Dati, natanong ko ang ate ko.Gulong gulo kasi ako.
Kailangan kong magdesisyon tungkol sa isang bagay.
Na maaaring makapagbago ng takbo ng aking buhay.
Tinimbang ko ang mga posibleng desisyon,
At napagtantong, lahat ng iyon sa sakit mahahantong.
"May lulusutan pa ba?
May paraan ba para walang masaktan?
May paraan ba para masaya na lamang ang bawat isa?"
Tinawanan niya lamang ako.
"Kung maghahanap ka ng puro saya at walang sakit,
Para kang maliligo nang ayaw mabasa.
Para kang kakain at saka mo isusuka.
Walang halaga.
Walang kwenta.
Walang patutunguhan."
-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-
Thanks NDBrtg for the inspiration :) Baka 1 month from now mo na mababasa to. Charot lang hahaha.
BINABASA MO ANG
Bugso
RandomKoleksiyon ng bigla na lang pagbugso ng damdamin. Mga hugot at agam agam. Credits to the picture I used.