Q

19 0 0
                                    

Ang Kulay ng Pag- Ibig

Nakakamangha, nakakatuwa
ang mga kulay na nakikita ko tuwing nariyan ka.
Bakit nga ba pula ang kulay ng pag - ibig?
Ito ba ay dahil ganito ang kulay ng aking mga pisngi tuwing nasisilayan ang iyong ngiti?

Bakit kaya hindi luntian, gaying ito ang kulay ng kalikasan?
Dapat nga atang luntian dhil tila natural ang mga nararamdaman ko, gaya ng kapaligiran.
Bakit hindi naman dilaw?
Dahil sobrang saya ko kapag sa isip ko'y mukha mo ang nangingibabaw.

Bakit hindi lila,
gayong kapag iniisip kita ako'y natutulala?
Bakit hindi rosas, gayong kapag magkalapit tayo, tumitigil ang oras?

Ano ba to! Sobrang halu-halo.
Nag-uumapaw ang mga kulay na nakikita ko.
Nakakakita ako ng kahel, pula, at dilaw.
Hudyat na ata ito ng paglubog ng araw.

Ang huling kulay naman ay itim, simula ng malalim na gabi.
Itim, ang kulay na nararamdaman mo para sa akin.
Blanko at di nakikita, di kilala.
Sa iba ka kasi nakakakita ng halu- halong kulay
Bakit

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BugsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon