I

53 7 1
                                    



Kung puwede lang maglasing,

kanina pa sana ako bumili ng San Mig kina Aling Doreen.


Kung puwede lang humithit ng tobako,

kanina pa sana ako nagnakaw ng Marlboro 


Kung puwede lang manaksak ng sarili

Hindi mo na sana 'to nababasa ngayon.


Kung puwede lang gumawa ng bawal para makalimot,

kanina ko pa ginawa.


Patawirin mo ako sa apoy,

Itapon sa dagat,


Itulak sa tulay,

Gawin mo na lahat, ayos lang.


Ano pa ang silbi ng buhay,

kung wala ring patutunguhan?


Ano pa ang silbi ng pag asa,

kung hindi ko naman nararamdaman na may maaasahan talaga?


Ano pa ang silbi ko sa buhay,

kung hindi man lang ako makapagdulot ng saya?


Sawa na kasi ako.

Sa mga ngiting pilit,


Sa mga tawang pakunwari,

Sa pagpapanggap na kaya mong lagpasan lahat.


Puwede bang mamahinga?

Puwede bang maging makasarili muna?


Puwede bang ibuhos muna lahat ng pait,

at ilabas lahat ng sama ng loob?


Bigyan mo naman ako ng oras,

Para ayusin ang sarili ko.


Kahit... tatlong segundo lang.

BugsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon