Tila natakot sumilip si Haring Araw sa mga tao ngayong umaga kaya nagsitiklupan na ng payong ang nga taong abala sa paghahabol sa oras ng trabaho. May isang taga opisina na naputulan ng heel ng sandals, at may mga estudyanteng nakikipag unahan sa pagsakay sa jeep. Samantalang heto ako, tulala at malalim ang iniisip. May silbi pa ba ang dala kong mga rosas? Alam kong galit at nagtatampo ka pero sana tanggapin mo, kahit ito lang. Ilang segundo ang lumipas at nagtungo na ako sa ating tagpuan. Gaya ng dati, tahimik pa rin at nangingibabaw ang amoy ng basang lupa. "Pasensya nga pala't nahuli ako. Traffic kasi eh." Buong puso kong paghingi ng tawad. Naghintay ako ng ilang sandali ngunit hindi ka man lang sumagot.
Hayan ka na naman. Hindi ko malaman- laman kung ano'ng tumatakbo sa isipan mo. Ni hindi ka man lang tumango o sumulyap sa gawi ko. Galit ka nga sa'kin kaya ang lamig ng pakikitungo mo. Hindi mo pa rin ba ako kakausapin? Para saan pa ang pinunta ko rito kung hindi ka rin iimik? Kailangan ko pa bang lumuhod at umiyak?
Hay nako. O, heto na ang mga rosas na pinangako ko. Sana kahit sa pamamagitan ng mga iyan ay mabawasan ang galit mo. Pasensya na talaga.
Hindi ko na ulit kakalimutan ang death anniversary mo.
BINABASA MO ANG
Bugso
RandomKoleksiyon ng bigla na lang pagbugso ng damdamin. Mga hugot at agam agam. Credits to the picture I used.