me You should be afraid of me now cause I am Death Queen.