Chapter 1

151 13 14
                                    

n i c o l e

"Omg, guys! Nandyan na siyaaaaa! Nandyan na siya, owemgeeeeeeee~!" sigaw ko kina Sofie habang nagchichikahan kami dito sa classroom.

"Hay nako, Nicole. Huwag mo nga kaming itulak! Konti na lang masusubsob na kami dito sa mesa o! Ang adik mo kay Sir," ani Kate. Itong babaeng 'to talaga! Akala mo laging may dalaw at inaalaska kami palagi. Napakasungit! Pasalamat talaga siya at magkaibigan kami. Mwahaha!

"Wag mo kasing masyadong dibdibin, Nicole. May likod ka pa! Baka mamaya nahimatay ka na dyan sa sobrang kilig. Pustahan tayo hindi pa nakakapasok si Sir Mico sa classroom eh na-ospital ka na," sabi naman ni Klare.

"Wushuuuu! Porket may Isiah ka lang e. Ahihihi."

"Oh? Bakit nasama si Isiah dito?" tanong niya sa'kin. Aba't in denial pa ang lola niyo. Kilig naman siya.

"Eh di ba nga MU kayo? Matawag nga si Isiah at—omg, nandyan na siyaaaaaaaa!" Dahil sa pagsigaw kong abot hanggang Mount Olympus but thank God hindi narinig ni Sir Mico, nagsitahimik na ang mga kaklase kong kanina pa naghaharutan at nagsibalikan na rin sila sa mga original seats nila.

Mga kaklase ko talaga oh. Parang mga anghel kapag may teacher na sa classroom. Sana nga lagi na lang may teacher sa classroom namin e. Lalo na kung si Sir Mico. Ahihihi. Shet landi.

"Good mooooooooorning, Mr. Ortega," bati ng mga kaklase ko. Yes, sila lang. Hindi ako kasali. Bakit? Oh jusko! Kung kanina ay naghaharlem shake ako dito, pwes ngayon, hindi ko na kineri! Masyadong gwapo si Sir! My gahd.

"Ang gwapo ni Sir Mico, hohoho," bulong ko sa katabi kong si Sofie, isa rin sa mga best friends ko. Ang dami kong best friends, ano? Peymus kasi ako dito. Hahaha. Joke lang.

"Yeah, pero bawal ang magkacrush sa kanya. Professor pa rin natin siya, nuh! Kaya ikaw, Nicole, tigil tigilan mo na yan!"

"Tss. Crush lang naman e."

Pinagmasdan ko na lang ang isang napakagwapong nilalang sa harapan ko. Haay nako, kailan kaya magiging kami? Lol imposible. Professor siya at estudyante niya ako. Maling mali. Bawal ang pagmamahalan namin. Lol as if namang nagmamahalan kami eh ako lang naman ang nagmamahal sa kanya. MagMU nga kami e, isang manhid at isang umaasa. Saklap.

Atsaka asa naman akong magugustuhan niya ang isang tulad ko, di ba? Sa gwapo niyang yan? Siguro yung mga tipo niya ay mala-Megan Fox. Paa lang ako. Shit. Gawin na nating tuhod.

Anyway, dahil medyo nabadtrip ako sa mga pinag-iisip ko, nag-isip na lang ako ng mga nakakatuwa. Eeeeeeeee! Kinikilig ako!

Paano ba naman, magkasing-edad lang kami! Oo, sixteen lang din si Sir! Alam ko at alam ninyong masyado pa siyang bata para maging professor sa isang sikat na Unibersidad sa Pilipinas pero yun na nga e, naging Professor na siya. Based kasi sa pang-iistalk ko, masyadong matalino at advanced itong si Sir Mico kaya maaga siyang nakapaggraduate. Jusko, kung bibigyan mo siya ng isang mahirap na mathematical problem, wala pang isang segundo ay nasagot na niya yan. May calculator ata sa utak e. Kung ako siguro ay aabutin pa ng dalawang taon yan.

Honestly kasi, Math and PE teacher namin siya. Athlete kasi siya. Ang galing galing niyang magbasketball na sana ay ako na lang ang ishoot niya sa puso niya. K korneh.

Noong una ko pa lang siyang nakitang maglaro, shitness de amor! Naglaway ako sa bleachers! Ang hot niya kasi kapag nagbabasketball e. Parang masarap punasan yung pawis niya. Hahaha. Ano lasa.

"Good morning, class. Please take your seat and get a one whole sheet of paper. Label it as your seatwork," aniya at nagsimula na siyang magsulat ng alien language sa white board. Oh jusko! Ano yan?! Lecheng Math kasi o. Pwede naman na siguro yung 2+2 kaya lang may kasama pang letters at kung ano ano! So ganun? S+H+I+T=number? Huwaaaaw. Ameyzeng.

So ayun, nagsulat si Sir Mico ng sampung mathematical problem sa board na kung saan ay hindi ko nga alam kung mathematical problem ba ang tawag dun. Eh hindi pa nga siya nagdidiscuss e! Nasaan ang hustisya?!

"Rien, bakit hindi diniscuss yung lesson?" tanong ko sa isa pa naming kaibigan na ubod ng katalinuhan. Wag ka, top 1 namin yan. Hahaha.

"Ano ka? Diniscuss kaya yan kahapon! Di ka kasi nakikinig e. Puro ka titig kay Sir." Weh? Omygash, makikinig na nga ako! Huhu.

"Oh eto, kopya ka na lang sa'kin since mabait ako. Hahaha." Yeeeaaas.

"Yay! Thankie!"

"Urur! Libre mo ko mamayang lunch." Ay, tange. Kaloka tong babaeng 'to oh.

"Oo na, sige na."

Malayang malaya naman ako sa pangongopya kay Rien dahil may pinagkakaabalahan si Sir sa laptop niya. After ng ilang minuto, finally at tapos na rin ako sa pangongopya.

Chineck na namin ito at huwaaw! Ang galing talaga ni Rien at perfect ako. Hahaha!

Pero akala ko doon na nagtatapos ang seatwork namin pero hindi pa pala! At ang mas masaklap, hindi recorded yung una naming seatwork! Langya, bakit pa ito tinawag na seatwork eh hindi naman recorded? Perfect pa naman ako. Paasa si Sir! Huhuhuhu!

So ayun, binigyan kami ng tig-iisang coupon bond na naglalaman ng dalawang daang katanungan lamang. Shit! Two hundred?! Pinagloloko ba kami ni Sir?! Hay nako, Sir! Kung di ka lang gwapo.

Pagkatingin na pagkatingin ko sa coupon bond, nanakit ang mga mata ko! My gahd. Keri ko naman yung test one dahil multiple choice lang naman ito so sa nakasanayang gawain, nanghula na lang ako dahil expert naman ako dito pagdating sa mga tests o seatworks. Pero sa test two hanggnang test five naman, ayun, puro question mark dahil di ko naman alam kung ano yung formula! Nakakahiya tuloy kay Sir Mico. Hashtag shitness overload.

Natapos kami at pinapasa na ni Sir yung bond paper sa harapan. Masaya sana ako dahil malalapitan ko si Sir dahil by class number niya itong kinuha so bali isa isa kaming pumunta sa harapan. Pero nung ako na yung tinawag, nakayuko lang ako nung inabot ko yung papel kay Sir Mico. Pahiya ako e. Makikinig na talaga ako sa discussion next time. Huhuhuhu!

Haaay. End of class na naman. It means bye bye, Mr. Ortega pero oks lang dahil lunch naman ang kasunod. Makikita ko pa rin naman siya mamaya sa cafeteria e. Ahihihi.

"Dunno Mars! CR lang ako ah?" sigaw ko sa Class President namin na sobrang ingay at napakakulit naman. Luh. Hindi pa nga lunch kumakain na siya. So ayun, tumango naman siya sa akin at lumabas na ako ng classroom.

Nang matanaw ko ang CR, owemgee! Nakita ko si Sir Mico na ngumiti sa akin. Am I dreaming?! Shit. Kinurot ko ang palad ko at hindi nga ako nananaginip!
Lumapit ako sa kanya kasi nasa tapat siya ng CR, eh papasok nga ako dun, di ba? Hala. Ano kayang ginagawa ni Sir Mico sa tapat ng CR? Lol. Baka naman may hinihintay lang.

Pero, grabe! Nginitian niya ako! Guinness Book of World Records na ito!

















-D ;)

Surreptitious {On Hiatus}Where stories live. Discover now