Meisha's POV
Di ko maintindihan tong nararamdaman ko. Sana walang makakilala sakin. Kahit na lagi akong nakahood pag nakikipaglaban.
"Ay Bongga ka Dir!" sabi ng baklang nag ayos sakin.
"Dylan pay him" sabi ko kay Dylan
"Get Lost" harap ko naman sa bakla pagtayo ko. Binigay naman ni Dylan yung bayad sa kanya.
"Boys Lets go" Nakita ko naman na bumaba na sila ng hagdan.
"Queen ang Ganda mo" sabi ni Dylan.
"Sexy!" sabi naman ni Skye.
"Kneel, Skye, Dylan sa iisang kotse tayo" sabi naman ni Krey sa kanila.
"So shall we?" pag aaya ni Clio sakin. Tumango nalang ako at kinuha ang kamay nya.
Pagkadating sa parking lot ng isang Five Star Hotel ay nauna na akong bumaba ng kotse baka makita pa kaming magkasama ni Clio.
Isinabay ng School sa Pageant ang Golden Anniversary ng school. Every ten years nilang ginagawa ang pageant para sa mga nerds. Malas ko nalang.Pagpasok ko sa hotel, nakakarindi ang mga mata nila. May nakita naman akong naglalakad papunta sakin.
"Meisha?"
"Dark?"
Sabay pa namin tanong.
"Ikaw yan?" sabay na naman namin tanong. Nagtawanan na lang kami.
"Shall we?" sabay lahat ng kamay. Nginitian ko nalang sya. Bakit ang gaan ng loob ko sa kanya kahit nalaman kong kasama nya yong limang babae sa Restaurant na nakalaban ng boys?
"Meisha?" Nandito kami ngayon sa mga reserved seats namin. Ang seryoso ng mukha nya.
"Can I court you?" lahat naman ng tao napahinto sa sinabi nya. Awkward. What to do? Pati mga boys napatingin dito.
"To all contestants, Please go to the backstage. The pageant will start in 5 minutes" Salamat sa emcee! Lahat naman ng atensyon ng mga tao sa amin ay napabaling sa emcee at nagsigawan.
Parang ang lahat nakalimutan yung tanong na iyon. Tahimik na pumunta nalang kami sa backstage. Irarampa muna namin yung gown na suot namin tapos Q & A. Then yung ball na.
12 lahat ng contestants isa isa ng umakyat. Yung dating mga nerd, ngayon WOW! Everyone is beautiful nga naman eh. But they just don't see it yet.
Pero ako, matagal ko ng nakita ang dyosang ako, kaso tinatago ko lang para di ako makilala ng iba. Baka pagkaguluhan pa ako ng mga tao, dumugin ako. Bakit daw ang ganda ko.
Naka akyat na ang lahat. Dalawa na lang kami sa backstage.
"Good Luck" sabi ng sa unahan ko.
"Wish you all the best" Plastik! Wish me all the best. Siguradong kabog kayo sa beauty ko.
Bawat lumalabas na mga contestants nagsisigawan ang mga lalaki kesyo ang ganda daw at sexy nila, pero kung nakasalamin eh binu bully naman nila. Sus. Parang ganyan lang. Kindat ko pa lang baka nahimatay na kayo!
"And to our last contestant Meisha Alexandria Stonehurst" paglitaw ko palang sa stage nagsigawan naman yung mga nanonood sabay ngiti. Rumampa naman ako sa harap nilang lahat at ipinakita ang likod ko sa kanila.
"Oh My Goddess"
"Ang kinis brad"
"Go Meisha!" sigaw ng mga kaklase ko.
Kailangan kong Manalo sa contest na ito. Aja!
Pagkatapos rumampa ng girls, boys naman.
"Good Luck!" sabay ngiti ng makitako si Dark.
BINABASA MO ANG
The Nerd in Disguise is a Gangster
ActionEvil Brutal Merciless Bitch Killer All the negative traits describes me You should be afraid of me now cause I am Death Queen.