Hindi ako kailanman mawawari. Kumbaga sa palabas, isa lamang ako sa dumadaan sa likod ng mga bidang nagbabangayan. O di kaya yung tulay sa pag iibigan ng mga bida.Hindi ako importante, at hindi ako kawalan. Isa lamang akong hamak na ekstra sa blockbuster na pelikula.
Hindi ako si Darna. Hindi ako ang Dyosa. Hindi ako ang talang nagniningning sa kalangitan. Hindi ako si Wonderwoman. Hindi ako ang Superstar. Hindi kailanman mabibigyan ng sandaling maging reyna ng gabi.
Pamilyar ba? Kaya nga hindi ako magiging bida, dahil pati monologue na dapat akin ay nicopy paste pa sa ibang kanta.
Pero kahit ganito ang role ko sa buhay, at least mayroong role diba?
BINABASA MO ANG
Bugso
RandomKoleksiyon ng bigla na lang pagbugso ng damdamin. Mga hugot at agam agam. Credits to the picture I used.