May mga bagay na pwede lamang magawa sa dilim.Gaya ng paghawak ng ating mga kamay ng walang kumot na tumatakip.
Gaya ng pagsandal ko sa iyong balikat, na siya ring pagsandal mo sa ulo kong nakahilig.
Gaya ng pagsuklay mo sa buhok ko ng walang alinlangan.
Gaya ng ating mahigpit na pagyayakapan.
Ngunit sa pagsikat ng araw, kasabay nito ay ang ating pagbitaw.
Ang kamay mong nakahawak sa akin, ay unti unting naaalis.
Ang pagsandal ko sa iyong balikat ay unti unting bumabalik sa pagkakaupo ng maayos.
At ang yakap sa isa't isa'y unti unting kumakalas.
Kasabay kasi ng liwanag ay ang mapanghusgang mga mata ng mga taong nakapaligid.
Mga taong tutol sa pag iibigan natin.
-/-/-/-/-
Oraaaayt hahaha
BINABASA MO ANG
Bugso
RandomKoleksiyon ng bigla na lang pagbugso ng damdamin. Mga hugot at agam agam. Credits to the picture I used.