H

64 6 2
                                    


Sabi mo, hanggang sa dulo tayo.
Pero tatlong hakbang pa lang ang nabibilang ko, iniwan mo na ako.

Sabi mo, sabay tayong tatalon.
Ngunit nang tumalon ako, nakita ko ang mukha mong masayang tinatanaw ang aking paghulog.

Sabi mo, sasaluhin mo ako.
Subalit, mararating ko na ang lupa, ni hindi ka man lang tumakbo palapit.

Sobra akong nasaktan.
Higit pa sa pagkabasag ng bungo ko mula sa pagkakahulog
ang sakit na pinaranas mo nang iniwan mo ako at ang puso ko.

Sabi mo mahal mo ako,
Sa tingin mo, maniniwala pa rin ako?

BugsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon